Proposal
"Angel, will you marry me?" kinakabahang wika ni Tony.
Tahimik lang si Angel habang pinoproseso ng sinabi ni Tony. Hindi nya alam kung ano isasagot na Hindi masasaktan si Tony.
"ha? Tony,matagal na tayong magkaibigan at magkasintahan pero Hindi pa ako handa at Hindi ko pa nakikita Ang Sarili ko na maagang mag-asawa.Pasensya ka na gusto ko pang makapagtapos ng aking pag -aaral para makatulong sa mga magulang at kapatid ko. Saka napakabata pa natin eenjoy muna natin Ang Buhay. Kung nagmamadali ka pwede ka namang humanap ng ibang mamahalin. Mabuti pa siguro tapusin na Lang natin Ang ating relasyon.At manatili na Lang tayong magkaibigan para maibaling mo sa iba Ang feelings mo." mahabang litanya ni Angel
Labis naman na nasaktan si Tony sa mga sinabi ni Angel.Hindi nya matanggap na Ang babaeng mahal na mahal Niya Ang Hindi nya mapangasawa.Pero Wala siyang magagawa kundi respetuhin Ang sinabi ng dalaga.Napakasakit pero Hindi nya pwedeng pilitin ito kung ayaw.
" kung yan Ang gusto mo Wala ako magagawa kahit napakasakit" mangiyak ngiyak na wika ni Tony
" hmp.huwag na huwag mong kakalimutan na may Isang Tony na nagmamahal Sayo ng tapat at buong puso. At maghihintay ako kung kailan ka handa." dagdag ni Tony
"Salamat Tony sa walang sawang pagmamahal hangad ko na mahanap mo na Ang babaeng nararapat Sayo at mamahalin ka ng higit pa sa pagmamahal ko. umiiyak na wika ni Angel.
"Sana nga Angel.Pero alam ko sa puso ko na matagal pa Yun mangyayari.Kapag naghilom na Ang sugat Dito sa puso ko" wika ni Tony.
Habang sa isang sulok nalulungkot naman Ang mga kaibigan nila. Saksi Ang mga ito kung gaano ka mahal nang dalawa Ang isat Isa. Gstuhin man nila na magkatuluyan Ang dalawa pero wala Silang magagawa.Nandito lang sila para umalalay at sumuporta sa dalawang kaibigan.
Bigla na lang tumalikod si Tony at umalis. Iniwan si Angel na umiiyak. Dali Dali naman dinaluhan nang magkakaibigan si Angel na humahagulgol.
Ang sakit sakit nang pakiramdam ni Angel ginagawa Niya lahat ng ito para kay Tony.Hindi Niya man masumbatan Ang binata sa mga natuklasan Niya pero ayaw niya na Malaman nito na alam Niya na nalulong ito sa Dr*gs. Akala Niya nung una alak at sigarilyo lang Ang bisyo nito.Hindi Niya akalain na pati dr*gs pa pala. Alam Niya naman na loyal sa kanya si Tony dahil Wala naman itong ibang babae kundi siya lang. Maliban sa pangarap ni Angel Isa din ito sa pinakamalalim na dahilan kaya tinanggihan Niya Ang proposal ni Tony. Saka palagi siys tinatawagan nang Kapatid na babae ni Tony para layuan Ang binata.Pero Ang Hindi alam nang mga ito na balak naman talaga Niya makipaghiwalay ky Tony dahil ayaw ng mga pamilya ng dalaga sa binata.
Lumipas ilang linggo Hindi na nakikita ni Angel si Tony.Nabalitaan Niya sa mga kaibigan nila na Lalo daw nalulong sa bisyo Ang binata.Nalaman na din nang mga Kapatid nito na Hindi na siya pumapasok sa school. Halos araw araw lasing nag binata.
Labis naman na nasasaktan si Angel. Mahal na Mahal pa naman Niya Ang binata pero para sa ikabubuti nito ang iniisip nya. Alam nya kasi na kung tinangggap nya Ang proposal ni Tony Hindi matutupad nag pangarap ng mga magulang nito sa binata. Kaya siya na lang Ang nagpaubaya para matupad ng binata Ang mga pangarap ng magulang.
Lumipas Ang nga araw, nag focus si Angel sa kanyang pag-aaral.Isinantabi nya muna Ang nararamdamang sakit sa kanyang puso. Alam nya balang araw maiintindihan din siya ni Tony. Hindi na din nakikita ng dalaga Ang binata na pumapasok sa school. Nabalitaan na lang Niya na pumunta ito ng ibang bansa at doon nagpatuloy ng pag-aaral.
Naisip ng dalaga na kung sila talaga Ang nakatadhana para sa isa't Isa balang araw mangyayari din iyon. Pero sa Ngayon tutuparin Niya muna Ang pangarap ng mga magulang Niya na makapagtapos sa pag-aaral at iyon muna Ang mahalaga sa lahat.Sa sunod na Niya iisipin Ang Sarili nya.
Six years later. Natupad na ni Angel Ang mga pangarap Niya para sa kanyang nga magulang. Wala na siyang balita Kay Tony at sa iba pa nilang mga kaibigan.
"Babe, let's go baka malate tayo sa dinner" tawag ni Angel
"ok babe.lets go" Yaya ni Stan
Nagkakilala si Angel at Stan sa kasal nang mutual friend nila. Dun nagsimula Ang lahat Hanggang naging mag bf/gf sila. Limang taon ng magkasintahan Ang dalawa.Masaya at payapa Ang kanilang relasyon Minsan may konting away at tampuhan pero naaayos at napag uusapan agad.
" Bakit Wala yatang tao,babe. saka nakapatay Ang ilaw" nagtataka na sambit ni Angel
"Baka nasa likod sila Babe" sagot ni Stan
"Ganun ba. Tara na babe. baka naiinip na Ang mga Yun" natatawang Yaya ni Angel
" kaya nga eh..Alam mo naman Ang mga Yun" nakangiting sagot ni Stan
Magkahawak kamay na naglakad ang magkasintahan papunta sa likod ng Bahay nila Greg Ang best friend ni Stan.
"Uy,sa wakas dumating n admin nag lovebirds" tukso ng grupo
Nakangiti lang Ang magkasintahan sa panunukso ng mga kaibigan nila. Umupo na sila para mag umpisa Ang magdinner.
"Babe,ako na lang kukuha ng pagkain mo" paalam ni Angel ky Stan
"Yes babe" malambing na sang-ayon ni Stan
At pumunta na sa buffet table ang mga babae para kumuha ng pagkain. Habang kumukuha ng pagkain Ang mga babae tinanong naman ng mga lalaki si Stan.
"Stan pare Anu na balak mo kelan ka na magpropopose kay Angel?" tanong ni Greg
" Oo nga pare Ang tagal nyo na ni Angel. Kasal na Lang kulang sa inyo saka Wala namang problema sa both families nyo. " dagdag ni Randolf
" Actually pare, ready na ako magpropose balak ko sana ngayong Gabi para kayo ang aming witness. Hindi na din ko makapaghintay na maikasal kami ni Angel alam nyo naman kung gaano ko siya ka mahal." Amin ni Stan
" Yun oh.hahaha.kasalan na agad pare. Para Wala ng kawala pa. Ikakasal ko agad kayo.ano pa At may kaibigan kayong Governor" kantiyaw ni Gov. Reyson Martin
" Saka kung pinoproblema mo Yung mga magulang nyo papunta na din sila Dito. Kami na din bahala sa mga kapatid niyo.Magkakasama sila nila mommy sa pool area." sabat ni Greg
" kinakabahan ako pare" amin ni Stan
" Kami bahala pare. Sa garden ka magpropose Kay Angel after ng dinner." wika ni Alvin
" Sige pare. Maraming Salamat sa inyo." Pasasalamat ni Stan
" Welcome pare." sagot ng mga lalaki
"Masaya yata Ang pinag-uusapan nyo ah. Ang gaganda ng mga ngiti nyo" sabat ni Rose
" nag bibiruan lang kami" wika ni Greg
"Babe ito na Ang foods mo." wika ni Angel ky Stan
"thank you babe." sabay halik sa pisngi ni Angel
"kumain na nga tayong lahat.Andaming langgam na Dito" tukso ng magkakaibigan
Nagsimula na sila kumain after dinner niyaya ni Stan si Angel na magpahangin sa garden.
"Loko Loko talaga Ang mga kaibigan natin Hindi talaga sila nagsasawa na biruin at tuksuhin tayo." nakangiting sambit ni Stan
"Kaya nga babe. Pero thankful talaga ako sa mga kaibigan natin" sabi ni Angel
"Same here,babe" anas ni Stan. sabay yakap at halik ky Angel.
" I love you so much Babe." Stan
" I love you more Babe" Angel
Nagulat si Angel ng biglang lumuhod si Stan at my kinuhang singsing sa bulsa.
"Babe,you know how much I love you. I really want to spend the lifetime with you. And to be the mother of my children. I love you so much. Will you marry me?" naluluha na sambit ni Stan
"Babe, I want to be a mother of your children and I also want to spend the rest of my life with you. I love you so much.. Yes babe, I will marry you" umiiyak na sagot ni Angel
" Yes." sigaw ni Stan
Isinuot ni Stan sa daliri ni Angel Ang singsing.Mabilis Niya niyakap at hinalikan Ang buong pagmamahal Ang dalaga.
Naiiyak naman sa tuwa Ang mga kaibigan at pamilya ng magkasintahan.Masayang Masaya sila para sa dalawa.
"lovebirds, halina kayo Dito at umpisahan na natin Ang civil wedding nyo. Pirmahan nyo na lng itong marriage certificate para maprocess na bukas" sabat ni Gov. Reyson.
" oo nga para Mr & Mrs Miranda na kayo bukas" sang-ayon ng mga kaibigan nila habang tumatawa at Masaya para sa magkasintahan.
" Tara na babe.para kasal na tayo agad then Ang church wedding three months after na." Yaya ni Stan
" Sige babe" sang-ayon ni Angel kahit gulat sa bilis nang pangyayari.
Mabilis ng pumirma Ang dalawa pati mga witness nila.Sinuot na din nila Ang wedding ring sa daliri ng isat Isa.Masayang Masaya sila sa wakas mag-asawa na sila
" halikan mo na Ang asawa mo pare. simula ngayon kayo ay kasal na.Congratulations to both of you" Gov. Reyson
" thank you pare" sabay wika ng bagong kasal