bc

The Cold CEO and The Fake Fortune Teller (FREE SHORT STORY)

book_age18+
633
FOLLOW
4.0K
READ
billionaire
HE
opposites attract
arrogant
bxg
lighthearted
campus
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

THIS IS FREE TO READ!!!PUWEDE NIYO RIN SIYANG MAPAKINGGAN SA Y-T CHANNEL (AMIHAN STORIES, ISTORYA NI AMIHAN AT MORE AMIHAN STORIES)Isa si Colden Elizalde sa mga tinatawag na cold CEO, kaya iilan lang ang napapalapit sa kanya. At ang mga babaeng nagugustuhan niya ay hindi siya gusto. Kaya naitanong niya sa sarili kung may mali ba sa kanya.Habang si Alena Suarez ay isang anak ng manghuhula. Ngunit, sa kasamaang palad ay hindi niya nakuha ang talento ng kanyang ina. Dahil na-scam ang perang pampagamot ng kanyang Lola ay nagpanggap na isang legit manghuhula ang dalaga. Gusto niyang maibalik ang na-scam na pera para sa gamutan ng kanyang Lola.Magtagpo kaya ang landas nilang dalawa?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“I’m sorry, but this is our last date, Colden.” Wika ng babaeng ka-date ni Colden Elizalde. Kumunot ang noo ng binata. “Why? May mali ba akong nagawa?” nagtatakang tanong ng binata sa babaeng ka-date. Umiling-iling ang babae. “It’s not like that. You know, you are perfect. You are handsome, rich and kind of a person, but, I like someone else.” “What? We're dating for two weeks now. ’Tapos may gusto ka na palang iba?” “I’m sorry. Bye!” Hingi ng despensa ng babae sabay paalam kay Colden. Napatulala na lang ang binata sa babaeng lumabas ng restaurant. It's frustrating him, every time na may makaka-date siyang babae ay parati na lang siyang naiiwan sa ere. Sasabihin nilang they love someone else. Bakit hindi na lang siya ang mahalin nila? May mali ba talaga sa kanya? Mabigat ang loob na umalis si Colden sa restaurant. * Walang ganang magtrabaho si Colden dahil nga ilang babae na ang iniwan siya. Bumukas ang pinto ng kanyang opisina at pumasok si Brandon, ang kaibigan ni Colden. “Pare, anong nangyayari sa ’yo? Ilang araw na kitang tinatawagan pero hindi ka naman sumasagot sa mga tawag ko. Is there something wrong? Sayang, may irereto pa naman sana ako sa ’yong babae. She's beautiful and came from a rich family.” Pagsasalita ni Brandon sa kaibigan. Kusa na itong umupo sa upuang kaharap ni Colden. Malalim na bumuntonghininga si Colden at tiningnan ang kaibigan. “Don’t bother. Kahit na anong gawin kong pakikipag-date sa iba’t-ibang babae ay wala pa ring mangyayari. They will leave me like a trash.” Bitter na wika ng binata. “Oh! Come on, baka naman kasi napaka-cold mo sa mga babaeng naging ka-date mo, kaya ka iniiwanan.” “I am extra sweet to them, pare. Pero, kapag handa na akong mag-confess ng nararamdaman ko para sa kanila ay bigla na lang silang aatras at sasabihing may mahal silang iba, nakipagbalikan sila sa kanilang ex, or iba pang mga rason.” “Hala! Baka naman may nasaktan ka noong babae na hindi mo alam at isinumpa ka!” “What? Nagpapaniwala ka pa ba d'yan? Wala ng mga ganyan ngayon sa panahon natin. Kaya tigilan mo ako, at saka isa pa, hindi naman ako mahilig maglaro ng babae.” “Kung sabagay ay may tama ka, pare. Hmmm. . . Hindi kaya may nagkagusto sa ’yong diwata? ’Tapos may orasyong ginawa sa ’yo para hindi ka magka-love life?” sabi na naman ni Brandon kay Colden. Masamang tiningnan ni Colden ang kaibigan. “Mukhang may sayad ka yata eh, kawawa naman si Gwen sa ’yo,” naiiling na pahayag ni Colden kay Brandon. “Oy! Swerte niya kaya sa akin, gwapo na mayaman pa, at masarap sa. . .” natatawang ibinitin ni Brandon ang sinasabi nito. Dahil sa inis ni Colden ay binato niya ng papel ang kaibigan. “Umalis ka na nga! Maawa ka sa kagaya kong single!” “Sinabi ko naman sa ’yo eh, baka kinulam ka na. . . Oh, wait! May kakilala pala si Gwen na isang fortune teller at magaling sa mahika. Baka matulungan ka niya.” “Sabing hindi ako naniniwala sa mga ganyan eh! Alis na! Marami pa akong tatrabahuin.” Pagtataboy ni Colden sa kaibigan. “Colden! Sino ’yang nasa likuran mo?” tanong ni Brandon na may takot sa kanyang mga mata. Biglang napalingon si Colden sa kanyang likuran. “Nasaan?” nagtatakang tanong ng binata. “It’s a prank!” Pasigaw na wika ni Brandon sabay labas ng opisina ng kaibigan. Naiiling na natatawa na lang si Colden sa pagiging isip bata ng kaibigan. Muling umukilkil sa utak niya ang sinabi ni Brandon tungkol sa baka may kumulam sa kanya o kaya ay may diwatang nagkagusto sa kanya. Ipiniling niya ang ulo at mariing ipinikit ang mga mata. Pilit inaalis ang mga posibilidad na inilagay ng kaibigan sa kanyang isipan. * Habang si Alena naman ay lugong-lugo na napasalampak sa silya sa labas ng nakasarang building. Ang laki ng problema niya, ang swenkwenta mil na perang ipinadala ng kanyang ina mula sa Dubai ay naiwala niya. Na-scam siya ng kanyang kakilala, dahil nga gusto niyang makatulong para sa pagpapagamot ng kanyang Lola ay sumugal si Alena. Sabi kasi ng kaibigan niya ay dodoble o titriple ang maibabalik sa kanya na pera. Nasapo ng dalaga ang kanyang mukha at doon ay ibinuhos ang luhang kanina pa gustong kumawala. “Bakit ba ang tanga-tanga ko? Hindi ko inisip na p'wede akong lokohin ng gagong ’yon! My goodness! Paano na ang perang pampagamot ni lola? Saan ako kukuha ng perang naiwala ko?” sunod-sunod na tanong ni Alena sa kanyang isipan. Hindi niya alam ang gagawin kaya ilang ulit siyang bumuga ng hangin. Wala na siyang mahihingan ng tulong kundi ang kaibigang si Gwen. Kinuha niya ang kanyang cell phone at dinayal ang numero ng kaibigan. She really need her help. Para na kasing masisiraan ng ulo si Alena kakaisip sa kung anong dapat na gawin. Mabuti na lang at mabilis na sinagot ni Gwen ang kanyang tawag. “O, Alena, napatawag ka?” agad na bungad ni Gwen sa kaibigan. Ilang sandaling naging tahimik si Alena, hindi alam kung ano ang sasabihin sa kaibigan. “G-gwen. . . I need your help, hindi ko alam kung anong gagawin ko.” Sabi ni Alena sabay iyak. “Oh my goodness! Are you crying? Ano bang problema mo? Can you tell me?” nag-aalala naman ang boses na tanong ni Gwen sa kaibigan. “Sunduin mo ako rito sa YBG building, I'm here. . . Sitting and hopeless.” “Okay, stay there and wait for me.” “Hmmm. . .” tanging sagot ni Alena sabay patay ng cell phone niya. Halos dalawampung minuto rin ang hinintay ni Alena bago dumating ang kanyang kaibigan. “Alena!” Tawag ni Gwen sa pangalan niya. Mabilis namang tumayo si Alena at sinalubong ng yakap ang kaibigan. “Hush now. Ano bang nangyari sa ’yo? Mag kwento ka nga.” Sabi ni Gwen habang hinahagod ang kanyang likuran. “Sa sasakyan mo na tayo mag-usap.” Aya ni Alena sa kaibigan. Tumango naman si Gwen at sabay na silang pumasok sa sasakyan ng kaibigan. “O, magsalita ka na. Anong nangyari at bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa ’yang pagmumukha mo?” tanong ni Gwen na parang isang imbestigador. Marahas siyang bumuntonghininga. “Kasi, ’yong perang ipinadala ni Nanay na pampagamot ni Lola ay naiwala ko,” “Ha? Anong naiwala mo ang pera, Alena?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.0K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.7K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.8K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook