Chapter 2

989 Words
“Na-scam ako ng kakilala ko. Sabi kasi sa akin ay magiging doble ang perang matatanggap ko after two weeks. Eh, dahil sa sobrang katangahan at kabobohan ko, pumayag ako. Ayon, kahit isang kusing walang natira sa akin. Paano na ’yan ngayon? Malalagot ako kay Nanay at baka hindi na namin maipagamot pa si Lola. . . Kasalanan ko ’tong lahat eh. . . Hindi ako nag-iisip, ang nasa isipan ko lang ay kung paano lalaki ang pera para pandagdag sa pampagamot ni Lola.” Umiiyak na kwento ni Alena kay Gwen. Hinagod-hagod ni Gwen ang likuran ng kaibigan. “Shhh. . . Tahan na, wala ka namang kasalanan eh. Makakapal lang talaga ang mga mukha ng mga scammer na ’yon. Hindi na lang magtrabaho ng marangal, gagawa pa ng mga kalokohan. . . Alam kong gusto mo lang makatulong sa nanay at Lola mo, pero sana sa susunod Alena, pag-isipan mo munang mabuti ang gagawin mo. You should think wisely, okay?” payo ni Gwen kay Alena. “Pwede mo ba akong tulungan, Gwen? Gusto kong makahanap kaagad ng trabaho para maibalik ko ang perang naiwala ko.” “Ewan ko kung matutulungan kita. Magkano ba ang perang na-scam sa ’yo?” “Singkwenta mil, Gwen.” Namimilog ang mga matang tiningnan siya ng kaibigan. “Ganyan kalaki?” Sunod-sunod na tumango si Alena sa kaibigan. “Oo eh. Ano? Matutulungan mo ba akong makapaghanap ng trabaho na may malaking kita?” “Hmmm. . . Hindi ko alam eh, pero, hindi ba at isang manghuhula ang nanay mo? Bakit hindi mo subukang manghula? Sigurado akong malaki ang kikitain mo!” Nakangiting suhestyon ni Gwen sa kanya. Napakamot naman sa noo si Alena. Totoong manghuhula nga ang kanyang nanay, ngunit, sa kasamaang-palad ay hindi niya nakuha ang talentong iyon ng ina. “Eh, hindi naman ako marunong manghula eh.” Mahinang wika ni Alena sa kaibigan. “What? Pero, may konti ka namang kaalaman sa panghuhula? O kahit ’yong paggawa ng orasyon?” “Hmmm. . . Nakikita ko naman si Nanay noon na gumagawa ng ritwal eh. . . Pero wala akong alam sa mga ganyan. . . Ay! Alam ko na! Iniwan lahat ni Nanay ang kanyang mga gamit sa bahay. Nando'n sa dati niyang pwesto. Pwede kong pag-aralan ang panghuhula.” “Good. Alam mo kasi, may kaibigan ang boyfriend ko, at parati iyong minamalas sa babae, kaya naman sinabi ni Brandon na baka may nangkulam sa kanya o ’di naman ay ginamitan ng mahika ng isang diwata.” “O, ’tapos? Anong gagawin ko sa kaibigan ng boyfriend mo?” “S’yempre pabibilibin! Huhulaan mo siya, at gagawan ng mga orasyon.” “Pero hindi nga ako marunong eh.” Nakanguso na wika ni Alena. “Eh ’di magpanggap kang marunong kang manghula! Kompleto naman ng gamit ang nanay mo hindi ba?” “Hindi ba at masama ang gagawin natin? Panloloko ’yon eh.” May takot sa boses na wika ni Alena. “Alena, ngayon lang naman ’to. Kapag nakuha mo na ang perang kailangan mo ay pwede ka ng tumigil.” Saglit na napaisip si Alena, kailangan talaga niya ng pera at kailangan ng maipagamot ang kanyang Lola. Kaya nakapagdesisyon na si Alena. “Sige na nga. Papayag na ako sa gusto mo. Paano kami magkikita ng kaibigan ni Brandon?” Pagpayag ng dalaga sa plano ng kaibigan. “Ako ang bahala. Sasabihin ko sa ’yo ang mga detalye tungkol kay Colden, kaya huwag kang mag-alala. Basta galingan mo lang sa pag-arte. Ayusin mo na ngayon pa lang ang mga gamit ng nanay mo sa panghuhula at bukas pupuntahan ka namin, kasama ang una mong kliyente.” Nakangiti na wika ni Gwen sa kanya. “Okay. It's a deal. Kaya ko ’to! Para kay Lola!” “Para kay Lola!” Pagkikigaya naman ni Gwen kay Alena. * Papaalis na si Colden sa kanyang opisina nang pumasok ang magkasintahang Brandon at Gwen sa office niya. Kumunot ang kanyang noo dahil sa kakaibang tinginan ng dalawa bago siya binalingan. “Anong kailangan niyo sa akin?” tanong ni Colden sa dalawa. “O, bumalik na ba ang dating Colden? Ang lalaking malamig pa sa yelo?” natatawang biro ni Brandon sa kaibigan. “Tss. Ako'y tigil-tigilan mo, Brandon ah. I'm not in the mood to joke around.” “Okay fine. Nandito ako para sabihin na may nahanap na kaming manghuhula at gumagawa rin siya ng orasyon para mawala na ang kamalasan mo sa mga babae.” “I told you, hindi ako naniniwala sa mga ganyan. Baka may mali lang talaga akong nagawa sa mga nakaka-date ko kaya mabilis nila akong iniiwanan.” “Pare, I'm serious here, okay? Don't worry dahil kaibigan naman ni Gwen ang manghuhula sa ’yo. At para manatili ang image mo bilang isang cold at cool na CEO ay papipirmahin natin ng confidential agreement ang manghuhula na ’yon. Ano? Payag ka ba?” “I don't know, pare. Pero dahil makulit ka, fine. Pero isang beses lang ah, kapag hindi ko nagustuhan ang reading niya sa akin ay hindi na ako babalik pa para magpahula.” “Great! That's my friend! Bukas na ang schedule mo para magpahula. Please lang, huwag mo akong ipahiya.” Pabirong wika ni Brandon sa kaibigan. “Ipahiya?” nagtatakang tanong ni Colden sa kaibigan. “Baka kapag nakita mo ang manghuhulang ’yon ay baka mahulog na lang bigla ang puso mo.” “Tsk. Pupunta ako ro’n para magpahula at hindi para ayaing i-date siya.” “Ikaw naman, binibiro lang naman kita eh. Sige na, puntahan kita rito bukas. Alis na kami at may date pa kami nitong maganda kong girlfriend.” Nakangiting paalam ni Brandon sa kaibigan. “Eh ’di kayo na ang masaya!” Bitter na pahayag ni Colden sa kaibigan. “Bye! Colden!” Paalam ni Gwen sa binata. Isang tango lang ang isinagot ni Brandon dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD