Inaayos naman ni Alena ang pwesto kung saan dating nanghuhula ang kanyang ina. Darating na maya-maya ang kaibigan niya kasama ang boyfriend nito at ’yong huhulaan niya. Nang makitang maayos na ang lahat ay saka pa nagbihis si Alena. Isang itim na long sleeve ang suot niya na may mga burloloy na desinyo. Tenernuhan niya iyon ng mahabang palda, na may tribal design. Ang mahaba, maitim at kulot na kulot na buhok niya ay hinayaan niyang nakalugay. Kinuha niya rin ang pulang panyo at itinali sa kanyang ulo.
Nagsuot ng mga bling-bling sa mga kamay si Alena. Isinuot din niya ang kwintas na gold plated na ang pendant ay isang bilog na may koronang nakaukit.
Tiningnan ni Alena ang kanyang hitsura sa harapan ng salamin.
“Para na akong isang totoong manghuhula. Kaya mo ’yan, Alena. Para sa Lola mo.” Pagpapalakas ng loob niya sa kanyang sarili.
Kinuha niya ang bilog na bolang crystal at tinakpan ng pulang tela.
Umupo na siya sa harapan ng bolang crystal at nag-practice ng kanyang linya para mamaya.
“Arigata meng meng! Bolang crystal, ipakita mo ang magiging kapalaran ko!” Nakapikit niyang wika. Dahan-dahan niyang hinihimas ang bolang crystal. Inikot niya ang kanyang kamay sa bolang crystal.
“Magiging successful akong manghuhula! Hahahaha!” Malakas na wika ni Alena sabay dilat ng mga mata.
“Tss. Para lang akong baliw.” Naiiling niyang sabi sa sarili.
“Alena! Nandito na kami!” Napalingon ang dalaga nang marinig ang malakas na isigaw ni Gwen sa kanyang pangalan.
Medyo kinakabahan siya kaya humugot muna siya ng malalim na hininga bago seryosong tumingin sa kanyang bolang crystal. May mga tarot cards pa siya sa gilid. Ang mga tarot card na ’yon ay may mga kodigo sa ilalim ng kanyang mesa.
Pumasok sa loob si Gwen kasama ang dalawang gwapong lalaki. Napatulala siya sa lalaking nasa likuran ni Brandon. He's eyes are cold yet beautiful. Nagkatitigan silang dalawa. Parang dinadala si Alena sa ibang dimension sa uri ng pagkakatitig sa binata.
“Alena? Ayos ka lang ba?” tanong ni Gwen sa kanya. Napansin siguro nito na nakatitig siya sa binatang kasama nila ng nobyo. Agad na nag-isip si Alena upang hindi mapahiya sa mga taong kaharap. Naalala niya ang sinabi ni Gwen na year 1990 ang binata.
“Ayos lang ako, may nararamdaman lang akong enerhiya mula sa lalaking kasama niyo.” Pinaseryoso ng dalaga ang kanyang boses.
Kumunot naman ang noo ni Colden sa sinabi ng dalaga tungkol sa kanya. May kakaiba rin siyang naramdaman nang magtama ang mga paningin nila ng dalaga. Bigla na lang kumalabog ang kanyang puso nang makita patitig sa magaganda nitong mga mata.
“Anong klaseng enerhiya ba?” tanong ni Gwen kay Alena.
“Enerhiya ng isang kabayo.”
“H-ha? Kabayo? Bakit kabayo?”
“Dahil isa siyang year of the horse, year 1990. Tama ba ako?” seryoso ang mga matang tanong ni Alena kay Colden.
Isang tango lang ang isinagot ng binata sa magandang manghuhula.
“Lumapit ka rito at maupo. Uumpisahan ko na ang pagbasa ng iyong kapalaran.” Wika ni Alena. Sumunod naman si Colden at umupo sa upuang nakaharap sa dalaga.
“Kayong dalawa. Maghintay na lang muna kayo sa labas. Baka matagalan ang magiging session naming dalawa.” Pagtataboy ni Alena sa magkasintahan. Ayaw lang niyang masaksihan nila ang kanyang kabaliwan.
“S-sige, talaga bang kaya mo na rito, Alena?” nag-aalalang tanong ni Gwen sa kaibigan.
“Maayos lang ako rito. At hindi ko naman kakagatin sa leeg itong kaibigan niyo.” Pabirong sabi ni Alena.
Lumabas na nga sina Brandon at Gwen. Naiwan na lang silang dalawa ng binata sa loob ng silid na iyon.
“Anong gusto mong unahin ko? Tarot reading, pagbabasa ng kapalaran mo sa iyong palad o baka gusto mong subukan muna ang bolang crystal?” tanong ni Alena sa binata.
“Hmmm. . . Gusto ko munang malaman kung bakit iniiwasan ako ng mga babae? May mali ba sa akin?” kinakabahan na tanong ni Colden sa dalaga.
“Well, unahin na muna natin ang pag reading ng tarot card para sa ’yo. Heto ang cards, mamili ka ng tatlo.” Seryosong pahayag ni Alena sa binata.
Mabilis namang namili ang binata at ibinigay ang tatlong tarot card sa dalaga.
Nang buksan ni Alena ang tarot card ay hinila niya ang kodigo sa ilalim ng kanyang mesa. Tumikhim muna siya bago pasulyap na tumingin sa papel sa kanyang kandungan.
“Four of cups, Hindi ka satisfied sa mga nakaka-date mo, kahit hindi mo sabihin- nakikita sa mukha mo, you want more, unrealistic ang standards mo.
Nine of Swords, pero halata namang takot ka lang iwanan o maiwan.
Star, pero wag ka mabahala, may chance pang mabago 'yan. Set your standards in a more realistic way.” Paliwanag ni Alena sa mga tarot card na napili ng binata.
Habang si Colden naman ay halos walang maintindihan sa sinasabi ni Alena. Sa mukha kasi siya ng dalaga nakatitig. Napansin naman ni Alena ang matiim na titig ng binata sa kanya.
“May itatanong ka pa ba?” tanong ni Alena kay Colden. Tumikhim naman ang binata nang mahuli siyang nakatitig sa dalaga.
“Ahm, ano ang dapat kong gawin para magkaroon ako ng masayang love life?” alanganin na tanong ni Colden sa dalaga.
“Tanungin natin ang aking bolang crystal tungkol d'yan. . . Hmmm. . . Arigata meng meng! Mahiwagang bolang crystal, sagutin mo ang tanong ng ating gwapong bisita. Ngayon na!” Nakapikit ang mga mata ni Alena habang marahang hinihimas ang bolang crystal.