Chapter 4

801 Words
“Ohhh! Heto na. . . Nakikita ko na ang pwede mong gawin!” Sigaw ni Alena na parang sinasapian. “Oh my goodness! Kailangan mong mag-donate! Mag-donate ka sa isang lolang may sakit, at ang isa sa mga kahilingan mo ay matutupad!” Wika ni Alena, nakapikit pa ito. Nang magmulat ito ng mga mata ay nakita niya ang kaguluhan sa mukha ni Colden. “Anong koneksyon ng lolang may sakit para magkaroon ako ng masayang love life?” “Sa nakikita ko sa aking bolang crystal, ang apong babae ni Lola ang magiging soulmate mo.” “Talaga? Paano ko naman makikilala ang lolang ito?” tanong ni Colden sa dalaga. “Huwag kang mag-alala dahil isusulat ko na lang ang pangalan niya at sa kung saan siyang ospital naka-confine.” Tumango-tango naman si Colden sa sinagot ng dalaga. “Wow ah, ang galing ng bolang crystal mo at maging ang pangalan at lokasyon ay nalalaman niyan.” “Syempre naman, upgraded na kasi ang bolang crystal ko ngayon.” “Hmmm. . . May mga orasyon ka ba para mawala ang kamalasan ko sa mga babae?” tanong ni Colden kay Alena. “You can hire me as your personal fortune teller. Mas maganda ’yon dahil mabilis kong maba-block ang mga bad vibes na papasok sa buhay mo.” Suhestyon ni Alena sa binata. Oh! Lord, patawarin niyo sana ako sa mga kasinungalingan ko. Alam kong kasalanan ito, ngunit, kailangan ko po ng pera at sana gabayan niyo pa ako. Amen. Panalangin ni Alena sa Diyos. “That’s a good idea. Sa totoo lang, gusto ko na talaga ang magkaroon ng sariling pamilya. I'm not getting any younger. I want to built my own family. Kaya naghahanap ako ng babaeng pwede kong pakasalan, a wife material.” Pagku-kwento ni Colden kay Alena. “Huwang kang mag-alala dahil sa taong ito ay ikakasal ka sa babaeng mamahalin mo at mamahalin ka rin.” Seryosong wika ni Alena sa binata sabay hawak sa kamay nitong nakapatong sa mesa. Hindi alam ni Alena kung bakit niya iyon nasabi kay Colden, basta ang alam niya ay iyon ang kanyang pakiramdam. “You are hired!” Wika ni Colden sa dalaga. Ilang beses na napakurap-kurap si Alena habang tinitingnan si Colden. “T-talaga? Tinatanggap mo na ako bilang personal fortune teller mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Alena sa binata. “Yes. I will give you a fifty thousand pesos signing bonus, ibibigay ko ’yon kapag napirmahan mo na ang ating kasunduan. Gusto kong mag-focus ka kung paano mo mapapalapit ang good vibes sa akin at kung paano mailalayo ang bad vibes.” “Wow! Ang laki naman ng signing bonus ko! Magkano naman ang sahod ko?” “I will give you two million, it's your annual service payment. Then, kapag nakahanap ako ng babaeng pakakasalan this year, I will give you another one million as a bonus.” Seryosong sagot ni Colden sa dalaga. Namimilog naman ang mga mata ni Alena sa sinabi ng binata. “Are you freaking serious?” “Do you think I joke around? Magsisimula na ang trabaho mo bukas. . . And please, can you wear a formal dress? Dahil kung ’yan ang suot mo ay baka mapagkamalan kang galing sa. . .” “Galing saan?” Umiling-iling ang binata at tiningnan sa mga mata ang dalaga. “Wala. Anyways, this reading is enough for now. Thank you so much. Medyo naliwanagan ako.” Pasasalamat ni Colden sa dalaga. “Walang anuman, babayaran mo naman ako eh,” “About the payment, I will send it to you after you signed our agreement. Okay?” “Okay. Ahm, wait, ’yong name at address pala no'ng Lola na sinasabi ko sa ’yo.” “Oh yeah! Muntik ko ng makalimutan. Write her full details, bukas na bukas ay pupuntahan ko siya.” Wika ni Colden. Mabilis namang isinulat ni Alena ang pangalan ng kanyang Lola. Patawarin niyo po ako Lola sa mga pinaggagagawa ko. Patawarin din nawa ako ng Diyos. Panalangin pa ng dalaga habang nagsusulat sa papel. “Heto. Pagpalain ka pa sana. Huwag kang mag-alala at gagawa ako ng orasyon para lumapit ang good vibes sa ’yo. At saka, heto pala ang number ko, call me kung may gusto kang itanong.” Nakangiti na wika ni Alena. “Much better. I better go, thank you.” Paalam ni Colden sa dalaga. “Thank you din po sir! Bye!” “Don’t call me sir, just call me Colden.” “Oh? Kasing lamig mo pala ang pangalan mo.” Pabulong na komento ni Alden sa pangalan ng binata. “What did you say?” kunot noong tanong ni Colden sa dalaga nang lingunin niya ito. Nagulat naman si Alena ngunit mabilis lang na nakabawi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD