“W-wala naman. Sabi ko ang cool ng name mo.”
“Oh, okay.” Matapos iyong sabihin ay tumalikod na si Colden.
Napatitig na lang si Alena sa papalayong binata. Napahawak pa siya sa kanyang puso nang kumabog iyon.
Isang ngiti ang namutawi sa kanyang labi. Kahit na nga ba mali ang ginagawa niyang panloloko sa binata, pero ang puso niya ay biglang sumaya. Hindi niya alam kung bakit.
“Sana, akin ka na lang.” Wala sa sariling bulong ni Alena sa sarili. Mukhang na love at first sight yata siya sa malamig na binata.
*
Kinabukasan ay maagang nag-ayos ang dalaga ng kanyang sarili. Hindi niya alam kung bakit siya nag-aayos, ngunit may nag-uudyok sa kanyang mag-ayos para sa binata.
Napailing na lang siya sa kanyang sarili.
“Don’t fall for him, Alena. Isa ka lang fake na fortune teller. Kaya umayos ka. Gwapo lang siya, pero hindi siya sweet. Ang cold nga niya. . . Pero may mabuti siyang puso, at bonus na ’yong pagiging mayaman niya at pagiging gwapo.” Kausap ng dalaga sa sarili.
Nang ma-satisfy sa hitsura ay bumaba na si Alena.
Nagulat pa ang dalaga nang makitang may nakaparadang makintab at bagong-bago na sasakyan sa harapan ng kanyang pwesto.
Umawang ang kanyang labi habang nakatitig sa mukha ni Colden na bumaba ng sasakyan.
“Morning, sinundo na kita, let's go?” bati ng binata sa kanya. Ngunit, hindi ’yon kaagad naproseso sa kanyang utak.
“Hey! Tutulala ka na lang ba d'yan?” malamig ang boses na pukaw sa kanya ng binata.
“H-ha? Anong sabi mo?” nauutal nitong tanong.
“I said let's go. May ineretong babae sa akin si Brandon, and I want you to give me an advice. Kaya tayo na.”
“Ah, sige. . .” pumasok na si Alena sa loob ng magandang sasakyan ng binata. Ni hindi man lang siya pinagbuksan ng pinto.
“Anyway, tumawag na ako sa hospital no'ng matandang sinasabi mo, they will give her a special treatment. And tama ka rin na may apong babae ’yong Lola. I hope na makita ko siya.” Pagku-kwento ni Colden kay Alena.
Biglang napalunok ang dalaga.
‘Sana lang talaga ako ang maging soulmate mo.’ Bulong ni Alena sa sarili.
“May sinasabi ka ba?”
“Wala naman, bumubulong lang ako ng orasyon ko kaya huwag kang maingay d'yan. Pero anyway, salamat at tinulungan mo si lola. Malaking bagay ’yon para sa pamilya nila.” Pagsisinungaling na naman ng dalaga.
“Oh, It's okay, masarap ang makatulong sa kapwa mo. Anyway, hangga't hindi ko pa nakikita ’yong apong sinasabi mo ay maghahanap muna ako ng mga babaeng pasok sa standard ko.”
“Bakit ka ba nagmamadaling makahanap ng babaeng pakakasalan?”
“Kasi gusto ko ng mag-settle down. And gusto kong makahanap ng babaeng hindi pasasakitin ang ulo ko. I want a material wife woman.”
“Wala namang perpektong tao ah, baka sa sobrang pamimili mo ay mapunta ka sa babaeng kabaligtaran ng gusto mo.” Sabi ni Alena sa binata.
“So, baka may mai-suggest ka sa aking magandang gawin. Fortune teller ka naman, at alam kong kaya mong makita ang hinaharap ko.”
“Alam mo, hindi naman lahat ng problema at gusto ng tao ay idadaan mo sa panghuhula. Kailangan mo ring sundin ’yang puso mo at dapat marunong ka ring mag-desisyon para sa sarili mo.”
“I. . . I can't, natatakot akong magkamali sa pagpili. Kaya nga nandyan ka para tulungan ako sa mga desisyon ko.”
“Hindi ka ba marunong magmahal? O hindi mo pa nasubukang magmahal?”
“Hindi ako naniniwala sa pagmamahal. Dahil ang daming nagmamahalan sa umpisa pero naghihiwalay rin naman. Mas mabuti na lang ’yong maging practical ka. Like, ibibigay niyo ang kailangan ng bawat isa. No feelings attached.”
“Ay! Walang nabubuhay na nilalang sa mundo na walang pag-ibig sa kanilang mga puso, Colden. Mali ang paniniwala mo tungkol sa pag-ibig.”
“Miss Alena, you're here to do your job. Hindi ’yong pakialaman ako sa desisyon ko.” May inis sa boses nitong wika.
Bumuntonghininga naman si Alena at tiningnan ang binata. She felt sad about his belief in love. May nag-uudyok sa kanyang tulungan ang binata na magmahal.
“Colden, pwede bang magbigay ng advice sa ’yo?”
“Yes of course. ’Yan din naman ang hinihintay kong sabihin mo sa akin eh. Advice, that's all I need right now.”
“Ahm, gusto ko lang sabihin na, habang hinihintay mong makita ang apo ni Lola, imbes na maghanap ka ng iba, bakit hindi ka na lang muna mag-practice upang makuha ang loob niya?”
“Bakit kailangan ko pang mag-practice?”
“Para magustuhan ka niya. Upang hindi ka iwanan katulad ng ibang babaeng nakaka-date mo.”
“It just a waste of time. Hindi ko na kailangang mag-practice para lang magustuhan ako.”
“’Yan, ’yan ang isang dahilan kung bakit iniiwan ka. You don't do efforts. Gusto mo lang ay magustuhan ka rin kanila, gora ka na kaagad. Hindi mo man lang iniisip ang mga feelings ng mga babaeng nakaka-date mo. You're just looking for an ideal woman, but, you have a high standards, at hindi mo sila nakikita bilang sila, tinitingnan mo sila bilang babaeng pwede mong rendahan. It's not like that, Colden. Kailangan mo ring isipin ang nararamdaman ng babaeng gusto mong makasama habang buhay.” Paliwanag pa ni Alena sa binata.