Nakatitig si Colden sa dalaga. Habang nagsasalita ito ay medyo na-realize niya ang kanyang pagkakamali. Lahat ng babaeng nakaka-date niya ay inaya niya lang sa mga mahahaling restaurant. Ni wala siyang maramdamang excitement, ang gusto niya lang ay maging handa ang babae kung aayain niyang magpakasal. He always possess the cold aura, that's why everyone calling him a cold CEO.
Malalim na bumuntonghininga si Colden at mariing tinitigan si Alena sa mga mata nito.
“Fine, susundin ko ang suggestion mo. I need to practice how to be a sweet kind of a guy, pero kanino ko naman ’yon gagawin?”
“Sa akin. Nandito naman ako, kapag nagkita na kayo ng soulmate mo paniguradong magugustuhan ka na niya.”
“Wow ah, ang dami mo ng raket.”
“Tsk. Naghahanap-buhay po ako, mabuti na nga lang at tinutulungan kita eh.” Nakanguso na pahayag ni Alena.
Napatitig si Colden sa nguso ng dalaga. Parang bigla siyang nauhaw. Lumunok siya ng ilang beses bago binawi ang tingin sa mapupulang labi ng dalaga.
“Okay, simulan mo na akong turuan ng mga dapat kong gawin.” Pahayag ng binata habang nagmamaneho.
“Invite me for a date, ’tapos, dapat sa date natin, magkakaroon tayo ng chance na makilala ang isa't-isa.”
“Hindi ko ’yan ginagawa sa mga dati kong ka-date.”
“Exactly! Kaya ka naiiwanan eh dahil sa ganyang mindset mo. Kailangan mo ring gumamit ng mga mabulaklak na salita para naman kahit papaano ay kiligin naman ang mga babae sa ’yo.”
“I don't know to do it.”
“Paano ba naman kasi, para kang nagyeyelong nyebe.” Napalakas na wika ni Alena sa binata.
Kumunot ang noo ni Colden nang tingnan ang dalaga.
“Gusto mong bawasan ko ang signing bonus mo?” pananakot ni Colden dito.
Pekeng napangiti si Alena at mahinang hinampas sa balikat ang binata.
“Ikaw naman! Hindi na mabiro eh,”
“Hindi ako mahilig magbiro.”
“Well, kailangan mong magbiro paminsan-minsan. Nakaka-dagdag ng good vibes. Kasi kapag parati kang seryoso sa buhay, madali kang tatanda niyan.”
“As if I care!” Pasupladong wika ni Colden.
“Hay naku! Ang dami ko palang kailangang ituro sa ’yo.”
“I’m not a preschooler, kaya madali lang akong turuan at mabilis akong matuto.”
“Talaga lang ha. Mukhang mas okay pa ang mga preschooler sa ’yo eh, sumusunod. Eh, ikaw malabong sumunod sa mga gusto ko.” Mataray na wika ni Alena.
“Okay you win. Teach me how to tame my soulmate, ready na akong makinig sa ’yo.”
Malapad na napangiti si Alena sa tinuran ng binata.
“That’s great! Madali ka palang kausap eh.”
“Kung hindi ko lang kailangan ng babaeng pakakasalan, hinding-hindi ako susunod sa mga sinasabi mo.”
Hindi na lang umimik pa si Alena, ang puso niya ay nag-uumapaw sa saya. Ngayon ay alam na niya ang kanyang misyon, at iyon ay ang pa-ibigin si Colden sa kanya. Nawala na sa isipan niya ang perang pwede niyang makuha.
Ang puso na ng binata ngayon ang kanyang hinahangad.
*
Bored na bored na si Alena sa loob ng opisina ni Colden. Kanina pa nakatutok ang mga mata ng binata sa laptop nito. Para bang hindi nag-e-exist si Alena sa mundo niya.
Dahil sa inis ay tumayo si Alena sabay tadyak ng mga paa nito sa carpeted na sahig. Nag-angat ng paningin si Colden sa dalaga.
“What’s your problem?” kunot ang noo nitong tanong sa dalaga.
“Nagtatanong ka pa talaga! Nakakainis ka na ha! Kanina pa ako rito at hindi mo man lang ako bigyan ng pansin. Haler! Gutom na kaya ako!” Pagmamaktol ni Alena sa binata.
“’Yan lang ba ang problema mo? Okay, wait, I will call my secretary to order you a food.”
“What? Hindi mo man lang ako aayaing kumain sa labas? Haler, nag-usap na tayo na magpa-practice ka at kailangan mong baguhin ang ilang bad traits mo.”
“God! Ang dami mo namang arte.”
“Colde, hindi ’yon kaartehan. Ganyan dapat ang ugali mo kung susuyuin mo ang babaeng gusto mo.”
“But, I don't like them.”
Napa-face palm na lang si Alena sa sinabi ng binata. Ang tigas ng ulo nito at para pa itong walang pakiramdam.
Lumapit si Alena sa binata.
“Akin na ’yang kamay mo.” Seryoso ang boses na utos ni Alena kay Colden. Kailangan niyang gamitin ang pagiging manghuhula niya para mapasunod ang binata.
“Bakit naman?”
“May nase-sense kasi akong bad vibes sa energy mo. Kaya kailangan kong tingnan kung ano ’yon.” Paliwanag pa ni Alena. Mabilis namang inilahad ni Colden ang kanyang kamay sa dalaga.
Hinawakan iyon ni Alena. Saglit pang natigilan ang dalaga nang maramdaman ang bolta-boltaheng elekrisidad sa kanyang katawan. Saglit na tiningnan ni Alena ang binata.
Nagulat pa siya nang mahuli niyang nakatitig din ito sa kanya. Nagkaroon ng ibang emosyon ang mga mata ni Colden, ngunit saglit lang iyon at bigla ring nawala.
“Anong nararamdaman mo?” mahina ang boses na tanong ng binata kay Alena. Bumaba ulit ang paningin ng dalaga sa malambot at makinis na kamay ng binata.
Marahan niyang hinaplos ang linya sa mga palad nito. Saglit na pumikit ang dalaga at nag-iisip ng p'wedeng sabihin sa binata na kapani-paniwala.