Chapter 7

807 Words
Nang imulat ni Alena ang mga mata ay nakatitig pa rin sa kanya si Colden, kaya medyo nawala siya sa kanyang sarili. Tumikhim ang dalaga at muling tiningnan ang mga palad ng binata. “Hmmm. . . Base sa nakikita ko sa ’yong palad, ay dapat mong pag-igihan ang mga gagawin mo. Dahil kung wala kang effort ay hindi mo makakamit ang mga hinahangad mo sa buhay. . . Kailangan mo ring ngumiti kahit paminsan-minsan lang dahil mas lalapit pa ang swerte sa ’yo.” Paliwanag ni Alena sa kunwa’y panghuhula niya kay Colden. Napatango-tango naman si Colden sa narinig mula sa dalaga. “Gano’n ba? Sige, I will try to smile, para naman lumapit pa ang swerte sa akin. . . Gutom ka na hindi ba?” “Oo, kanina pa po.” “Let’s go, kumain tayo sa labas. Treat ko.” Pilit na ngumiti si Colden sa dalaga. Natulala pa si Alena nang makita ang ngiting iyon ng binata. Pilit man pero ang gwapo pa rin nito. Nang medyo magtagal ang titig niya ay siya na ang unang umiwas. “Ahm, t-tara na. Sana parati kang nakangiti. . . Mas lalo kang gunagwapo.” Nahihiyang puri ni Alena sa binata. Nang marinig iyon ni Colden ay lumapad ang kanyang ngiti. “Talaga? Gwapo ako?” panunukso ng binata kay Alena. Kagat-labing tumango si Alena sa tinatanong ni Colden sa kanya. Mahinang tumawa si Colden at hinawakan ang kamay niya. “Kaya huwag kang ma-in love sa akin ah dahil may ka soulmate na ako.” Biro nito. Isang irap lang ang natamo ni Colden mula sa dalaga. “As if naman magugustuhan mo ang isang kagaya ko.” Pabulong na wika ni Alena. “Anong sabi mo?” “Wala po. Halika na nga, at saka, dapat bukas ay makuha ko na ang signing bonus ko ah.” “Sure. Inaayos na lang ng abogado ko ang mga kakailanganin.” “’Yon oh! ’Yan ang good news!” Masayang pahayag ni Alena sa binata. Hindi maintindihan ni Colden, pero sa tuwing nagiging masaya si Alena ay sumasaya rin ang kanyang puso. * Masayang-masaya si Alena nang makauwi ng bahay nila. Hindi naman gano'n kabigat ang trabaho niya bilang isang fortune teller. Nag-e-enjoy pa nga siya dahil may gusto na siya sa binata. Mas malaki ang chance niyang mahulog ang loob dito. Nakahiga na si Alena sa kanyang kama nang tumunog ang kanyang cell phone. Nabasa niya ang pangalan ni Colden. Bigla na lang bumilis ang pagtibok ng puso ni Alena. Medyo nanginig pa ang kanyang kamay nang sagutin ang tawag ng binata. “H-hello?” nautal pa si Alena nang magsalita. “Are you busy?” baritono ang boses na tanong ni Colden sa dalaga. “Ahm, hindi naman. Bakit?” “Anong ginawa mo? Natutulog ka na ba?” sunod-sunod na tanong ng binata sa kanya. Dahil sa tanong nito ay biglang napabangon si Alena. Umayos siya ng upo at sumandig sa headboard ng kanyang kama. “A-ah, hindi pa naman ako natutulog. Ikaw? Bakit ka napatawag?” medyo kinakabahang tanong ni Alena kay Colden. “I can't sleep eh.” Malambing ang boses na sagot ng binata. “H-ha? Bakit hindi ka makatulog? May bad vibes ka bang nararamdaman? Pwede kitang gawan ng orasyon.” “No need. Ayos na ako. Kausap ko na kasi ang nagpapagulo ng utak ko.” Biglang natameme si Alena sa kabilang linya nang marinig ang sinabi ni Colden. “H-ha? Anong sinabi mo?” naguguluhang tanong ni Alena sa binata. “Hindi ka ba napapagod?” muling tanong ni Colden sa dalaga. “Saan ako mapapagod? Sa trabaho ko b-” “Kakatakbo sa isipan ko?” putol ng binata sa sinasabi ni Alena. Saglit na natahimik ang dalaga. Pilit niyang pinoproseso sa utak ang sinabi sa kanya ni Colden. Hindi siya makapagsalita, narinig naman niya ang malakas na tawa ni Colden sa kabilang linya. “Ano? Ayos ba ang linyahan ko?” natatawang tanong ni Colden sa dalaga. Ilang beses na napakurap-kurap si Alena at nang maintindihan ang sinabi ni Colden ay bigla siyang nakaramdam ng hiya sa sarili. Akala naman kasi niya ay may gusto na rin sa kanya si Colden, mukhang nag-iilusyon lang ang dalaga. Pinilit niya ang sariling makitawa. “Oo nga! Ang galing mo, nadala ako sa drama mo.” Hilaw ang tawa niyang pahayag dito. “Great! Madali lang pala eh!” Proud na wika ni Colden sa kanya. “Ahm. . . Saan ka naman natuto niyan?” tanong ni Alena sa binata. “Sa internet lang naman. Okay, sige na ba-bye!” Paalam ni Colden sa dalaga. “Bye!” Halos pabulong na lang na paalam ni Alena sa binata. Nasaktan siya at nabigo ang munting pag-asa sa kanyang puso. Nakatulog si Alena na mabigat ang kanyang pakiramdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD