Nag-iingay na cell phone ang nagpagising kay Alena. Wala siyang masyadong tulog kakaisip sa ginawa ni Colden sa kanya. Hindi niya naman ito masisisi eh, dahil siya ang nag-suggest na baguhin nito ang sarili. Colden is the predator an she is the prey.
Kinuha ni Alena ang maingay niyang cell phone at sinagot ang tumawag sa kanya.
“Hello?” sagot ni Alena sa kabilang linya.
“O, anak. Naibigay mo na ba ang perang ipinadala ko sa ’yo para sa pagpapagamot ng Lola mo?” mahinahong tanong ng ina ni Alena.
Biglang kinabahan si Alena. Ilang beses siyang napalunok. Ang pinakaayaw pa naman ng kanyang ina ay ang nagsinungaling.
“A-ah, h-hindi pa po ’Nay. Mamaya pa po ako dadalaw kay Lola sa ospital.” Nanginginig ang boses niyang sagot.
“Ano bang ginagawa mong bata ka? Bakit hindi mo pa dalawin ang Lola mo?”
“Eh, kasi ’Nay, natanggap ako bilang isang personal maid, kaya ayon, in-orient pa ako ng amo ko.”
“O, ganoon ba? Sige na, dalawin mo mamaya ang Lola mo at gusto ko siyang makausap.”
“Opo ’Nay. Sige na po at maghahanda na ako para dalawin si Lola. Mag-iingat po kayo d'yan. I love you ’Nay!” Palaam na ni Alena sa kanyang ina.
“Bye anak! Mahal din kita, kayo ng Lola mo. Sige na at matutulog na ako.” Paalam din ng kanyang ina sa kanya. Nasa ibang bansa ito kaya hindi magkatulad ang oras dito sa Pinas.
Napatitig si Alena sa cell phone niyang hawak. Tumulo ang isang butil ng luha sa kanyang mga mata. Mabilis naman niya iyong pinahid.
“Patawarin niyo po sana ako ’Nay sa pagsisinungaling ko sa inyo. Ang dami ko ng kasalanan sa Diyos. Sana lang huwag niya akong parusahan.” Bulong ni Alena sa sarili.
*
Nasa loob na ng office ni Colden ang dalaga. Nando'n din sa loob ang kanyang private lawyer.
“Maupo ka Miss Alena. Meet atty. Madrigal, my private lawyer. Atty. Meet my personal fortune teller, Miss Alena Suarez.” Pagpapakilala ni Colden kay Alena at kay Atty. Madrigal sa isa't-isa.
“Nice meeting you, hija. Ang ganda mo naman.” Nakangiting papuri ni Atty. Madrigal sa dalaga.
“Nice meeting you din po.” Pormal na wika ni Alena.
Akmang aabutin ni Alena ang nakalahad na kamay ni Atty. Madrigal nang harangan ’yon ni Colden.
“Don’t bother. Sige na Atty. Ipakita mo na sa kanya ang mga dokumento na dapat niyang pirmahan.” Malamig ang boses na utos ni Colden sa abogado.
Naiiling na nangingiti si Atty. Madrigal sa inasal ng binata.
“Very possessive huh.” Komento ng abogado, hindi iyon maintindihan ni Alena. Hindi naman umimik man lang si Colden sa sinabi ng abogado.
Nang mabasa ni Alena ang nilalaman ng kontrata ay agad niya iyong pinirmahan. Pumirma rin si Atty. Madrigal at si Colden.
Nagpaalam kaagad ang abogado na marami pa itong gagawin kaya kailangan na niyang maunang umalis. Tumango lang naman ang binata rito.
Sandaling naging tahimik ang loob ng opisina ng binata. Si Colden ang unang bumasag ng katahimikan.
“Here’s your payment. Congratulations.” Pagbati ng binata kay Alena. Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay ni Alena sa binata. Parang ayaw niyang tanggapin ang perang iniabot ni Colden.
Nakokonsenya siya sa ginawa niya sa binata. Nagkukunwari siya at niloloko niya ito. Hindi iyon makatarungan.
Akmang tatanggihan na ni Alena ang binata nang hawakan nito ang kanyang kamay at ilagay ang perang nasa sobre.
“Para ’yan sa ’yo. Bonus nga hindi ba?” nakangiti na wika ni Colden sa dalaga.
“S-salamat.” Tipid na ngiti ang ibinigay ni Alena rito.
“Ahm, pwede bang mag-day off ako ngayong araw?” may pakiusap sa boses ni Alena. Balak niya kasing bisitahin ang kanyang Lola.
“Sure, mag-day off ka muna, and tomorrow, yayayain kitang mag-date.” Nakangiti na wika ni Colden sa dalaga.
“May improvement ka na ah, parati ka ng ngumingiti.”
“Of course! May inspiration na ako eh.”
“At sinong malas na babae naman kaya ’yan?” pabirong tanong ni Alena sa binata.
“’Yong soulmate ko, sino pa ba!” Mabilis na sagot ni Colden sa dalaga.
Muntik na masamid ng sariling laway si Alena dahil sa sinagot ng binata.
“Ah, mabuti naman kung gano'n. Alis na ako, ba-bye!” Paalam ni Alena kay Colden, sabay kaway.
“Bye!” Paalam naman ng binata at kinindatan pa si Alena. Nagrambulan naman ang mga bulate sa loob ng tiyan ng dalaga. Namumula rin ang kanyang pisngi kaya mabilis na niyang tinalikuran ang binata.