“IT'S a girls talk.”
Malditang sagot ni Jazmine sa kagigising lamang na si Storm. Inirapan niya ito bago ako muling hinarap.
Napanguso si Storm dahil sa ginawang pagmamaldita ni bruha. Tumayo ito mula sa pagkakaupo nito. Umupo ito sa likuran ni Jazmine atsaka mula doo’y binack hug niya si Jazmine.
Nakita ko naman ang pamumula nang gag* dahil sa simpleng gesture na ginawa ni Storm na alam kong para sakanya ay malaki na.
Inlababo ang g*ga!
Binigyan ko silang dalawa nang isang nanunudyong ngiti. Nakakainggit naman! Sana nama’y dumating rin ang jowa ko at gaganyanin niya rin ako.
Siguro, hanggang sa imahinasyon nal ang ang lahat nang naiisip ko, kasi una sa lahat hindi ko siya jowa este wala pala akong jowa. Pangalawa'y he just only want me in bed kaya napaka imposible talaga ng naiisip ko.
“Ayssttt,” rinig kong pagpapabebe nang kaibigan ko bago nito kinalas ang pagkakayapos ni Storm sakanya. Nagpabebe pa ang g*ga akala mo naman maganda!
Muli siyang yinakap ni Storm mula sa likuran. Inihilig ni Storm ang kan'yang ulo sa likod nito.
“Hoyyysstt,” agaw pansin niya kay Storm na mukhang any seconds from now ay matutulog na ulit . Tinampal niya pa ang pisnge nito para magising lang ito. Pero mukhang si Storm ay wala lang pakialam.
“Ano ka ba naman, nakakahiya!” muling panggigising ni Jasmine sa natutulog na Storm. Storm frowned. Pagod itong tumayo at saka muling isinalampak ang sarili sa couch. Itinalukbong nito sa mukha nito ang kumot.
“Pagpensiyahan mo na,” napalingon ako sa gawi ni Jazmine nang marinig ko ang mga katagang iyon mula sakanya.
Hinawakan ko ang kamay niya, “Ayos lang ‘yon, ano ka ba! Ganyan naman talaga ang mga lalaki pag di nakaisa,” nakangisi kong bulong sakanya.
Bahagya akong napatili nang maramdaman ko ang mga daliri niya sa tagiliran ko. “Ang bastos mo.”
Kong makapagsalita ang g*ga akala mo hindi!
Nginisian ko lang siya bago dumukwang palapit sakanya. “Basta sa susunod sabihin mo lang sa akin kung gusto niyang umisa dahil maari ko namang takpan ang mga tenga ko at magpapanggap na walang alam.”
“Tse!” Ang tanging ani niya bago tinampal ang balikat ko. Tumayo siya at saka pinuntahan ang gawi ni Storm. Umupo siya sa gilid ni Storm bago niya hinawi ang kumot na nakatalukbong dito, Iminuwertsiya naman ni Storm ang mga braso niya na para bang nagaanyayang pahigain doon si Jazmine and that was Jazmine did. Humiga siya tabi nito habang nakaunan siya sa braso nito. Agaran naman siyang yinakap ni Storm.
Napailing na lang ako bago ko inayos ang pagkakahiga ko. Napatitig ako sa puting kesame nang makita kong mukhang papatulog na ang g*gang kong kaibigan.
“Dapat ko bang ipaalam sakan'ya na buntis ako?” I coriously asked out of nowhere. Natatakot kasi akong sabihin sakan'ya ang mga nalalaman ko. Baka kasi kapag nalaman niya’y ipagtatabuyan niya lang kami.
Hindi ko kakayanin ang mga iyon pag nagkataon.. Mas kaya ko pang tiimin na ako ang itaboy niya huwag lang ang batang magiging anak namin.
Napatigil ako sa aking pag-iisip nang mahagip nang aking paningin ang pintuan ng kuwarto na medyo nakaawang. It was like someone opened it na para bang nagbalak itong pumasok pero hindi na natuloy.
Nagkibit ako nang balikat bago dahan-dahang tumayo upang isarado ang pinto. Mga mabibigat at maliliit na paghakbang ang aking ginagawa hanggang sa makarating ako sa tapat nang pinto. Pinihit ko ang seradura nito bago ko ito itinulak pasirado.
Nang matapos ay muli akong lumakad papalapit sa kama ko. Mabuti na lang at medyo mahaba itong hose nang dextrose ko at naabot ko ang gawi nang pinto na hindi ito dinadala.
Nakahinga ako nang maluwag nang matiwasay akong napahiga sa kama ko. Napailing na lang ako nang marinig ko ang hilik ni Jazmine.
Ipinikit ko ang mga mata ko as I tried to erase the thoughts on my mind.
“YOu should be thankful Jeanshe.”
Nag-angat ako nang tingin at saka ko siya nginitian. “I am. I am beyond thankful Jazmine, no need to worry.”
Muli kung itinuon ang aking atensiyon sa mga tinutupi kong damit.
I am still beyond grateful for everything, even if he doesn’t care about me and his child.
Sa loob nang ilang araw na pananatili ko dito sa hospital ay ni minsan ko siyang nakitang dumalaw. Sa loob nang ilang araw na pananatili ko dito sa hospital ay walang araw na hindi ko siya naisip. Like kumain na ba siya? O di kaya’y nakatulog kaya siya nang maayos?
The world is unfair right? Nag-aalala ako sakanya samantalang siya’y walang pakialam sa akin.
Ni hindi ko nga alam kung hinanap niya ba ako sa loob nang ilang araw na wala ako—kung nag-aalala rin ba siya sa akin since hindi na ako pumapasok sa trabaho. Napaka imposible kasi e, napaka imposible kasing hindi niya narecognize ang kawalan ng aking presensiya sa opisina niya.
Ni minsa’y hindi niya rin ako tinawagan upang itanong man lang sa akin kung bakit absent ako, kumg ano ang nangyari sa akin, kung may masama bang nagyari tungkol sa akin. Ni isang hi wala akong natanggap, kaya ba’t pa ba ako umaasang iniisip niya ‘ko?
Napailing na lamang ako bago ko ipinasok sa bag ko ang mga tinupi kong damit.
“Mabuti naman kong ganoon, Jeanshe.”
I just smiled at her before closing the zipper of my bag. Nang matapos ay iniligay ko ito sa couch.
Kumuha ako nang isang apple sa may side table at saka ko ito kinagatan. “Matagal pa ba siya?” tanong ko sakan'ya sabay nguya sa apple.
“Malapit na daw siya, na trapik nga lang sa may edsa,” she answered.
“You chatted him?”
“Yes,” she answered. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa couch. Kumuha siya nang grapes mula sa basket na nakalagay sa side table.
Nang muling makaupo ay muli niya itong linantakan.
Kumakain kami nang prutas habang hinihintay ang pagdating ng jowa niya. Susunduin daw kasi kami ni Storm pero hanggang bgayon ay hindi parin dumadating ang gago.
Natrapik daw e!
Natapos ko na ang lahat-lahat pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Naiayos ko na ang mga gamit ko, nabayaran ko na rin ang bill ko pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya.
Halos maubos ang ipon ko dahil sa ang laki nang nabayaran ko. Jazmine insisted na siya na lang daw ang magbayad but I refused. Yes, mayaman siya at ang bill na binayaran ko kanina ay maliit lang na halaga para sakan'ya pero ayaw ko e, ayaw kong bayaran niya ang dapat na ako ang magbayad. May pera ako kaya naman tinanggihan ko siya. Siguro, kong nagkataon na wala akong pera, baka pumayag ako.
Kumuha ako nang isang piraso nang grapes mula sa kinakain niya nang maubos ko ang pagkain ko sa apple ko.
Natakam kasi ako habang tinitignan ko siyang kinakain ang grapes na iyon. It was like parang sarap na sarap siya habang kinakain ang prutas na iyon. At nong tignan ko ang grapes ay parang inakit ako nito na kainin siya. At dahil buntis ako ay hindi na ako nakatanggi pa.
Damn this pregnancy hormones!
“Hey, this is mine,” she said nang makita niyang naging sunod sunod na ang pagkuha ko sa grapes na kinakain niya. Bahagya niya pang tinampal ang kamay ko at saka niya ito iniwas sa gawi ko.
Napanguso ako, “Pahingi.”
“Ayaw.”
“Baka nakakalimutan mong buntis ako.” Pang ba-black mail ko sakan'ya.
Napangiti ako nang makita ko siyang napanguso at napabuntong hininga. Inilihad niya sa akin ang mga grapes, “Ge kumuha ka na," may pagka-labag sa loob na sabi niya.
Napangisi naman ako nang marinig ko ang mga katagang iyon. Kinindatan ko siya bago ako kumuha ng isang piraso at ang isang iyon ay nasundan pa nang isa. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang sarili kong muntikan ko na pala itong naubos.
Nakanguso si Jazmine habang tinitignan ang isang pirasong grapes na natitira sa kamay niya. Alam kong malungkot siya dahil muntikan ko nang maubos ang paborito niyang prutas kaya nabigla ako nong ibigay niya sa akin ang natitiang grapes na nasa kamay niya.
“Sige na. Kunin mo na. Huwag ka nang mahiya, buntis ka pa naman.” Ang pagpupumilit niya nang makita niya ang pag-aanlinlangan kong pagtanggap.
Agad kong kinuha ang natitirang grapes mula sa pagkakahawak niya bago ko ito linantakan. Napangiti ako nang malunok ko ito.
Ang sarap!
Nakita ko siyang nakatameme habang nakatingin sa akin. Nang makabawi ay inirapan ako nang g*ga sabay iwas nang tingin.
Mukhang galit siya, pero wala naman akong dapat na ipag-alala dahil siya na mismo ang nagsabi na kainin ko ang huling pirasong iyon.
‘Pasalamat ka’t buntis kang bruha ka!’ I heard her murmured.
Napangiti ako at saka ko siya yinakap sa tagiliran na waring linalambing siya. This girl never fails to amaze me. When I was in my first year college, I am the loneliest girl in our campus. I was so shy back then. No one ever dare to talk to me at mas pinili ko rin namang huwag makihalubilo sakanila kesa sa makipagplastikan sa mga taong hindi ko naman gusto.
Sa loob nang ilang buwan kong pag-aaral ng tahimik sa campus na iyon ay dumating siya, ang pinakamaingay at pinaka g*gang babae sa classroom namin.
Siya lang ang nagkaroon nang lakas na loob na gambalain ang tahimik kong mundo. Noong una’y hindi ko siya pinapansin. Pero nang lumao’y parang hindi na buo ang araw ko kapag hindi ko nasasagap ang presensiya niya. At nang lumaoy naging magkaibigan kaming dalawa. We became friends of friends.
Nitong mga nakaraang buwan lang kami nawalan nang komunikasyon kasi ang rami kung ginawa at prinoblema. Habang siya nama’y busy sa pag re-review para sa dadating na board exam. Mabuti pa siya makakapag take! Samantalang ako… hindi.
Gusto ko rin sanang tumake sa board pero wala pa akong sapat na ipon para doon, at 'yong pera nilaan ko sana para doon ay nagastos ko dahil sa ang laki nang bill ko.
Kaya nga ako nagtra-trabaho para makaipon. Nang sa gayon ay makapag take rin ako.
Sabay kaming napatingin sa gawi nang pinto nang marinig namin ang pagpihit nang kung sino man sa seradura nito.
Sabay kaming napatayo dahil sa pagkakaakalang si Storm na ito. Na excite pa kami!
Si Storm lang naman kasi ang tangi naming inaasahan na dadating kaya hindi namin inaakalang na hindi siya ang dadating...
Napasinghap ako nang makita ko ang lalaking hindi ko inaasahang dadalawin ako. Standing in front of us is a tall man with a black long sleeve and with a black slacks. Nanuot sa lalamunan at ilong ko ang mamahalin at panglalaki niyang pabango. He’s scent that I miss the most.