First strike
Her Enemy, Her Obsession
By: Lucky 8
Chapter 1 – First Strike
He ruined my life. Now, I’m standing in his empire—ready to burn it down.
Mainit ang hangin sa Maynila, pero mas mainit ang galit na hindi pa rin nawawala sa dibdib ko kahit ilang taon na ang lumipas.Naalala ko Ang mga magulang ko na iniwan ko sa probinsya namin bago ako lumuwas at Ang sitwasyon nila o namin ngayon.Kaya lalong nadagdagan Ang Galit ko sa dibdib ko.Naikuyom ko Ang kamay ko sa pagkaalala sa mga ito at tila papatak Ang luha ko sa awa sa mga ito.
Mula sa loob ng taxi, tahimik lang akong nakatingin sa bintana habang palapit nang palapit ang bagong headquarters ng Velasquez Holdings — isang matayog, makintab, at mala-impyernong gusali para sa akin.
Akala nila tapos na ang isyu. Nakalimutan na. Pero ako?Hindi ko pwedeng kalimutan na lang Ng ganun Yun Ng basta basta.Bawat segundo, dala-dala ko pa rin ang bigat ng nakaraan. Hindi nila alam kung anong klaseng apoy ang pinakawalan nila. At ngayon, babalik ako sa sentro ng lahat ng 'yon.
Hindi para maghiganti.
Pero para patunayan na hindi nila ako kayang wasakin.
Pagkahinto Ng taksi ay binayadan Kona Muna ito bago ako bababa.Huminga Muna ako Ng malalim bago binuksan Ang pinto.Kaya mo ito Selena.Wala Ng atrasan ito.Medyo may sumasalit na kaba akong nararamdaman pero binalewala ko ito.Naglakad na ako palapit sa entrance kung saan may nakatayong guard kipkip Ang mga gamit ko.
Pagbukas ng pinto, binati ako ng guard. “Good morning, Ma’am.”
“Good morning,” sagot ko, pilit ang ngiti. Ang taas ng takong ko, pero mas mataas ang pride ko. Walang pwedeng makapantay sa tibay ng loob kong pinanday ng sakit at kahihiyan.Sisiguraduhin Kong makakamit ko Ang hustisiya para sa pamilya ko sa sarili kong pamamaraan.
Pinagtinginan ako ng ilang empleyado habang naglalakad papasok,pero hindi ko sila pinansin taas noo akong nagpatuloy sa paglalakad. Ang suot kong corporate dress ay simple pero elegante — navy blue na bodycon, sakto lang ang fit, sapat para mapansin pero hindi bastos. Professional. Controlled. Just like me.
Ilang taon kong inipon ang tiwala sa sarili para sa moment na 'to. Hindi ako papasok dito para lang ma-intimidate. Hindi na ako 'yung dating Selena Cruz.
Tumunog ang elevator at sabay-sabay kaming sumakay. Nasa floor 28 ang marketing department. Pagdating ko, may babaeng agad na sumalubong sa may reception. Maliit siya, maikli ang buhok, at may warm na ngiti.
“Hi! You must be Selena Cruz. I’m Clara, admin officer. Ako mag-o-orient sa’yo today.”
Inabot niya ang kamay niya at ngumiti ako ng bahagya. “Nice to meet you.”
Habang iniikot niya ako sa department, ipinakita niya ang mga desk, break room, meeting rooms, at kung sino-sino sa team. May ilang ngumiti, may ilan namang deadma. Typical.
Pero honestly, ang utak ko nasa ibang lugar. O mas tama sigurong sabihin — nasa ibang tao.
Damien Velasquez.
CEO. Anak ng may-ari. At ang lalaking dahilan kung bakit nawasak ang buhay ng pamilya ko noon.
He probably doesn’t even remember me. Pero ako, kahit sa dilim, kilala ko ang mga matang ‘yon. Kilala ko ang boses niya. Ang ekspresyon niya habang binabasag ang dignidad ng tatay ko years ago sa harap ng media.
Akala niya tapos na ang lahat. Pero hindi ako pumayag na maging tahimik ang kwento ko. Kaya ako nandito. Hindi para manggulo. Pero para harapin siya. Para sa sarili ko. Para sa pangalan namin.
“Ma’am Selena?” putol ni Clara sa iniisip ko.
“Hmm?” Binalik ko ang atensyon sa kanya.
“Nandito po pala ang ID at access card n’yo. Then may konting admin briefing muna bago kayo ipatawag sa onboarding meeting.”
“Okay. Salamat.”tugon ko dito.
Pagkaupo ko sa temporary desk na in-assign sa akin, nagsimula akong magbasa ng email. Pero bago ko pa matapos ang unang paragraph ng welcome message, bigla akong tinapik ni Clara.
“Miss Selena, pinapatawag po kayo sa boardroom. As in, now na.”
Napakunot ang noo ko. “Boardroom? Kanino?”
“Kay Sir Damien mismo.”
Biglang lumamig ang batok ko. Parang binuhusan ako ng yelo.Napabuga ako Ng hangin sa narinig ko.Kakapasok ko pa lang at Hindi pa man nag iinit Ang pang upo ko.
Wala pa akong isang oras sa kompanya pero pinapatawag na ako ng taong kinamumuhian ko?
Pero hindi ako pwedeng umatras. Hindi ngayon. Hindi habang pinapanood ako ng sarili kong pride.Tumayo na ako at nagtungo sa boardroom kung saan naghihintay si Damien Velasquez.Pagdating ko sa may pinto ay inayos ko Muna Ang damit ko saka ko binukasan Ang pinto.
---
Pagbukas ng pintuan ng boardroom, agad akong sinalubong ng malamig na aircon — pero mas malamig ang titig ng mga taong nasa loob. Naroon ang ilang executives. Nakaupo sila sa mahabang mesa. Pero walang duda kung sino ang sentro ng kuwarto: si Damien Velasquez.
Nakasuot siya ng dark gray suit, parang fresh out of a GQ cover. Malinis ang hiwa ng buhok niya, may slight wave sa dulo, at mukhang perpektong nililok ang panga niya. Pero ang malamig niyang aura — mas malamig pa sa tingin ng taong matagal mo nang gustong sampalin.
Nakatayo siya sa may dulo ng mesa, may hawak na tablet habang pinapakita ang marketing figures. Confident. Calm. Controlled.
Napalingon siya. At nagtagpo ang mga mata namin.
Walang rekognisyon sa mukha niya.Blangko Ang expression at diko mabasa.
Of course. Hindi niya ako naaalala.
Pero ako? Ako ang dahilan kung bakit dapat siyang alalahanin ang lahat ng pagkakamali niya.
“Miss Cruz, please have a seat.”
Bahagya kong tinaas ang baba ko at umupo sa tapat niya.
“Selena is our new marketing strategist,” wika ng HR head. “Since may urgent campaign tayo for the Bravura project, we’re including her in the planning committee. She comes highly recommended.”
Damien stared at me. Matagal. Sinusuri. Hindi pa rin siya nagsasalita.
Tahimik ang silid. Tila lahat naghihintay ng kanyang basbas.
Then finally, “What makes you qualified to be here?”
Parang lumipad ang tension sa buong boardroom.
Napatingin ang lahat sa kanya, tapos sa akin. Ramdam ko ang bahagyang kaba ng HR, at ang slight shift ng mga upuan.
Gusto ko siyang sabunutan at dukutin Ang mga mata niyang matiim na nakatingin sakin. Pero ngumiti ako. Matamis, pero may lason.
“I believe my credentials speak for themselves, Mr. Velasquez. But if you want proof, give me your worst campaign… and I’ll turn it into gold.”
A slow smirk formed on his lips. “Confidence is good. Let’s see if you can back it up.”
Tumingin siya sa tablet niya ulit, parang wala lang nangyari.Parang sinasabi Ng kilos niya hindi naman siya naimpress.
Pero ako? Pilit kong kinakalma ang dibdib. Matagal Kong pinaghandaan ito kaya kailangan Kong patatagin Ang Sarili ko.Walang kaalam alam sina mama at papa sa plano ko.Ang alam lang nila ay magtatrabaho lang ako basta dito sa Maynila.Saka Kona ipaalam sa kanila pag tagumpay na ako sa mga plano ko.
First strike pa lang 'to. At walang atrasan.
---
Pagkatapos ng meeting, pakiramdam ko kailangan ko ng whiskey.
Nakatayo ako sa hallway, pilit kinakalma ang sarili. Si Damien. Damn him. Hindi pa man nagtatagal, he’s already testing me. At ang mas nakakainis — hindi ko siya kayang basahin.
“Selena!” tawag ni Clara mula sa likod.
“Yeah?”
“Okay ka lang? Parang... tensyonado 'yung meeting kanina.”
Ngumiti ako. “All good. Normal lang 'yan. First day jitters.”
Hindi niya alam. Wala silang alam.
Pagbalik ko sa desk, sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa trabaho. Pero bawat pagtaas ng tingin ko, naiisip ko 'yung titig ni Damien. Parang sinusuri niya ako — hindi lang bilang empleyado, kundi bilang… babae.
Shit.
Hindi puwedeng ganun.
Ang dami ko nang pinagdaanan. Wala akong balak mahulog sa isang taong tulad niya — lalo na kung siya pa rin ang lalaking minsang naging dahilan ng pagkawasak ng pamilya ko.Iba Ang pakay ko kaya ako napunta dito,at hindi ang mahulog sa Isang katulad niya.
Pero kahit anong pigil ko, ramdam kong may init sa pagitan naming dalawa. Hindi bastos. Hindi rin sweet. Pero andun 'yung tension.Hindi ko alam kung ramdam din niya Yun o ako lang.
At kung hindi ako mag-iingat… baka tuluyan akong masunog.
He looked at me one last time, his stare unreadable.
And for the first time, I wondered...
Does he remember who I am?
Or mas malala — baka hindi talaga.
Nakakainis isipin na ako itong halos hindi makahinga sa galit, pero siya? Wala. Walang kahit anong bakas ng pagkakilala. Walang guilt. Walang pagkagulat. Para lang akong isa sa daan-daang empleyado niya.
At 'yon ang mas masakit.
Pagbalik ko sa desk, pinilit kong magpaka-professional. Binuksan ko ang tablet na binigay ng admin, nireview ang files ng Bravura project. Product relaunch. Tight timeline. High expectations.
Perfect. Sakto para ibuhos ko ang inis ko sa trabaho.
Pero kahit anong pilit kong mag-focus, paulit-ulit sa isip ko 'yung tanong.
Hindi niya talaga ako naaalala?
Kailanman hindi ko makakalimutan ang araw na binuwag ng kompanyang 'to ang negosyo ng pamilya ko. Damien stood in front of the cameras, cold and composed, habang unti-unting nilulunod ng media ang pangalan ng tatay ko. I was sixteen. Helpless. Angry.
And now, years later… he looks at me like I’m no one?
Napatingin ako sa salamin sa harap ko. I barely recognized myself. Matapang. Maayos. Successful. Pero sa loob, may batang babae pa ring naglalakad pauwi habang umiiyak, bitbit ang kahon ng natanggal na gamit ng ama ko.
“Selena,” tawag ni Clara, biglang sumulpot sa gilid.
Napatalon ako nang bahagya.
“Sorry,” sabay tawa niya. “Binigla kita. Pero pinapatawag ka ulit… sa office ni Sir Damien.”
“Now?”
She nodded. “Kanina ka pa raw hinihintay. Room 2801, private executive floor.”
Tangina. Round two agad?