“Now, that I'm your boss. Susundin mo ang lahat ng ipag-uutos ko bilang personal secretary ko. Or else..”
Mariin akong napapikit, nang tuluyang maramdaman ang init ng kaniyang hininga sa pagitan ng aking leeg at tenga. Nakumos ko ang laylayan ng suot kong maiksing palda. Naglaro sa aking diwa ang maaaring mangyari sa pagitan naming dalawa ni William. Sa loob mismo ng opisinang iyon. Lumakas ang t***k ng aking puso, dumadagundong iyon na halos marinig ko na.
“I have an offer.”
Mabilis kong iminulat ang aking mga mata nang maramdamang lumayo ang kaniyang boses. Ang bilis niyang nakabalik ng upo sa kaniyang silya.
“I need you, to be my contract wife..” anas niya nang mapanukso akong titigan.
“Ano?” kunut-noo kong tanong.
“You heard it, right,” walang emosyon niyang tugon.
Napataas ang isa kong kilay kasabay nang pagkrus ng aking mga braso. “Excuse me, William. I mean, boss, pero, look. Pumasok ako bilang secretary mo para lang sa trabahong ito. Pero kung may balak kang abusuhin ako o ipagawa sa ‘kin ang mga bagay na labas na sa pagiging sekretarya. Hindi ako pumapayag. At mas lalong hindi ako tumatanggap ng kahit na anong extra service–”
“I'll give you five million,” putol niya sa sasabihin ko.
Hindi ako agad nakapagsalita. Kasabay ang paglunok nang kung anong bumara sa aking lalamunan.
“That is the first payment, dadagdagan ko pa iyan once na magawa mo nang maayos ang trabaho mo bilang asawa ko.”
Natawa ako nang sarkastiko. “Alam mo, sir, sumusobra ka na. Dati, nung mga bata pa tayo. Halos araw-arawin mo ang pang-aasar sa ‘kin, at pambu-bully. Para saan, para sa kasiyahan mo? Tapos ngayon, gusto mong pumayag ako kaagad sa gusto mong mangyari?
Ano ba sa tingin mo ang isang kagaya ko, a toy that you can play with? Isa pa, ang mga nangyari sa atin sa hotel ay isang pagkakamali lamang. Kailangang-kailangan ko lang ng pera nang mga panahong iyon. Hindi para sa sarili ko, kung hindi para sa kapatid ko,” mahaba kong litanya.
Kumibot ang kaniyang labi. Alam kong natamaan siya sa mga sinabi ko. At alam kong naaalala niya ang mga pinagsasabi ko. Napasinghap siya at muling lumapit sa ‘kin.
“Okay, I'm sorry about our past,” naging mahinahon ang kaniyang boses. “Mga bata pa tayo, no’n. But, now, everything has changed. This is so important to me. Hindi mo alam kung bakit ko ginagawa ito. Maybe, balang-araw, malalaman mo rin.”
I rolled my eyes. “Hindi pa rin ako pumapayag,” pagmamatigas ko.
Nagbago ang pinta ng kaniyang mukha, tila ba nauubusan na ng pasensya. “Ayaw mo? Then, I will tell your beloved lola kung ano ang ginawa mo. Kung saan nanggaling ang perang ipinang-opera ng iyong minamahal na kapatid. And another thing, Ms. Brenzuela–”
“At ngayon, bina-blackmail mo naman ako?” Nakuyom ko ang aking kamao. “Wala ka na bang ibang maisip gawin? Kung tutuusin, marami namang babae riyan. Pwede kang–”
“Blackmail na kung blackmail, Trisha. Ayoko nang humanap pa ng ibang babae para maging asawa ko sa papel. Ikaw ang gusto kong gumanap ng bagay na iyon.”
Napatikhim ako kasabay nang pagsalubong ng aking mga kilay. Maya-maya pa’y napabuntong-hininga ako, nang halos hindi makapaniwala sa aming kasalukuyang pinag-uusapan. Akala ko pa naman, pagiging sekretarya lamang ang gagawin ko rito sa kompanyang ito. Bakit may kaakibat na mabigat na gawain? Kung gayon, mali ang pinasok ko.
“Isa pa, this would be a big help for you, Trisha. Magagamit mo ito para iangat ang pamilya mo. Maibigay mo ang pangangailangan ng kapatid at lola mo. And lastly, magagantihan mo rin ang ex-fiancé mong ipinagpalit ka sa isang kaibigan lang,” wika ni William sa ‘kin na may itinutumbok na kung ano.
Napakunot ang aking noo. “Paano mo nalamang–”
Taas-noo siyang sumagot, “Of course, may mga bagay akong nagagawa na hindi mo nagagawa, Trisha.”
Napaupo ako at napatakip na lamang ng mukha.
“Pag-isipan mong mabuti ang mga sinabi ko. Hihintayin ko ang sagot mo bukas. Pagbalik mo, kailangan may sagot ka na. Pwede ka nang lumabas.”
Ilang sandali pa’y tumayo ako at matapang na nagwika, “Hindi na kailangan.”
Napatingin siya sa ‘kin. Seryoso ang kaniyang mukha na hinihintay ang muli ko pang sasabihin.
“Tinatanggap ko ang offer mo,” matapang kong saad.
Sumilay ang tipid na ngiti sa kaniyang labi nang lumabas ang mga katagang iyon sa aking bibig. Hindi ko alam kung ano ang binabalak niya, pero sa ngayon wala akong choice. Kailangan ko rin ng trabahong ito para sa amin ng kapatid at lola ko. Maliban sa mga ito, ipamumukha ko rin kay Bert na hindi siya kawalan sa buhay ko.
Mabibigat ang naging hakbang ko habang papasok ng aking silid, nang makauwi ako ng bahay. Hindi ko lubos maisip ang naging resulta ng pag-apply ko ng trabaho. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari sa ‘kin ngayon.
Napasalampak ako sa kama. Pakiramdam ko ay pagud na pagod ako buong maghapon. Namamanhid ang aking buong katawan. Napatingin ako sa kisame. Malalim ang iniisip.
‘Bukas na ako magsisimula bilang sekretarya ng hambog na William na iyon. Siguro sa unang araw ko, nakikita ko na ang paghihirap ko sa mga kamay niya. Gaya nang kung paano niya ako tratuhin noong kabataan pa namin.’
Napaisip akong bigla. ‘Paano nga pala niya nagawa ang maging isang bilyonaryo? Kung dati ay pareho lamang kaming dukha. Kung noon, isa lamang siyang batang pasaway, dugyot na batang palalo at walang patutunguhan ang buhay. Bakit ngayon– talaga nga namang naswertehan siya ng kapalaran. Habang ako, eto patuloy na naghihirap. Walang magulang na gumagabay.’
Hindi ko napigilan ang mapaluha sa lungkot nang maalala ang nakaraan. Ang maagang pagkawala ng aking ama at ang pang-iiwan sa amin ng aking ina. Hanggang sa hindi ko namalayan ang mapaidlip.
Nang magising ako, nagmamadali kong tinungo sa ospital si lola upang mapalitan siya sa pagbabantay sa aking kapatid.