“W-Wala, sir..” kaagad ko namang pagsisinungaling upang hindi na lumaki pa ang gulo. Nakita ko ang pagkakalagkit ng tingin ni Shaina kay William. Iba ang ekspresyon nito sa mukha para bang may motibong dala. Hindi ko alam kung bakit ako napairap sa kaniya. “Ahm, hi.. William..” Ikinasingkit ko ng mata ang kaniyang malanding boses. ‘Ganito rin ba niya inakit si Bert?’ Nang mga oras na iyon, para bang gusto ko siyang buhusan ng mainit na kape sa mukha upang matauhan siya at malaman niya ang lugar niya. Pasalamat na lamang siya at may natitira pa akong kabaitan dahil kung hindi–ewan ko na lang. Sa halip na pansinin si Shaina, ako ang binalingan ni William. “Patingin nga?” Bumilis ang t***k ng puso ko nang lapitan niya ako. Pakiramdam ko ay mas lalo lamang akong napaso nang dumikit ang

