bc

TAMING DAVE MONTEFIORE

book_age18+
499
FOLLOW
1.9K
READ
billionaire
one-night stand
age gap
second chance
badboy
brave
bxg
war
like
intro-logo
Blurb

Hindi imposible sa isang tulad ni Dave Montifiore na makuha ang lahat ng gustuhin niya. His life is totally complete, he has everything, influence money, power, etc. Except one, Carren Gomez.

chap-preview
Free preview
C1
Month: November. Date: 30 WELL by the next month will be the hectic month for me. Kung ang iba ay nagpaplano ng mamili ng mga Christmas gift o hindi kaya nag-uumpisa ng mag lagay ng mga dekorasyon sa bahay o hindi kaya naman nagpaplano ng mag bakasyon sa ibang bansa, puwes ako hindi. No planing to buy a Christmas gift or starting to put some Christmas décor nor having some vacation in other country, dahil una sa lahat wala naman akong pagreregaluhan. Pangalawa, hindi ko ugaling mag decorate tuwing pasko sa bahay dahil wala naman ibang bumibisita sa'kin. Pangatlo, wala naman akong sapat na pera para mag-ibang bansa, kung meron man bakit ako mag-aaksaya ng pera para doon? Isa lang naman ang pinoproblema ko ngayon kundi ang maka gawa ng panibagong article para sa tagumpay ko, I want a promotion, pero binigyan ako ng isang kodisyon ng boss kong si ma'am Emily na mapopromote ako kung makakagawa ako ng magandang article tungkol sa isa sa mga Famous Men's Billionaire in the whole world! Pero sino naman kaya ang pwede kong ma-interview at magawan ng article? sino naman kaya sa kanila ang papayag na magpa-interview sa'kin? Kagat ang ibabang labi ko habang nakatutok ang mga mata ko sa blankong screen ng laptop ko, habang nilalaro ang ballpen sa mga daliri ko. Im in big trouble! Ani ng isip ko, isang buwan lang ang ibinigay sa akin ni ma'am Emily para sa promotion na inaasam ko. Walang ganang isinandal ko ang likuran ko sa back rest ng swivel chair gayun din ang ulo ko kuway ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Pero muli akong napamulat nang may tumawag sa pangalan ko. "Lia, pinapatawag ka ni ma'am Emily sa opisina niya," Untag sa akin ni Margot ang secretary ni ma'am Emily. Pagkasabi niyon ay agad narin itong tumalikod. Nagtatakang umalis ako sa cubicle ko at agad na tinungo ang opisina ni ma'am Emily. Tatlong katok muna ang ginawa ko bago ko binuksan ang pintuan. Naka ngiting nag-angat siya ng tingin sa akin. "Come in Lia." Masiglang salubong niya sakin. "Have a sit." Ani pa nito na tinuro ang kaharap na upuan nang maka pasok na ako. Agad naman akong naupo. "Pinatawag niyo daw ho ako ma'am?" She nodded. Pinagsalikop nito ang dalawang kamay. "Yes, I want to tell you something about the article that I want you to make-" "Ma'am, just give me time to make that article, huwag niyo lang babawiin ang pinangako niyo sa'kin na promotion..." putol ko sa iba pa nitong sasabihin. "Nagmamakaawa ako ma'am..." Apagmamakaawa ko. Natigilan ako nang mahina itong tumawa. "Don't worry, wala akong balak bawiin ang sinabi ko, patapusin mo muna kasi ako." Natatawang umiling iling ito. "Yes it's about the article, and that's why I called you here because, I have a good news to you!" "A-ano hong good news?" "May nakarating na balita sa'kin na isa sa mga FMB ay pumayag na magpapublic interview!" nagtititiling sabi nito habang hawak ang mga kamay ko. Napa ngiti ako ng malawak, good news nga talaga! syempre may sagot na sa problema ko! Makakamit ko na ang inaasam kong promotion! "Now, pack your things for one week because you are going to Australia tomorrow!" Sabi nito na ikinawala ng mga ngiti ko. "Tomorrow? Ako? Pupunta sa Australia?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Yes, you are... Pinalista ko na ang pangalan mo ng tawagan akong ng secretary ni Mr.Montefiore para sabihin na we have a privilege to interview Mr.Montefiore." paliwanag nito. "P-pero ma'am, wala ho akong budget para dyan," nangingiwing sabi ko. "Sino ba nagsabi sayo na ikaw ang gagastos? Syempre sagot ito ng kumpanya." Kumurap kurap ako. "Sagot ng kumpanya? As in free? Wala pong biruan?" "Yes and no joking," naka ngising sabi niya pagkuway may iniabot sa akin na isang brown envelope. "Nasa loob na ang plain ticket mo pati na ang pocket money moat nandyan na rin ang address ng hotel na tutuluyan mo," she added. Nag buntong hininga ako, I just can't believe na ang pangarap ko lang na maka punta sa ibang bansa ngayon ay abot kamay ko na at may bonus pa, magkakaroon ako ng pagkakataon na ma-interview si Mr.Montefiore! Oh my gosh! This is it, pansit! Mukang nalalapit na ako sa inaasam kong promotion! "Oh, bakit parang hindi ka masaya?" Kunot noong tanong nito sa akin. Umiling ako at bahagyang ngumiti. "Hindi lang ho ako makapaniwala ma'am, parang kailan lang ho kasi pinag-uusapan palang natin ang tungkol dito tapos bukas na bukas din pupunta na ako ng Australia para sa interview." "Ayaw mo ba? Kung ayaw mo pwede ko naman ibigay sa iba-" "No ma'am! Gustong-gusto ko ho.. Masaya nga ho ako." Putol ko sa iba pa nitong sasabihin. "Nag-aalangan lang ho ako baka hindi ko deserve ito.." Bahagya nitong pinalo ang kamay ko. "Stop it, Carren! Don't say that ok? Everyone knows that you are one of the best writer here in Silver Crown publishing company, so be proud dahil ikaw ang napili ko para sa spot na ito and I know you deserve it. Aba! Bihira lang ang ganitong oportunidad huh, sa libo-libong publishing company ay isa tayo sa isang daang napili nila para bigyan ng pagkakataon na ma-interview si Mr.Montefiore na iyon," mahabang salaysay nito. Doon na ako tuluyang Napa ngiti at gumaan ang pakiramdam. Ma'am Emily is a nice boss really. Bukod sa mabait ito ay ubod ito ng ganda at walang kupas ang ka-sexy-han kahit nasa mid 40's na ito. "Thanks ma'am Emie, pangako pagbubutihin ko po," buo ang loob na sabi ko na alam ko sa sarili ko na kaya ko naman talaga gawin. Ngumiti na ulit ito. "You should, here's the more info about him," anito na may inilapag na folder sa tapat ko. "Basahin mo at pag-aralan, para pagdating mo sa Australia, you already know what to ask." Hinawakan ko ang kamay nito. "Naku thank you po talaga ma'am! Tatanawin ko po ito na isang malaking utang na loob.." "Don't mentioned it. Achievement ng empleyado ko achievement ko narin." Kinindatan niya ako. "You should go now, para mahanda mo na ang mga gamit mo." "Yes ma'am," ani ko na tumayo na.. "Salamat ho ulit ma'am." Ngiti lang ang isinagot nito sa akin. Nagpaalam na ako bago umalis sa opisina niya. "Have fun!" Pahabol nito bago tuluyang lumapat pasara ang pintuan. DAHIL abala na ako sa paghahanda ng mga gamit ko para sa pag-alis ko papuntang Australia, there's no time to review the details about Dave Montefiore. Kaya hanggang sa makasakay ako sa eroplano at makarating dito sa Australia ay wala akong ideya kung ano ang hitsura ni Dave Montefiore. Ang alam ko lang ay isa siyang tinitingalang tao sa lipunan at iniilagan ng mga tao. Nalaman ko din na wala ni sino man ang may kayang banggain ito, because he had everything, influence, money and power. Except the other Billionaires, I think. paano ko nalaman? Narinig ko lang sa opisina na pinag-uusapan nila Divina isa sa mga empleyado sa magazine department. Nang huminto ang taxi sa harap ng isang five star hotel ay agad akong nagbayad at bumaba pagkatapos. Tiningala ko ang napakataas na hotel na iyon at binasa ang pangalan na nasa karatula "Gold bridge hotel" hmm pangalan pa lang halatang pang mayaman na! How much more sa loob niyon. Humakbang ako papasok sa hotel at hindi nga ako nagkamali dahil tulad ng inaasahan ko halatang pulido at malinis ang bawat detalye ng desenyo ng hotel, at ang bawat kasangkapan doon ay halatang hindi biro ang halaga. Matapos ko pagmasdan ang kabuohan ng lobby ay dumiretso na ako sa receptionist desk. "Miss?" tawag pansin ko sa babaeng receptionist, lumingon ito at ngumiti sa akin. Hindi siya mukang Australiana dahil itsura niya pangpinay. "Yes ma'am?" I smile her back. "I have a reservation here." "What is your name ma'am?" She asked. "Carren Gomez." I replied. "For while ma'am," anito na humarap sa monitor at ilang sandali lang ay muli itong humarap sa'kin. "Yes ma'am you have a reservation, you are from Philippines?" Nakangiting sabi. "Yes." "Buti naman may makakausap na akong tagalog." natatawang sabi nito. Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. "T-talaga? nice meeting you!" inilahad ko sa kanya ang kamay ko at agad naman niya iyong tinanggap. "Same here, Jessica nga pala." pagpapakilala naman niya. "Isa ka pala sa mga aatend ng nationwide interview para kay Mr.Montefiore?" naka ngiti parin ito? "Oo, kaylangan eh." Tumango tango ito kuway iniabot sa akin ang key card ng magiging kwarto ko. "Room 316, Enjoy your staying here ma'am." anito na ikinatawa namin pareho. "Thank you!" Tinanggap ko yung key card at agad na tumalikod. Maliit lang naman yung dala kong bag kaya hindi na ako nagpa-assist pa. Hahakbang ko na sana ang mga paa ko papunta sa elevator nang mahagip ng paningin ko ang pagbukas ng glass door ng hotel at ang pagpasok ng isang gwapong lalaki. I was stunned and seems to have roots on my feet as if I can't move my self. Hindi lang kasi ito basta gwapo, para itong isang greek god na bumaba mula sa langit. Nahihibang na ata ako at ganito ang mga pinag-iisip ko. Meron itong kasamang dalawang lalaki na naka-black coat na nasa magkabilang gilid nito, halatang mga bodyguards ito. Ang bawat pag-galaw nito ay swabe at talaga naman nakakadagdag sa kagwapuhan nito! Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makasakay na ito ng elevator. "Ang gwapo niya diba?" napitlag ako at napatingin kay Jessica na sumulpot sa likuran ko. "Sino ba yun?" wala sa sarili kong tanong sa kanya. "Ang may ari ng hotel na ito." bulong niya sa'kin. "Goodluck sayo bukas." Kinindatan niya ako bago tinapik sabalikat kuway bumalik na ito sa pwesto niya. Stop fantasizing that man, Carren! Hindi yan ang ipinunta mo dito kundi trabaho! Tsaka ka na lumandi kapag nakuha mo na ang pangarap mong promotion! Saway ng isip ko sa'kin. pinilig ko ang ulo ko bago hinakbang ang mga pa papasok sa loob ng elevator. Hindi naman ako nahirapan na hanapin ang magiging kwarto ko dahil organize masyado ang bawat kwarto. Isang simpleng kwarto ang ibinigay sa'kin but still beautiful, there's a single four poster bed in the middle of the room, mini sofa set in the right side and dining table for two person in the left side and thirty three inches flat screen tv in the middle of the room hanging in the wall. Simple pero ubod ng ganda, walang dahilan para magreklamo isa pa libre na nga ang pag-stay ko magrereklamo pa ba ako? Inayos ko lang ang mga gamit ko at nang matapos ay naglinis na ako ng katawan bago nahiga sa kama para matulog, isa pa ang haba din ng biniyahe ko kaya sobrang napagod ako, para nga akong ginigetlag eh, pero enjoy naman ako sa first flight ko. Kinabukasan quarter to twelve na ako nagising, at agad akong bumangon at dumiretso sa banyo para maligo. Bukas pa naman gaganaping yung public interview para kay Mr.Montefiore kaya nag-decide muna ako na mamasyal malapit lang dito sa hotel na tinutuluyan ko. Nang matapos ay agad na akong nagbihis, my usual attire. (T-shirt, spaghetti on top and maong skirt. Tinernuhan ko ng white rubber shoes.) Tutal magtatanghalian na nagpasya muna akong kumain sandali sa restaurant na malapit sa hotel na tinutuluyan ko. Nang naka pasok ako sa loob humanap ako ng mauupuan ko. I chose to sit at the corner table for two. Tinawag ko ang waiter at agad na nag order. Nang matapos kumain nag order ako ng capo chino at nagpasya ng lumabas. Eksaktong paglabas ko hindi inaasahan na may nabangga ako na isang malaking bulto at ang dala kong capo chino ay tumapon sa puting polo nito. Nanlaki ang mga mata ko at tarantang kinuha ang panyo sa bag ko kuway mabilis na pinunasan ang nadumihang polo nito. "Oh my gosh, I'm really sorry!" Hinging paumanhin ko habang pinupunasan parin ang polo nito. "What the f**k! s**t!" He exclaimed. "I'm sorry! I-i didn-" I stopped when I saw his face. He was the guy I saw last night! "Take away your dirty handkerchief from me!" sigaw nito. Inagaw nito iyung panyo ko at inihagis sa kung saan. "You idiot woman!" sabi pa nito habang dinuduro niya ako. Tila naman ako natauhan sa pagpapantasya ko sa mukha niya sa sinabi nito. Ano, ako daw idiot? Aba! Sumosobra naman na ata ang lalaking ito natapunan lang eh! Tinuro ko ang sarili ko. "Me, idiot?" "Who else? You're not looking your way!" Sumosobra naman ata ang lalaking ito kung makapagsalita, akala mo kung sino! Aksidente ang nangyari at hindi ko naman gustong madumihan ang damit nito! Pinalis ko ang daliri nito na nakaduro sa akin na ikinagulat nito. "It was an accident ok? I didn't mean to-" "Accident?! Huh!" Tinaasan niya ako ng kilay. "Get out of my way, stupid woman!" Asik nito na hinawi ako sa dadaanan niya, dahilan para muntikan na akong masubsob. Galit ko siyang tiningnan at sa inis ko ang hawak kong plastic cup ay ibinato ko sa kanya, tumama iyon sa ulo niya at tumapon ang natitirang laman niyon sa balikat niya. Oo hindi ako mayaman pero hindi ako papayag na apihin ng kung sino man, kahit isa ito sa mga bilyonaryo! He stopped and gave me a sharp look, pero hindi ako nagpatinag. Sinalubong ko ang matalim na tingin niya at lakas loob na dinuro ko siya. "You're too much! Who you think you are huh?! I already told you that it was an accident and I said I'm sorry! Oo mayaman ka pero hindi ka diyos para sambahin! Akala mo kung sino, bwisit!" Bulyaw ko sa kanya, inismiran ko pa siya bago ko siya tinalikuran. Inis na bumalik ako sa loob ng hotel, nawalan na ako ng gana para mamasyal, sinira ng hambog na lalaking iyon ang araw ko! Gwapo nga pero utak lamok naman! Bwisit!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook