Prologue
doc. Hindi nya kakayanin mahina na ang pagtibok ng puso nya. Sabi ng isang nurse na nasa operating room at ginagamot ang isang lalaki na bigla nalang hinimatay at nangisay noong binigyan sya ng gamut para sa covid-19. kakayanin nya yan hindi natin sya pwedeng hayaan na mamatay!. Sabi nito. pero—. Hindi na natapos ng nurse ang sasabihin nya dahil bigla nalang inagaw sa kanya ng doctor ang mga gamit saka humarap sa pasyente nyang 50/50 na ang buhay.
Wala pang ilang Segundo ay napatigil ang doctor at mga nurse dahil biglang tumigil ang pagtibok ng puso ng pasyente. Pinilit nilang irevive ang pasyente pero huli na talaga ang lahat. Bumuntong hininga ang doctor saka humarap sa lalaking nurse na nasa harapan nya. time of death 5:54 pm. Sabi nito. Pilit nilang itinago lahat ang mga luhang malapit na sanang pumatak. Nabigo sila na isalba ang buhay ng isa sa mga paseyente nila kaya ganun nalang ang sakit na nararamdaman nila. Ginawa nila ang lahat pero hindi parin sya nakaligtas.
Palabas n asana silang lahat sa operating room nang biglang tumili ang isa sa mga nurse na kasama nila. Lahat sila ay napalingon at laking gulat nila nang Makita ang pasyente na muling nabuhay.
Lumapit ang isa sa mga nurse saka tinignan nang Mabuti yung lalaki. Sinundot nito ang dibdib nang lalaki at laking gulat nya nang bigla sya nitong hawakan at kinagat sa leeg. Nasira ang suot nitong PPE dahil sa kagat ng lalaki sa kanya. pinigilan ng dalawang nurse yung lalaki sa pagkagat sa kasamahan nila pero pati sila ay kinagat din nito at gaya ng nangyari sa naunang nurse ay napunit din ang mga suot nilnag PPE.
Hindi na nagawang nakagalaw ng doctor nang Makita ang mga kasama nyang nagdurugo dahil sa mga kagat na natamo nila sa lalaking pasyente. Maya maya ay natauhan sya nang biglang tumayo ang isa sa mga kasama nya. Hinang-hina na ito at nagiging kulay ube na ang balat. Doc. Tulong. Sabi nito saka humawak sa balikat ng doctor. Ilag Segundo lang ay bigla itong bumagsak sa sahig.
Dahil sa pagkakapit sa kanya ng nurse ay namatsyahan ang suot nyang PPE. Muling nabaling ang tingin nya doon sa lalaking pasyente dahil bigla itong umungol ng malakas. Agad tumakbo papunta sa pinto ang doctor saka binuksan ang pinto bago pa man makalabas ay bigla syang kinagat sa likod ng pasyente.
Saktong pagkagat sa kanya ay sya ring pagbukas ng pinto. doc? Ano pong nangyayari?. Tanong ng isang nurse na napadaan. Nabaling ang tingin nito sa likuran ng doctor at laking gulat nya nang makitang nagsitayuan ang mga kasamahn nilang nurse na kanina ay wala ng buhay. Napahawak sya sa bibig nya saka sumigaw at humingi ng tulong. Tulong!. Sigaw nito. Tul—. Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya nang biglang umungol ang isa sa mga nurse sak tumakbo palapit sa kanya. bago pa man makalapit ay tumakbo na agad ito saka sumigaw at humingi ng tulong. Pumasok agad sya sa elevator nang bumukas ito. Pasara n asana ang elevator nang biglang pumasok ang lalaking nurse saka sya kinagat hanggang sa mapunit din ang suot nyang PPE.
Pagbaba ng elevator ay nagulat lahat ng tao nang makita ang babaeng nurse na walang buhay. Dahil sa pagkabigla ay napatili ang isa sa mga nakatayo sa harap ng elevator. Dahil sa tili nyang yun ay nabaling sa kanila ang tingin ng lalaking nurse na puro na dugo ang bibig dahil sa pagkagat nya sa babaeng nurse.
Dahil sa takot ay nagsiktabuhan sila paalis doon. Ilang mga security ang sumaklolo at pinagbabaril ang lalaking nurse. Ang akala nila ay namatay na ito dahil bigla itong bumulagta sa sahig pero laking gulat nila nang bigla itong tumayo at kinagat ang isa sa mga security. Ang ilan sa mga security ay pinagbabaril ang lalaking nurse. Ilang beses nila itong napatumba pero makailang beses din ito na bumangon.
anong nangyayari?. Tanong ng isang doctor na ngayon ay natataranta at nagtataka dahil nagtatakbuhan ang mga tao paalis ng ospital. yung dalawang lalaki doon sa taas—. Hindi na natapos ng lalaki ang sinasabi nya dahil bigla syang hinila ng kasama nya. Takang napatingin sa second floor ang doctor at nakita nya ang mga nanghihinang pasyente ang nagsisitakbuhan. Ang ilan sa kanila ay nagtutulakan para lang makalabas.
Napatingin sya sa harap nya at nagulat sya nang biglang bumulaga sa harap nya ang isang babaeng pasyente saka sya sinunggaban at kinagat ng madaming beses.
WARNINGG!!! This is story is unedited, so expect wrong spelling, typo, grammatical erorrs etc.
(This is a work of fiction. Names, characters, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincidental.)
Ngayon palang ay humihingi na ako ng sorry hindi ako magaling sa English kaya kung May makita man kayong mga grammatical errors please pagpasensyahan nyo na si ako.