bc

Secrets

book_age16+
956
FOLLOW
4.3K
READ
others
tomboy
kickass heroine
gangster
comedy
bxg
kicking
campus
enimies to lovers
secrets
like
intro-logo
Blurb

Sa mundo ko kung saan lahat ng tao ay hindi mapagkakatiwalaan, kung saan lahat ay nais kang saktan, kung saan sarili mo lang ang iyong maasahan. Wala kang magagawa kung hindi ang maging matigas, maging matibay para maprotektahan ang sarili mo.

Gulo rito, away doon, sugat, pasa, baling buto at bugbog saradong katawan, lahat 'yan ay mararanasan mo at wala kang magagawa dahil hindi mapipigilan ang mga ganitong bagay.

Luha, awa sa sarili, awa sa ibang tao at lalong lalo na ang emosyon, walang kwenta lahat ng yan, hindi ka maililigtas ng mga yan. Masasaktan at masasaktan ka lang kapag pinairal mo ang mga yan.

Bata pa lang tinuro na sa akin ng magulang ko ang mga bagay na yan. Sa edad na 18 lahat na ata ng sakit ay naranasan ko na, pati ang sarili kong pagkatao kinailangan kong itago.

Dahil kapag nalaman nilang hindi ako lalaki maaring pagsamantalahan nila ako. Oo hindi ako lalaki. Isa akong babae. Mula pagkabata ay itinago na ng mga magulang ko ang tunay na pagkatao ko.

Ako si Joey at ito ang kwneto ng buhay ko.

Lahat ng bagay na sa akin, lahat ng gusto ko nakukuha ko, kahit anong hingiin ko ay naibibigay sa akin, ako rin ang leader ng "STORM" ang grupo naming magkakaibigan mula pa nung bata kami. Masasabi mong kami ang namumuno sa buong campus na pinapasukan ko. Sa 19 years ng buhay ko ay wala pang bumabangga sa akin.

I'm Skyzel "Stone" Takano and this is my story.

chap-preview
Free preview
Secrets 1
Walangyang buhay 'to! Walang kwenta. Saan kaya ako raraket ngayon? Tsk, wala na naman kaming kakainin nito mamaya. Napakatanga kasi nila Bogart eh, makikipagpustahan lang dun pa sa madugas! Langya nagkapasa na nga ako wala pa akong perang nakuha.   Nagtataka ba kayo kung anong pinagsasasabi ko dito? Yung abnormal kasing kabarkada ko eh nakahanap daw siya ng raket palpak naman. One on one fight, isang libo ang makukuha nung fighter. Syempre ako yung fighter pucha lampa yung ugok na yun ehh. Si Bogart kabarkada ko tagahanap ng mga streetfight na pwede kong pagkakitaan. 70-30 ang hatian namin, aba syemre akin yung 70, ako na nga nagpabugbog ehh syempre akin yung mas malaki.   Ayun nga yung kagabing street fight na sinalihan ko eh palpak! Pagkapanalo ko tinakbuhan ba naman kami nung kalaban na kapustahan namin. Si abnormal na Bogart naman dahil lampayatot nga ni hindi nakahabol. Nakakabadtrip!   Kaya eto ako ngayon, nganga. Wala tuloy akong nakain kagabi. Pucha talaga malas!   "Hoy Joey!" eto na ang abnormal na Bogart kung makasigaw kala mo wala ng bukas.   Oo nga pala Joey ang pangalan ko. Wala akong apelyido, Joey lang talaga period.   "Oh?" napakatipid na sagot ko.  Badtrip ako ngayon eh, kailangang mag-isip ng mapagkakakitaan. Lumapit naman sa akin si Bogart pero dumistansya siya sa akin. Aba dapat lang baka masapak ko sya.   "Galit ka pa rin ba 'tol?" sinamaan ko siya ng tingin.   "Gago ka ba! Sinong hindi mababadtrip sayo? Napakapalpak mo eh! Kukuha ka na lang ng raket olats pang sinabi!"  bwisit na sagot ko sa kanya.   "Pasensya na boss hindi ko naman alam na tarantadong kausap yung mga yun eh."      "Pasensya mo mukha mo! Makakain ko ba yang pasensya mo? Lumayas ka sa harapan ko. Baka matadyakan kita ng isa!" pagbabanta ko sa kanya. Kapag naman hindi siya umalis, tatadyakan ko talaga siya.   Halata namang natakot ang ugok, umatras eh.   "Opo boss. Wag ka ng magalit boss. " sabi niya sabay layas.   "SA SUSUNOD HUMANAP KA NG MATINONG RAKET!" pahabol kong sabi sa kanya.   Tsk! San kaya ako makakakuha ng pera ngayon. Buset talaga!   Dahil nga kailangan kong kumita eto ako ngayon naglalakad lakad baka sakaling may makipagpustahan. Panigurado ako ang mananalo. Mayabang ba? Tss, ganyan talaga, lalo na kapag sa ganitong buhay ka lumaki.   Nakarating ako sa medyo liblib na lugar. Alam ko tong lugar na to ah. Abandonadong gusali, puro kalat ang paligid, ang baho pa, may kaunting ilaw kang matatanaw mula sa kinatatayuan ko. Tama eto nga yung kadalasang pinagdadalhan sa mga kinikidnap. Tsk mukhang may  nabiktima na naman ah.   Paalis na sana ako kasi wala naman akong pakialam sa mga ganyang bagay kaya lang may nahagip ang mga mata ko. Sandali...Parang…Anak ng!!!  Yung ugok na tinakasan kami kahapon.    Yari ka sakin ngayon. Gagantihan kita, dahil napurnada ang raket ko kahapon, mapupurnada din ang raket mo ngayon. Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang pandudugas mo sa akin kahapon.   Pinlano ko ang gagawin ko para mabulilyaso ang plano nila. Ililigtas ko ang kinidnap nila. Hindi sa concern ako sa kanya, ang totoo wala akong pakialam. Pero dahil badtrip ako ngayon idadamay ko yung mga madudugas na yun. Ayos to nangangati pa  naman ang kamao ko.   Maingat akong dumaan sa likod ng abandonadong building. Syempre hindi ganun kadali, inakyat ko yung sira sirang pader para makaupo ako sa bubong nung building. Hindi naman siya kataasan, mula sa pwesto ko may nakita akong hmmm...isa, dalawa, tatlo, pitong lalaki. Yung apat dun ang kapustahan ko kagabi tapos may isang matandang lalaki na nakatali sa isang upuan. May busal ang bibig at medyo may sugat ang mukha. Sa pananamit pa lang halata mong mayaman. Yung tatlo sa mga lalaki nagtotong-its, yung tatlo ay nag-iinuman at yung isa ay nakabantay sa entrance ng building. Paano kaya to? Hmmm.. Isip Joey. Isip.   Kinuha ko yung darts ko sa bulsa ko. Oo may darts ako sa bulsa. Pero hindi simpleng darts, may mga lason ang mga darts ko. Hindi naman nakamamatay pangpatulog lang naman 'to. Ako mismo ang gumawa nito. Kailangan ko 'to. Self defense sa mga abnormal, lalo na pag marami sila. Tinuro sa akin to nung mga magulang ko. Bata pa lang tinuruan na nila ako ng kung anu-ano, karamihan dun ay tungkol sa pagprotekta sa sarili. Kung iisipin parang kaiba ang ginagawa  nila pero hindi ko sila kinuwestyon at sinunod lang.   San dali ilan ba tong nadala ko? Sakto...apat.   Sa pwesto ko ngayon, mapapatulog ko yung mga nagbabaraha at nasa entrance. Kaya  inuna ko yung nasa entrance.   Inasinta ko muna...isa.. dalawa...hagis!   KABLAG...yown sampul na sapul sa leeg.  Dahil sa ingay ay pinuntahan nung isa sa mga nagbabaraha yung nasa entrance. Pagkakataon ko na. Dalawang darts ang hawak ko isa sa kanan isa sa kaliwa. Parehong asintado ang kamay ko kaya walang problema.   Isa..dalawa...hagis!   KABLAG! Taob ang mga ugok.   At dahil lasing nga yung tatlo pang kasama nila hindi nila ako napansing tumalon mula sa bubong ng building. Syempre hindi naman ako basta bastang makakababa. Ano ako superhuman? May mga tinalunanan pa ko bago makalanding sa sahig.   Mga engot hanggang ngayon hindi ako napapansin.   "HOY!" ayun may nakapansin na. Tumingin ako sa entrance nakita ko yung lalaking nagbabaraha kanina. Bago pa siya makalapit ay dali dali kong inihagis yung last dart ko sa kanya.   Ayun naman sapul si ugok. Bagsak! Dahil sumigaw si ugok kanina napansin na ako nung mga kumag na nag-iinuman. Dalawa sa kanila eh yung nakapustahan ko. Nag-iinit ang dugo ko sa dalawang to ang yabang yabang kahapon tapos madudugas naman pala.   "Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong nung lalaking nakalaban ko kahapon. Ano nga bang pangalan nito? To..To...anu nga ba yun? Nagsisimula yun sa "To" eh. Ahhh Tochi...Oo nga. Yun ata yun. Hindi ako magaling sa mga pangalan. Ang natatandaan ko lang nabubwiset ako sa kanya.   "Oh ikaw pala kamusta ka naman Tochi? " blangkong mukhang pagkasabi ko sa kanya. Pagkasabi ko nun biglang namula yung mukha niya. Aba! Nahiya naman ako sa balat nitong taong 'to maitim na eh nakukuha pang mamula. Hindi sa pangwawalangya, sinong niloko ko, winawalangya ko talaga siya, kawalangya walangya naman talaga ehh.   "ANONG TOCHI? GAGO KA AH! TORO ANG PANGALAN KO HINDI TOCHI" ahhhh. Toro pala. Pshh ang arte nito, di hamak naming mas mas cute yung Tochi.   "Ah.. 'Yun ba pangalan mo?" sa totoo lang wala naman akong pake, makakalimutan ko din naman yun maya maya lang.   "Oo. BAKIT KA NANDITO? IKAW BA ANG MAY GAWA NUN?" galit na tanong niya habang tinuturo ang mga weak niyang kasama na nakabulagta na. Grabe tong lalaking to, buti di pa napuputulan ng litid, wagas makasigaw eh. Nasakit na tenga ko.   "Oo ako. Pucha ang dami mo pang satsat sumasakit ulo ko sayo. Suntukan na lang tayo!" blangkong itsura kong sinabi sa kanya.   "AH GAGO KA PALA EH! Chino tirahin na yan. Lumpuhin nyo ng magtanda!" sabi niya dun sa isang kasama niya na isa sa mga kapustahan din namin kahapon. Ahhh!!!!! Kaya pala ToChi ang naalala ko. Dalawang tao pala yun.   Nag-alinlangang sumugod sa kin yung Chino pero dahil takot dun sa Torong maitim, ayun sinugod na rin ako. May dala pang kahoy. Pshhh, yung isang lasing naman nakisugod na rin. Yung Toro hindi sumugod parang nanuod lang. Ngiting tagumpay pa ang loko, dapat talaga binanatan ko ng husto to kahapon eh.   Pinagtuunan ko muna ng pansin yung dalawang alagad niya at dahil nga lasing silang dalawa mas madali ko silang napatumba.   Sipa, sapak, sipa, at pinakahuli ang pagpapatulog ko sa kanila. Ayun knock out.   Dahil wala na kong kalaban. Nilapitan ko na yung ugok na Toro tingnan mo to! Duwag, ni hindi lumaban tapos bakas pa sa mukha niya ang takot.    Lumapit ako sa kanya. Wala naman siyang ginawa. Dinaklot ko ang damit niya at ipinantay ang mukha ko sa mukha niya. Mas matangkad siya sa akin kaya hinila ko siya pababa.   "Dahil dinugas mo ko kagabi sisirain ko ang plano mo. Sa susunod na lokohin mo ako hindi lang to ang gagawin ko!" mahinang sabi ko sabay sapak sa muka niya. Mga nakatatlong sapak pa lang ako eh tulog na. Weak talaga.   Dahil tapos na ang aking paghihiganti ako ay lalayas na. Bahala sila jan, di naman ako babalikan ng mga to, kilala nila kung sino ako, Kaya mag-aalinlangan yang gantihan ako.   Naku makalayas na nga, teka parang may nakakalimutan ako ahhh..Tumigil ako saglit, hmmmm...ay, oo nga pala yung mga darts ko hindi ko nakuha. Kinuha ko isa isa yung darts ko sa mga pinatulog ko. Sayang din to. Pero parang may nakakalimutan pa talaga ako eh. Hmmm..tumingin ako sa likod ko at nakita ko yung matandang nakatali. Nakatitig lang siya sa kin kaya tinitigan ko din siya.   Ay ou nga pala.Ililigtas ko nga pala to. Pshhh...ililigtas ko pa ba to? Tinatamad na ko eh. Tsk!  Tiningnan ko muna yung matanda. Sige na nga tutal matanda na naman tong isang to.   Nilapitan ko siya at tinanggal ang busal ng bibig niya pati tali sa kamay. Aalis na sana ako ng bigla niyang pigilan ang kamay ko. Tiningnan ko uli siya.   -_-   ako yan. Ganyan naman lagi itsura ko.   "Sandali.Tulungan mo kong makaalis dito." sabi niya. Aba! Ano pa kaya yung ginawa ko kanina, di ba pagtulong na yun? Ano gusto nito ihatid ko pa siya sa kanila? Abuso naman masyado yun.   "Di ba tinulungan ko na kayo?" blangkong itsurang sabi ko sa kanya.   "Oo nga pero sana samahan mo ako sa pinakamalapit na presinto. Please hijo I will pay you kung gusto mo." nagmamakaawang sabi niya. Pumalakpak bigla ang tenga ko sa mga narinig ko. Ayos 'to nagkainstant pera pa ko.   "Sige. Tara, tumayo ka na dyan. Ihahatid kita" sabi ko sa kanya sabay talikod pero pinigilan niya na naman ako.   "Tulungan mo ko iho. Nanghihina na ang katawan ko, mahirap ng maglakad." sabi niya. Dahil wala na akong magawa tinulungan ko na siya, muka kasing hindi talaga makakalakad yung matanda.   Inalalayan ko siyang maglakad, napagastos pa nga ako ng wala sa oras eh, ay hindi pala, nagkautang ako ng wala sa oras, paano wala naman akong pambayad sa pamasahe, buti na lang talaga kakilala ko yung mga driver dito. Medyo malayo kasi ang prisinto dito kaya kailangang sumakay, kung ako lang kaya kong lakarin kaso yung matandang kasama ko panigurado hindi niya kaya. Nung makarating kami sa police station dali dali siyang inasikaso ng mga tao doon. Mukhang importante tong taong to ah. Pagkasabing pagkasabi lang ng pangalan eh nataranta na ang mga pulis. Halos lahat nga sila iniwan ang ginagawa at nilapitan yung matanda. Karamihan tinanong kung ayos lang ba siya, ni hindi nga nila ako napansin eh.   Mga ilang sandali pa ay pinaupo muna kami sa isang bench doon sa loob. Ipapaalam daw kasi nila sa pamilya nung matanda na natagpuan na ito. Ayoko sa ganitong lugar, hindi ko gusto ang paligid pati ang mga tao, makaalis na nga.   "Sandali hijo." pagpipigil sa akin nung matanda paalis na kasi ako. Kanina pa to pigil ng pigil. Iho pa ng iho, may pangalan naman ako. Ayoko ng tinatawag akong iho. Nagiirita ako sa tuwing naririnig ko yang iho na yan.   "Ano yun?" tanong ko sa kanya.   "Gusto ko sanang magpasalamat sa yo iho----"   "Joey ang pangalan ko" pagpipigil ko sa kanya. Nabubwiset na ako sa salitang yan.   "Ahh Joey salamat talaga"  nakangiting sabi niya. Makikita sa mga mata niya ang pasasalamat.   "Wala yun. Sige alis na ko" paalam ko ditto.   "Sandali, Kunin mo to, this is my business card, nandyan yung address kung saan mo ko makikita. Pumunta ka dyan para mabayaran kita sa ginawa mo para sa akin ha iho" sabi niya sabay abot sa akin ng card niya Pshhh...makakain ko ba tong card, binulsa ko na lang. Tinanguan ko muna yung matanda bago ako umalis. Tsk tinawag na naman akong iho yan ang pianaka ayaw ko sa lahat. Dahil ang totoo hiindi naman ako iho eh.   Iha ako. Iha!!!   Hindi ako bakla!! Tunay na babae ako since birth.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.4K
bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K
bc

My Master and I

read
136.2K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

Taz Ezra Westaria

read
110.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook