ANG MAITIM NA PLANO NI WESLEY
Hindi makapaniwala si Lia na sa maikling panahon nilang magkakilala ni Vladimir, ay umusbong agad ang kanyang pag-ibig dito at nagawa rin niyang ibigay ang pinaka-iniingatan niyang puri.
Wala siyang pinagsisihan sa ginawa niyang pagkakaloob ng sarili Kay Vladimir, dahil labis siyang umiibig sa binata.
Sasaraduhan na sana ni Lia ang bintana ng kanyang silid; nang may pumasok na isang malaking paniki. Sisigaw sana siya ngunit nang kumislap ang mga mata ng paniki ay para siyang nahipnotismo. Ang mga kamay ni Lia ay kusang isinarado ang bintana na hindi niya namamalayan.
Habang nakatulala si Lia ay nagpalit na ng anyo ang paniki. Mula sa paniki ay naging tao na muli si Vladimir.
Hinalikan ni Vladimir si Lia dahilan upang bumalik ito sa katinuan. Nagtaka naman si Lia nang makita ang kasintahan sa kanyang silid.
"Mahal ko, paanong—"
Inilagay ni Vladimir sa tapat ng labi ni Lia ang kanyang daliri, upang hindi na siya nakapagsalita pa.
"Mahal ko, hindi na mahalaga 'yon. Ang importante magkasama tayo ngayon," pahayag ni Vladimir at pagkatapos ay hinalikan na niya sa labi ang dalaga.
Sa kanilang paghahalikan ay muling pumula ang buong kalangitan at ang mga hayop ay muling nabulabog.
Habang nakahiga si Magnus ay napansin niya ang pagpula ng langit na kinakatakutan nila sa Wolverland. Alam niyang dumating na ang takdang panahon na sinasabi sa propesiya. Mabubuhay na ang lobo na may dugong bampira na lulupig at sasakop sa buong Wolverland.
Iginalaw ni Magnus ang kaniyang tainga nang may narinig siyang munting ungol sa loob ng kanilang tahanan.
Walang kamalay-malay sina Lia at Vladimir sa kanilang paligid. Dahil nalulunod na naman sila sa init ng kanilang pagmamahalan. Wala ring kaalam-alam si Lia na nakikiramdam ang kanyang sariling ama.
Napapikit si Lia nang tuluyan siyang angkinin ni Vladimir.
"Mahal na mahal kita, Lia," sambit ni Vladimir bago nagsimulang tumulos.
Sa bawat pagtulos ni Vladimir ay bumabaon ang kuko ni Lia sa likod niya. Samantalang sa labas ay maririnig mo ang mga alulong ng aso.
Sa pangalawang pagkakataon ay mas matagal na pagniniig ang magaganap ngayon kina Lia at Vladimir. Mas maalab ang kanilang nararamdaman ngayon at unti-unti na ring natuto si Lia na sabayan ang pagtulos ni Vladimir sa kanya.
Hindi na mapigilan ni Vladimir ang sarili na ilabas ang likido na mula sa kanya sa loob ng p********e ni Lia.
"Aah."
"Aah," kapwa nila ungol nang marating nila ang sukdulan.
Humiga si Vladimir sa tabi ni Lia at niyakap ito.
Tumingin si Lia sa kasintahan. "Mahal ko, natatakot ako. Baka malaman ni Tatay ang nangyari sa atin. Sigurado akong magagalit 'yon," sabi ni Lia.
Ngumiti si Vladimir. "Huwag kang mag-alala. Pananagutan kita, sa oras malaman niya ang tungkol sa atin," mabilis na tugon ni Vladimir. Pananagutan talaga niya ang dalaga dahil may posibilidad na mabuntis ito. Lalo na ngayong sa loob niya pinakawalan ang kaniyang semilya.
Hindi nagtagal ay pareho na silang nakatulog.
Wala namang kamalay-malay sina Lia at Vladimir na nasa labas lamang si Wesley.
"Hindi ako papayag na magpakasaya kayo habambuhay!" galit na bulong ni Wesley sa sarili.
Itutuloy niya ang kaniyang maitim na plano kay Lia. Hindi siya papayag na magkatuluyan sina Lia at Vladimir. Dahil siya dapat ang nakikinabang sa katawan ni Lia.
KINABUKASAN, ay nagising si Lia na wala na sa kanyang tabi si Vladimir. Gusto niyang mag-isip kung papaano itong nakapasok sa kanyang silid na hindi niya namamalayan.
Bumangon na si Lia, kahit ramdam pa rin niya ang kaunting kirot sa kanyang p********e. Mabilis niyang inayos ang sarili upang magtungo sa kanilang palikuran.
Naliligo si Lia nang maalala niya ang init na pinagsaluhan nilang dalawa ni Vladimir. Hinawakan niya ang kanyang sinapupunan at malakas ang kutob niyang may nabuo sa kanilang ginawa dahil fertile siya.
Nang matapos maligo si Lia ay inayos na niya ang kanyang sarili upang pumasok sa paaralan.
"Nay, Tay, papasok na po ako," pagpapaalam ni Lia sa kanyang mga magulang.
Tumingin si Magnus sa anak at nakita nitong may pula ito sa kanyang leeg. Kung hindi siya nagkakamali ay isa itong marka mula sa isang halik.
"Lia, anak...ano 'yang nasa leeg mo?" diretsong tanong ni Magnus sa anak na halatang ikinagulat nito at tinakpan ng kanyang mahabang buhok ang kanyang leeg.
Napalunok si Lia at tila nag-isip ng isasagot sa ama.
"Bakit hindi ka makapagsalita, Lia?! Mayroon ka bang inililihim sa amin ng 'yong ina?!" muling tanong ni Magnus sa anak na may kasamang galit.
Namumula na ang mga mata ni Lia, dahil sa takot sa ama. Alam niyang pagagalitan siya ng ama, sa oras malamang may namag-itan na sa kanilang dalawa ni Vladimir.
"Magnus, papasok ang anak mo sa paaralan. P'wede mo namang kausapin mamaya ang anak mo," saway ni Helena sa asawa.
"Helena, pagsabihan mo 'yang anak mo! Kung ayaw mong mangyari ang kinatatakutan ko!" galit na pahayag ni Magnus at muli siyang tumingin kay Lia. "Mag-uusap tayo mamaya at siguraduhin mong magsasabi ka ng totoo!" banta ni Magnus sa anak at pagkatapos ay tumayo na siya at iniwan na ang kanyang mag-ina.
Pinuntahan ni Magnus si Pagudpot sa likod-bahay.
"Alguz," tawag ni Magnus kay Pagudpot na ngayon ay abalang nagsisibak ng kahoy.
Mabilis na itinigil ni Pagudpot ang kanyang ginagawa at hinarap si Haring Magnus. "Ano pong maipaglilingkod ko, Haring Magnus?" tanong niya nang makalapit siya kay Hating Magnus.
"Gusto kong makita ang hinaharap ni Lia?" makapangyarihang utos ni Magnus na agad na sinunod ni Pagudpot.
Paalis na sana ng kanilang tirahan si Lia, nang tawagin siya ni Alguz. "Lia, ihahatid na kita."
Nagulat si Lia sa sinabi ni Alguz. Sigurado siyang inutusan ito ng kanyang ama na samahan siya sa paaralan. Kaya wala na siyang nagawa kung 'di ang pumayag na samahan siya sa pinapasukan niya. Hindi rin niya maaalis sa ama ang mawalan ng tiwala sa kanya.
***
Naglalakad sina Lia at Alguz sa labas pinapasukan niya nang tawagin siya ni Vladimir.
"Lia."
Ngumiti nang bahagya si Lia. "Vladimir, ikaw pala," bati niya sa kasintahan.
"May kasama ka pala," puna ni Vladimir nang makita niya si Alguz ang kasama sa bahay nina Lia.
"Oo, pinababantayan ako ni Tatay," pagtatapat ni Lia.
Habang nag-uusap ang dalawa'y nakamasid lamang si Alguz. At nakita niya sa kanyang balintataw ang munting anghel na nabubuo sa sinapupunan ni Lia.
"Dumating na ang tagapagligtas. Mangyayari na ang sinasabi ng propesiya," bulong ni Pagudpot sa kanyang sarili.
May nakita pa si Pagudpot sa kanyang balintataw nang may lalaking lumapit sa kanila. Malakas ang kutob niya na isang itim na lobo ang lumapit kina Lia at Vladimir. Nakikita niya ang maitim na hangarin ng lalaki sa prinsesa ng Lunaria.
"Kailangan malaman ito ni Haring Magnus," muling bulong ni Pagudpot sa kaniyang sarili.
Lumapit si Pagudpot kay Lia. "Kinakailangan ko nang bumalik sa atin. Mag-iingat ka, Lia," bilin niya sa kanyang alaga at iniwan na niya ito.
Nagtaka naman si Lia, kung bakit bigla siyang iniwan ni Alguz, gayong pinapabantayan siya ng kaniyang ama.
Samantalang sina Vladimir at Wesley na ang naghatid kay Lia sa klase nito.
"Mahal ko, babalikan na lamang kita mamaya. Huwag kang aalis, hangga't 'di ako nadating," bilin ni Vladimir sa kasintahan.
Tumango si Lia at yumakap nang mahigpit sa kasintahan, bago pumasok sa kanyang klase. Hindi alam ni Lia kung bakit kinakabahan siya ngayong araw na ito. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya, basta parang ayaw niyang mapalayo sa kanyang kasintahang si Vladimir.
Nang makapasok na si Lia sa kanyang klase ay umalis na rin ang magkaibigang Vladimir at Wesley.
***
Habang nasa taniman si Magnus ay may tumawag sa kanya.
"Hating Magnus," bati ni Pagudpot habang habol ang hininga, dahil tinakbo niya mula paaralan ni Lia hanggang dito sa kanilang taniman.
"Alguz, bakit narito ka? 'Di ba't pinapabantayan ko sa 'yo si Lia?" tanong ni Magnus kay Pagudpot.
"Pasensya na po, Haring Magnus, pero may kailangan kayong malaman," bungad ni Pagudpot na ipinagtaka ni Haring Magnus.
"Anong kailangan kong malaman?"
Huminga muna nang malalim si Pagudpot, pagkatapos ay muling nagsalita. "Hating Magnus, nakita kong may itim na lobo na kaibigan si Lia. At nakita ko sa aking balintataw ang masamang tangka nito kay Lia. Nakita ko rin na nabubuhay na ang sanggol na lulupig sa kasamaan ng mga lobo. Nangyayari na ang sinasabi ng propesiya. Malapit nang isilang ni Lia ang lobo na may dugong bampira," mahabang litanya ni Pagudpot.
Hindi makapaniwala si Haring Magnus sa kanyang narinig. Tama nga ang kanyang hinala na may nangyari na kina Lia at Vladimir. Ngunit hindi mawala sa isip niya ang itim na lobo na tinutukoy niya.
"Alguz, balikan mo ang aking anak sa paaralan. At huwag mo hahayaang makalapit ang tinutukoy mong itim na lobo," makapangyarihang utos ni Magnus kay Pagudpot na mabilis nitong sinunod.
***
Kinahapunan ay inaya ni Wesley ang kaibigan na mag-inuman. Nilagyan niya nang pampatulog ang iinumin. Simula nang tumuntong sila sa mundo ng mga mortal ay natutunan na rin nila ang ibang gawain ng mga tao.
"Wesley, salamat at nauunawaan mo ako," sabi ni Vladimir nang tanggapin ni Wesley ang relasyon nina Vladimir at Lia.
Ngumiti si Wesley at inabot niya kay Vladimir ang bote ng alak. "Masaya ako para sa 'yo," masayang wika ni Wesley na ang totoo ay napupuno ng poot ang kanyang dibdib.
Tinanggap ni Vladimir ang bote ng alak at walang patid na ininom ito.
Pagkatapos maubos ni Vladimir ang alak ay nakaramdam siya nang panghihilo at ang talukap ng kanyang mga mata ay unti-unti nang bumagsak hanggang sa tuluyan siyang makatulog.
Nagkislap ang mga mata ni si Wesley nang tuluyang sumubsob sa lamesa si Vladimir.
Hinaplos ni Wesley ang ulo ng kaibigan. "Vladimir, matulog ka nang mahimbing," wika ni Wesley at iniwan na niya ang kaibigan upang puntahan si Lia.
***
Katatapos lamang ng klase ni Lia nang dumating si Wesley. Hinahanap ng kanyang mga mata si Vladimir, ngunit hindi niya ito makita.
"Lia, tara na! Ihahatid na kita sa inyo," wika ni Wesley nang makalapit siya sa dalaga.
Ngumiti nang pilit si Lia. "Wesley, nasaan si Vladimir?" tanong niya sa kaibigan ng kanyang nobyo.
"Si Vladimir, nasa bahay. May ginagawa...kaya ako ang pinapunta niya dito," mabilis na tugon ni Wesley.
Hindi alam ni Lia kung nagsasabi ng totoo si Wesley, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa ni Wesley sa kanya sa ilalim ng ilog.
Wala nang nagawa si Lia kung 'di ang sumama kay Wesley nang kunin nito ang mga gamit niya.
"Wesley, hindi ito ang daan patungo sa amin," sabi ni Lia nang mapansin niyang papunta sila sa kakahuyan.
Ngumiti si Wesley. "Mamasyal muna tayo, Lia," mabilis na tugon ni Wesley at hinila niya sa kamay si Lia patungo sa gitna ng kakahuyan.
Nang makarating sina Wesley at Lia sa may burol ay nakaramdam na ng takot si Lia, dahil nagsisimula nang dumilim ang langit.
"Wesley, hindi pa ba tayo uuwi?" lakas-loob na tanong ni Lia kay Wesley nang maghubad ito ng kanyang suot.
Ngumisi si Wesley at tinitigan si Lia. "Hindi pa tayo uuwi, Lia, dahil dadalhin pa kita sa langit!" makapangyarihang sabi ni Wesley at hinapit niya si Lia palapit sa kanya.
Nakaramdam ng takot si Lia nang hilahin siya ni Wesley palapit sa katawan nito. At halos mapaluha siya nang halikan siya ni Wesley sa kanyang leeg.
Itinulak ni Lia si Wesley nang tangkain nitong ipasok ang kamay sa loob ng kanyang palda.
"Wesley, huwag!" pagtutol ni Lia.
Nagdilim ang mga mata ni Wesley at hinawakan nang mahigpit ang mga braso ni Lia.
"Sa ayaw at sa gusto mo! Ibibigay mo ang gusto ko!" makapangyarihang utos ni Wesley at sinampal niya si Lia.
Nagsimula nang mag-iyak si Lia nang haklitin ni Wesley ang kanyang suot at para itong sabik na sinunggaban ang kanyang malulusog na dibdib.
Gustong mamlaban ni Lia, ngunit mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Wesley.
Nagpumiglas na si Lia nang tangkain ni Wesley na pasukin ang p********e niya.
"Huwag!" malakas na sigaw ni Lia.
"Ibibigay mo ang gusto ko!" galit na sigaw ni Wesley.
***
Nagising si Vladimir dahil sa isang sigaw sa 'di kalayuan. At bigla siyang kinabahan nang maalala si Lia.
"Wesley, huwag!" muling sigaw na narinig ni Vladimir.
Kahit masakit pa ang kaniyang ulo ay nagdesisyon siyang puntahan kung saan nanggaling ang malakas na sigaw.
Dahil sa kakayahan niyang bilis bilang isang bampira ay nagawa niyang makarating sa gitna ng kakahuyan at nakita niyang pilit pinagtatangkaan ni Wesley ang kanyang kasintahan.
Lalapitan na sana ni Vladimir sina Wesley, nang biglang nagbago ng anyo si Lia kasabay nang pagbilog ng buwan.
Nagulat si Wesley nang maging isang puting lobo si Lia. Hindi niya akalain na magbabago ito ng anyo nang ipapasok na sana niya ang kanyang sandata sa p********e nito.
Nagkislap ang mga mata ni Wesley.
"Owl," alulong ni Wesley at nag-anyong lobo na siya, dahil itutuloy niya ang balak na angkinin si Lia.
Dadambahan na sana ni Wesley si Lia nang humarang si Vladimir at galit siyang hinarap.
"Pagsisihan mo ang ginawa mo!" galit na wika ni Vladimir.
Nanlisik ang mga mata ni Wesley at muli siyang umalulong.
"Owl!" At muling nag-anyong tao si Wesley.
Galit na hinarap ni Wesley sa Vladimir. "Babalik ako at kukunin ko si Lia!" banta ni Wesley at iniwan na ang dalawa.
Nang tuluyang makaalis si Wesley ay niyakap niya ang kasintahan na ngayon ay anyong lobo.
"Lia, mahal na mahal kita," sambit ni Vladimir at niyakap ang nobya.
Tumulo ang mga luha ni Lia at nagbalik siya sa pagiging tao. Hindi makapaniwala si Lia sa nangyari sa kanya.
"Vladimir, hindi ko alam. Kung bakit ako naging lobo," pagtatapat ni Lia n mababakas mo ang lungkot sa kanyang boses.
"Lia, mahal kita! Hindi importante sa akin kung ano ka!" At niyakap ni Vladimir ang nobya.
Ipagtatapat din ni Vladimir kay Lia na isa siyang imortal.