ANG TUNAY NA PAGKATAO NI LIA
Walang kamalay-malay si Haring Magnus sa nangyrai sa kanyang anak. Kaya nagtaka siya nang ihatid ito ni Vladimir na sira ang kasuotan at nakabalabal lamang sa anak ang dyaket ni Vladimir.
“Anong nangyari sa anak ko?!” makapangyarihang tanong ni Haring Magnus na may kasamang galit.
“Tay,” sambit ni Lia at yumakap siya sa kanyang ama.
Niyakap ni Haring Magnus ang anak na nag-iiyak. Samantalang si Helena ay nagsimula na ring umiyak nang makita ang hitsura ng anak.
Lumapit si Helena sa anak at niyakap din ito. ‘‘Anak, anong nangyari sa ‘yo?” tanong ni Helena sa anak habang umiiyak.
Kumalas si Lia mula sa pagakakyakap ng mga magulang at pinahid niya ang kanyang mga luha gamita ng kanyang daliri. At pagkatapos ay nagsimula na siyang magk’wento tungkol sa nangyari sa kanya.
“Tay, Nay, si Wesley po. Binalak niya akong halayin. Mabuti na lang at dumating si Vladimir at iniligtas po ako.” Tumingin si Lia sa ama. “Tay, anak n’yo po ba ako? Saan po ba ako nagmula?” tanong ni Lia sa kanyang ama.
Nagtaka naman si Haring Magnus sa mga katanungan sa kanya ng anak. Pero malakas ang kanyang kutob na nangyari na ang pagiging lobo ni Lia, dahil sumapit na ang kabilugan ng buwan.
Magsasalita na sana ang ama ni Lia nang magsalita ang si Helena ang kanyang ina.
“Magnus, kailangan na sigurong malaman ni Lia ang katotohanan, tungkol sa kanya,” litanya ni Helena na ipinagtaka ni Lia. Biglang kinabahan si Lia, dahil mukang malakas ang kanyang kutob na isa siyang ampon ng mga kinilala niyang magulang. Ngunit maraming katanungan sa kanyang isip. Kung bakit siya naging lobo? At kung saan siya nagmula?
Tumingin si Haring Magnus kay Lia at hinawakan niya ito sa mga balikat. “Lia, kami ang tunay mong mga magulang. At alam kong darating ang panahon na ito, na malalaman mo ang totoo. Tungkol sa ‘yong pagkatao,” panimula ni Magnus.
Ngumiti nang pilit si Lia at muling nagtanong sa ama. “Tay, anong katotohanan ang tungkol sa akin na dapat kong malaman? Ang isa akong lobo at hindi normal na tao?’’ At muling umiyak si Lia, dahil hindi niya matanggap na isa siyang imortal.
‘‘Lia, oo tama ka. Isa kang taong-lobo. Katulad mo, isa rin akong taong-lobo. At ikaw ang prinsesa ng Lunaria. Dahil ako ang tunay na hari ng Lunaria,” pagtatapat ni Haring Magnus sa anak na ikinagulat nito.
Hindi makapaniwala si Lia sa kanyang mga narinig. Ang ibig sabihin may sarili silang mundo na pinagmulan. Ngunit may naglaro pa rin sa kanyang isip. Ito ay kung bakit kailangan nilang manirahan dito sa mundo.
“Tay, kung ako ang prinsesa ng Lunaria? Bakit tayo andito sa mundo ng mga tao?” muling tanong ni Lia sa kanyang amang hari.
Huminga nang malalim si haring Magnus bago muling magsalita. “Anak, dahil ito ang mundo ng ‘yong ina.” Tumingin si Magnus sa kanyang mahal na asawa. “Ang ‘yong ina ay mortal. Isa siyang tao. Nang ipatapon ako ng aking amang hari, dito sa mundo ng mga tao ay nakilala ko ang ‘yong ina. Minahal niya ako ng buo at tinanggap, kahit isa akong lobo. Nang magkasakit ang aking ama ay bumalik ako sa Wolverland kung nasaan ang Lunaria na aking tirahan ay isinama ko ang ‘yong ina at doon kami nanirahan. Ngunit nang nabuo ka na sa sinapupunan ng ‘yong ina ay nakita sa kanya ang propesiyang, kinakatakutan ng lahat ng lobo,” muling pahayag ni Haring Magnus.
“Propesiya?” singit ni Vladimir na tila alam niya ang tungkol sa propesiya.
Tumingin si Haring Magnus kay Vladimir. “Oo, propesiya, na kinakatakutan ng mga lobo,” mabilis na tugon ni Haring Magnus kay Vladimir.
Bata pa lamang si Vladimir ay marami nang itim na lobo ang galit sa kanya, dahil maraming kababaihang lobo ang nagkakagusto sa kanya. At narinig niya ang tungkol sa isang propesiya na isang lobo ang iibig sa bampira na katulad niya. Kaya nga maraming galit sa kanya, pati na rin si Haring Agorn, ang ama ni Wesley. Tila nag-isip si Vladimir, dahi kung si Lia ang tinutukoy sa propesiya, imposibleng siya ang bampira na tinutukoy ng propesiya. Dahil si Lia lamang ang babaeng nagpatibok sa kanyang puso na isa palang lobo.
“Tay, ano pong sinasabi sa propesiya?”
“Anak, nakita ni Pagudpot, na ikaw ang tinutukoy sa propesiya, na magsisilang ng pulang pangil. Dahil iibig ka sa isang bampira. Kaya nang malaman ito ni Agorn, ay tinangka niyang agawin ang aking trono bilang hari at binalak din niyang sakupin ang buong Lunaria,” pagtatapat ni haring Magnus sa kanyang anak.
Napalunok si Lia, at tila naguguluhan sa nangyayari. Paanong iibig siya sa isang bampira, kung si Vladimir ang itinitibok ng kanyang puso at pinag-alayan ng sarili. May gumugulo na naman sa isip ni Lia kung bakit hindi natakot si Vladimir kay Wesley nang maging itim na lobo ito kanina. Mukang may inililihim din sa kanya ang kanyang kasintahan.
‘‘Tay, kung iibig ako sa isang bampira? Bakit kailangan nilang matakot?” muling tanong ni Lia sa kanyang ama.
“Dahil, kinatatakutan ng mga lobo na isilang ang pulang pangil, na siyang lulupig sa kasamaan ng mga itim na lobo at sasakop sa buong Wolverland,” diretsong pahayag ni Haring Magnus.
“Pero, Tay, dapat hindi n’yo inilihim sa akin na isa akong lobo. Dahil umasa akong magkakaroon ako ng sariling pamilya, pagdating ng panahon,” sambit ni Lia na may kasamang panunumbat dahil sa ginawang paglilihim ng kanyang ama sa kanya.
Tumango si Haring Magnus sa anak. “Patawarin mo ako anak, kung inilihim naming sa ‘yo. Ang gusto lang naman namin ay mamuhay ka ng normal, katulad ng ibang bata diyan. Dahil alam kong mauunawaan mo ako, sa oras malaman mo ang katotohanan. Tungkol sa ‘yong pagkatao,” paghingi ng paumanhin ni Haring Magnus sa anak.
Ngayong alam na ni Lia ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao, ay wala nang kinatatakutan si Haring Magnus kung paano n’ya ipapaliwanag sa anak ang katotohanan. Ang tanging kinatatakutan niya ngayon ay ang gulong haharapin ni Li asa oras malaman ng mga itim na lobo kung nasaan sila.
Magsasalita sana si Lia nang biglang pumasok si Pagudpot at tila may kinakatakutan.
“Pagudpot, ano’t tila takot na takot ka?” puna ni Haring Magnus kay Pagudpot at ipinagtaka naman ni Lia na tinawag ito sa pangalang Pagudpot.
“Tay, si Alguz ba? Ang nakakita ng propesiya?” paniniguro ni Lia sa kanyang amang hari.
Tumango si Haring Magnus at tumingin siya sa kanyang anak. “Oo, anak, siya nga ang nakakita ng propesiya. Nakita rin niya kanina ang isang itim na lobo ang magtatangka sa iyo.” Bumaling siya ng tingin kay Vladimir. “At nakita rin ni Pagudpot, na nagsisimula nang mabuo sa ‘yong sinapupunan ang pulang pangil na kinatatakutan ng lahat,” diretsong pahayag ni Haring Magnus, habang nakatitig kay Vladimir.
Napalunok si Vladimir sa kanyang narinig, dahil malapit nang malaman ni Lia ang katotohanan tungkol sa kanya.
Naguguluhan naman si Lia sa kanyang nalaman. Paanong ipinagbubuntis niya agad ang pulang pangil kung kay Vladimir niya isinuko ang kanyang p********e. ‘‘Hindi kaya isang bampira si Vladimir ?’’ tanong ni Lia sa kanyang isip.
Tumingin si Lia kay Vladimir na ngayon ay seryosong nakatitig sa kanya.
‘‘Vladimir, may dapat ba akong malaman?” tanong ni Lia sa kanyang kasintahan.
Huminga muna nang malalim si Vladimir at hinarap si Lia. “Mahal ko, makinig ka sa akin. Hindi ko sinabi sa ‘yo ang totoo, tungkol sa akin, dahil natatakot akong mawala ka sa akin at katakutan mo ako. Patawarin moa ko, kung inilihim ko sa ‘yo, na isa akong bampira mula sa Wolverland,” pagtatapat ni Vladimir na ikinagulat ni Lia.
Hindi makapaniwala si Lia sa kanyang nalaman. Hindi niya lubos maisip na umiibig siya sa isang bampira.
Ngumiti nang bahagya si Lia at hinarap ag nobyo. “Kaya ba nakapasok ka sa aking silid? Nang hindi ko namamalayan?” paniniguro ni Lia.
Tumango si Vladimir. “Oo, mahal ko,” mabilis na tugon ni Vladimir sa kanyang nobya.
Napailing si Lia dahil sa kanyang mga nalaman. Kung hindi pa siya pinagtangkaan ni Wesley ay hindi niya malalaman ang katotohanan tungkol sa kanya at pati na rin sa tunay na katauhan ni Vladimir. Kung may maganda man siyang nalaman ngayon ay ang nalaman niyang nagsisimula nang mabuo sa kanyang sinapupunan ang bunga ng pagmamahalan nila ni Vladimir.
Magsasalita pa sana si Lia nang muling magsalita si Pagudpot. “Haring Magnus, nakikita ko sa aking balintataw ang pagdagsa ng mga itim na lobo dito sa atin. At nakikita ko ang malaking gulo na gagawin nila sa mundo ng mga tao,” diretsong pahayag ni Pagudpot.
Nagkatinginan sina Vladimir at Haring Magnus.
‘Kung papaya po kayo, ay dadalhin ko kayo sa Tranavana. Doon ay walang lobong naglalakas ng loob na tumapak. Dahil takot silang makagat ng isang bampira,” mungkahi ni Vladimir.
“Alam ko ‘yon. Ngunit papaano ang aking asawa? Isa siyang mortal,” tanong ni Haring Magnus kay Vladimir.
Ngumiti si Vladimir. “Ipinapangako ko po, na walang gagalaw na bampira sa ina ng aking pinakamamahal na babae,” mabilis na tugon ni Vladimir.
“Maraming salamat, siguro ay panahon na rin upang bumalik na kami sa Wolverland, upang bawiin ang aking trono,” pahayag ni Haring Magnus.
Para kay haring Magnus ay wala nang dahilan pa upang manatili sila sa mundo ng mga tao. At panahon na rin upang puksain ang kasaman nina Agorn, ang kapatid niyang traydor. Nakahanda na siyang harapin ang mga lobong nagkaisa noon, upang maagaw ang kanyang trono.
“Irog ko, natatakot ako sa gulong mangyayari, sa oras na bumalik tayo sa Wolverland,” pahayag ni Helena, dahil nangangamba siya sa p’wedeng mangyari sa kanilang pagbabalik sa Wolverland.
Tumingin si Haring Magnus kay Helena. “Irog ko, huwag kang matakot, hindi kita pababayaan,” pahayag niya at niyakap niya ang kanyang pinakamamahal na asawa.
“Haring Magnus, kinakailangan na nating umalis,” maya-maya’y sabi ni Pagudpot.
Sumang-ayon sina Haring Magnus at Vladimir kay Pagudpot. Mabilis na kinuha ni Haring Magnus ang kanyang mahiwagang bato na siyang pinanghahawakan niya bilang hari ng Lunaria at pinaka-susi niya sa lagusan pabalik ng Wolverland.
Habang nagsisipaghanda sina Haring Magnus ay narinig nila ang mga alulong mula sa labas ng kanilang tahanan.
Dahang-dahan na sumilip si Vladimir mula sa ventana upang tingnan ang kanilang paligid. At nagulat siya nang makita niyang napapalibutan na sila ng mga itim na lobo sa pamumuno ni Wesley.
Tumingin si Vladimir kay Haring Magnus. “Napapalibutan na po tayo ng mga itim na lobo. May iba pa po bang lagusan dito?” tanong ni niya sa ama ng kasintahan.
Nagtagis ang panga ni Haring Magnus. “Haharapin ko sila,” makapangyarihang wika ni Haring Magnus.
Umiling si Vladimir. “Masyado po silang marami. Hindi natin sila kakayaning harapin ngayon. Kinakailangan po nating mapaghandaan ang pakikipagtuos sa kanila,” pagtutol ni Vladimir sa balak ni Haring Magnus.
Yumakap si Helena sa kanyang asawa. “Tama si Vladimir. Makinig ka sa kanya,” pakiusap niya sa kanyang asawa.
Tumango si haring Magnus bilang pagsang-ayon sa asawa at mabilis niyang inalis ang latag sa kanilang sahig at binuksan niya ang ginawa nilang lagusan ni Pagudpot sa oras may sumalakay sa kanila. Una nilang tinulungan na makababa sina Helena at Lia. Pagkatpos ay pinasunod na nila si Pagudpot.
“Haring Magnus, mauna na po kayong bumaba,” utos ni Vladimir sa ama ng kanyang kasintahan.
Habang bumaba si Haring Magnus ay naririnig na ni Vladimir ang malalakas na alulong ng mga lobo mula sa labas ng bahay.
“Howl. . .”
“Howl. . .” sabay-sabay na alulong ng mga itim na lobo.
“Vladimir, halika ka na,” tawag ni haring Magnus sa kasintahan ng anak.
Tumango si Vladimir at mabilis niyang ibinalik ang latag at pagkatapos ay nagpalit siya sa anyong paniki. Upang makalusot siya sa maliit na butas na kanyang ginawa.
Mula sa labas ng tahanan ng mga Aldana ay pinalibutan nina Wesley ang buong paligid ng munting tahanan nina Lia. Nang malaman niyang puting lobo si Lia ay bumalik siya ng Lunaria at ibinalita sa kanyang ama. Malakas ang kutob ng kanyang amang hari na anak ito ni Magnus ang traydor na puting lobo na umibig sa mortal. Kaya nagpadala ang kanyang ama ng mga tauhan upang kunin at bihagin ang puting lobo.
Hindi nagtagal ay nasira na nila ang pintuan ng tahanan nina Lia. Subalit nagtataka siya, dahil walang makitang bakas ng buong mag-anak nina Lia.
“Howl!” galit na alulong ni Wesley, dahil natakasan sila ng buong pamilya.
Wala kamalay-malay sina Wesley na natakasan na sila nina Lia. Dahil patungo na ang mga ito sa lagusan papuntang Wolverland. Si Lia naman ay nakahanda nang harapin ang malaking pagbabago sa kanyang buhay. Tutulungan niya ang sariling ama, upang mabawi ang trono nito.