CHAPTER 9 (ANG PAGBABALIK SA WOLVERLAND)

2464 Words
ANG PAGBABALIK NG PRINSESA NG MGA LOBO SA WOLVERLAND  Manghang-mangha si Lia nang makarating sila ng Wolverland. Malayong-malayo ito sa mundo na kanyang kinamulatan. Ang mga puno ay naglalakihan na para bang mga d’wende sila kung titingnan, dahil sa sobrang laki ng mga puno. At lalo pa siyang namangha sa luntiang mga matataas na halaman.  “Maligayang pagdating sa Wolverland, aking mahal,” wika ni Vladimir habang tinatahak nila ang dan patungong Tranavana, kung saan matatagpuan ang pugad ng mga paniki.  Ngumiti si Lia at humilig siya sa mga balikat ng kanyang nobyo.  Habang naglalakad sila patungong Tranavana ay nagsalita si Pagudpot. “Haring Magnus, Vladimir, kinakailangan na nating magmadali. Nararamdaman ko malapit na tayong masundan ng grupo nina Wesley,” pahayag ni Pagudpot.  “Huwag kang mag-alala. Sa oras makarating tayo ng Tranavana, hindi na nila tayo masusundan,” mabilis na tugon ni Vladimir at kinalong niya ang nobya upang mabilis silang makarating ng Tranavana at nang hindi mapagod ang kaniyang kasintahan.  Kinalong na rin ni Haring Magnus ang kanyang asawa.  Hindi nagtagal ay nakarating na rin sila sa Tranavana. May halong takot na nararamdaman si Helena nang pumasok sila sa isang lugar kung saan nababalot ito ng makakapal na ulap. Dahil isa siyang normal ay amoy na amoy ng mga bampira ang sariwa niyang dugo.  Ngunit lingid sa kaalaman niya ay ipinagbawal na ni Leandro Clemente, ama ni Vladimir ang mambiktima ng mga tao simula nang siya amng mamuno sa mga bampira. Tanging sariwang dugo ng mga masasamang lobo ang kanilang iniinom, dahil para sa kanya ay walang karapatang mabuhay ang lobo na may masamang hangarin sa Wolverland. Kaya nang umalis si Haring Magnus ay marami na silang napatay na itim na lobo.  “Natatakot ako, irog ko,” sambit ni Helena nang marating nila ang malaking palasyo sa gitna ng Tranavana.  “Huwag kang matakot. Ipinangako sa akin ni Vladimir, na walang mangyayaring masama sa ‘yo,’’ paniniguro ni Haring Magnus kay Helena. Nang makapasok sila ng malaking gate ay nagliparan ang mga paniki na nakalambitin sa gate. “Eek…eek…eek...” narinig nilang huni ng mga paniki at inatake ang mag-ina ni Haring Magnus.  Humarang si Vladimir sa mag-ina nina Helena at Lia. Pagkatapos ay isa-isa niyang tiningnan ang mga paniki.  “Kung sino man ang kumanti sa inyo sa kanila. Ipapatapon ko sa Helka,’’ banta ni Vladimir sa mga paniki. Ang Helka ang lugar, kung saan ipinapatapon ang mga bampira na sumusuway sa utos ng nakakataas sa kanila. At bilang prinsepe ng mga bampira, ay may karapatan siyang magbigay ng utos sa kanilang nasasakupan.  Tumahimik ang mga paniki at nagsibalikan sa mga p’westo nila, kung saan sila nakasabit. At nagpatuloy na sa paglalakad sina Vladimir, patungo kung nasaan ang kanyang amang hari, si Leandro.  Nang nakarating sila kung nasaan ang mga magulang ni Vladimir ay naglabasan ang mga bampira.   ‘‘Nakaka-amoy ako ng sariwang dugo,’’ bati ni Jacob kay Vladimir. Ang bampirang kaaway niya, dahil sa inggit nito sa kanya. Dahil halos lahat ng mga kababaihan dito sa Tranavana ay kay Vladimir nahuhumaling. Maraming kababaihang bampira ang gustong makuha ang puso ni Vladimir, na lubos na kinaiinggitan ni Jacob sa kanya.  Hinarap ni Vladimir si Jacob. “Kasintahan ko siya, kaya walang gagalaw sa kanila,” makapangyarihang utos ni Vladimir na narinig ng kanyang ama.  Mabilis na lumapit si Leandro sa kanyang anak at sa mga kasama nito.  ‘‘Anong ibig sabihin nito? Bakit ka nagdala ng mortal dito sa ating lugar?” makapangyarihang tanong ni Leandro sa kanyang anak.  “Ama, kinakailangan nila ang tulong natin. At katulad natin, mga imortal din sila.” Tumingin si Vladimir sa ama ni Lia. “Siya si Haring Magnus, ang pinuno ng mga puting lobo at sila naman ang mag-ina niya.” Sabay turo niya kina Lia at Helena. “Ama, tanging ang ina ni Lia ang mortal. Kaya nakikiusap ako na kausapin mo ang lahat ng ‘yong nasasakupan,” pagtatapat ni Vladimir.  Tumango si Leandro. “Makakaasa ka, anak.” Bumaling siya ng tingin kay Haring Magnus. “Anong maitutulong namin sa ‘yo, Haring Magnus,” seryosong tanong ni Leandro sa hari ng puting lobo. Alam niya ang ginawang pag-agaw ni Agorn sa trono ng hari ng mga putting lobo. Nalaman din niyang sinakop n ani Agorn ang buong Lunaria. Kaya malaki ang ipinagbago ng Lunaria. Dahil mas nangingibabaw ang kasamaan ng mga itim na lobo. Habang ang mga puting lobo ay walang nagawa kung ‘di ang magpasakop sa mga itim na lobo.  Ngumiti si Haring Magnus. “Masiguro molamang ang kaligtasan ng aking mag-ina, dito sa Tranavana ay malaking bagay na sa akin,” matatas at makapangyaring tugon ni Haring Magnus. Ngayon lamang niya nakaharap ang kilalang pinuno ng mga bampira. Noon pa naman niya narinig na ipinagbawal na nito ang pumatay ng mga mortal. Hindi katulad nang dating namumuno na si Lavender, na walang awang dinudukot ang mga mortal at ginagawang bampira. Nakipagkamay si Leandro kay Haring Magnus.  “Makakaasa ka kaibigan. At asahan mo rin na kasama mo sa ‘yong laban kaming mga bampira,” pahayag ni Leandro. Napatingin naman siya sa kanyang anak na nakahawak sa kamay ni Lia. At narinig niyang nag-ingay ang lahat ng paniki. Hanggang sa dumating ang isa sa mga bantay niya sa labasan ng Tranavana.   ‘‘Pinunong Leandro, unti-unti nang nagpupula ang kalangitan dito sa Wolverland at may mga grupo ng itim na lobo na umaaligid sa buong Tranavana,’’ pagbabalita ni Zeus, ang magiting na bampira at matalik na kaibigan ni Vladimir noong hindi pa nakikilala ng kanyang anak si Wesley.  Nagkatinginan sina Haring Magnus at Leandro, dahil alam na nila kung sino ang hinahanap ng mga itim na lobo.  “Zeus, utusan mo ang lahat ng bantay na maging alerto. At siguraduhing walang itim na lobo ang makakapasok ng Tranavana,” makapangyarihang utos ni Leandro.  Tumango si Zeus. “Masusunod po,” mabilis na tugon ni Zeus at nagbalik na siya sa kanyang p’westo, upang pamunuan ang kanyang mga nasasakupan bilang tagapagbantay ng Tranavana. Nang tuluyang nakaalis si Zeus ay nagsalitang muli si Leandro.  ‘‘Ang pagpula ng langit, ay siyang pagkabuhay ng pulang pangil,” seryosong saad niya. Narinig na niya noon ang tungkol sa propesiya ng Wolverland. Dugong lobo at bampira ang mabubuhay na kinatatakutan ng lahat, dahil ito ang lulupig sa lahat ng kasamaan at kikilanin ng lahat sa Wolverland, ang pulang pangil.  Nagkatinginan naman sina Vladimir at Haring Magnus nang biglang hawakan ni Lia ang kanyang sinapupunan. Dahil ramdam niyang may gumalaw sa kanyang sinapupunan. Naguguluhan si Lia, dahil wala pang isang buwan simula nang magniig silang dalawa ni Vladimir.  “Paanong nabuo agad ang bata sa aking sinapupunan?” tanong ni Lia sa kanyang isip habang hawak-hawak niya ang kanyang sinapupunan na ngayon lamang niya napansin ang biglang paglaki nito.  Napansin ni Pagudpot ang pagtataka ni Lia. Kaya binasag niya ang katahimikan ng lahat.  “Lia, dito sa Wolverland ay araw lamang ang bilang ng ‘yong pagdadalang-tao. At hindi ka normal upang magdalang-tao ng siyam na buwan. Lalo na’t may dugong bampira ang ‘yong dinadala,” paliwanag ni Pagudpot na narinig ni Leandro.  Hindi makapaniwala si Leandro na sa anak niya magmumula ang dugo ng pulang pangil.  Huminga muna nang malalim si Leandro bago magsalita. “Apo ko pala ang pulang pangil?” paniniguro niya sa kanyang anak.  Tumango si Vladimir. “Oo, ama, at si Lia ang isa pang tinutukoy sa propesiya na magsisilang ng pulang pangil,’’ mabilis niyang tugon sa kanyang ama na si Leandro.  “Kung gano’n, mas kinakailangan nating mag-ingat, dahil may ilang bampira rin ang tutol sa pagsilang ng pulang pangil. Kinakailang walang makaalam nang pagsilang ni Lia.” Tumingin si Leandro sa kanyang anak. ‘‘Dalhin mo na sila sa pinaka-attic nang walang bampira ang makaalam. Sa oras isilang na ni Lia ang inyong anak, ay mabilis siyang lalaki. Walang makakaalam na siya ang pulang pangil,’’ utos ni Leandro sa kanyang anak.  Mabilis na sinunod ni Vladimir ang utos ng kanyang ama. Dinala niya sina Lia, Helena at Pagudpot sa attic. Habang sina Haring Magnus at ang kanyang ama ay mag-uusap tungkol sa pagpaplano kung paano mapapabagsak si Agorn at Wesley. ** ** SA KAHARIAN NG LUNARIA Walang kaalam-alam sina Agorn na malapit nang isilang ang pulang pangil. Ngunit alam niyang buhay pa sina Magnus. Kaya nang sabihin sa kanya ng kanyang anak na may nagustuhan siyang dalaga sa mundo ng mga tao, na isa pa lang putting lobo ay malakas ang kutob niya na ito ang anak ni Magnus. Kaya inutusan niya ang kanyang mga tauhan na puntahan ang mga ito sa mundo ng mga tao at puksain. Nang sa gano’n ay walang aagaw sa kanyang trono.  “Nagawa n’yo ba ang inuutos ko?” tanong ni Agorn sa kanyang anak na si Wesley nang dumating ito mula sa mundo ng mga tao.  Umiling si Wesley. “Hindi! Mukang natunugan nila ang pagdating namin,” pagtatapat niya sa kanyang ama.  Nagtagis ang mga panga ni Agorn, kasabay ang pagkislap ng kanyang matatalim na mata.  “Kailangan n’yo silang makita! Dahil kung hindi? Hindi ka magiging hari ng Lunaria,” galit na wika ni Agorn sa kanyang anak.  Naguluhan naman si Wesley sa tinuran ng ama. “Paanong hindi ako ang magiging hari? Samantalang ako ang ‘yong nag-iisang tagapagmana ng ‘yong trono,” tanong ni Weslley sa kanyng ama na may halong pagtataka.  Ngumisi si Agorn at muling nagsalita. “Dahil si Magnus ang tunay na hari ng Alcona at siya ang mas may kapangyarihan sa akin dito sa buong Lunaria. Sa kanya iginawad ang mahiwagang buto na siyang pinanghahawakan ng isang hari,” pagtatapat ni Agorn. Ipinagtapat n ani Agorn sa kanyang anak ang katotohanan. Upang ito ang makalaban ng kanyang kapatid sa ama.  “Ang ibig sabihin, si Lia ang siyang tunay na tagapagmana ng trono ng hari?” paniniguro ni Wesley sa kanyang ama n amabilis nitong tinanguan. Nagtagis ang kanyang mga panga nang dahil sa kanyang natuklasan. Hindi siya makakapayag na hindi siya ang maging hari ng Lunaria.  “Sisiguraduhin kong hindi makukuha ni Lia ang trono ng aking ama,” bulong ni Wesley sa kanyang sarili. Nang dahil sa kanyang nalaman ay mas lalong tumindi ang galit niya kina Lia at Vladimir. Malakas ang kutob niyang dinala ni Vladimir ang pamilya Aldana sa Tranavana. Dahil nang lusubin niya ang mga ito sa kanilang tahanan ay wala na ang buong pamilya roon. “Howl… Howl…” malakas na alulong na narinig ng mag-ama. Masama ang kutob nina Agorn at Wesley, nang umalulong ang mga lobo mula sa labas ng kaharian ng Alcona. Para makasiguro sila ay mabilis silang lumabas ng kweba, upang makita ang pinagkakaguluhan ng mga lobo.  Paglabas nila sa bulwagan ng Alcona ay tumambad sa kanila ang pagpula ng langit at ang unti-unting pagpula ng buwan. Hindi makapaniwala si Agorn sa kanyang nakikita, at isa lamang ang ibig sabihin nito. Malapit na ang pagsilang ng pulang pangil. Ang sinasabi sa propesiya na taga lupig ng lahat ng lobo.   ‘‘Howl!’’ galit na pag-alulong ni Agorn.   ‘‘Howl. . . Howl. . .’’ sunod-sunod na alulong ni Wesley.  Tumingin si Agorn sa kanyang anak. “Sa pagpula ng buwan, ay isisilang na ang pulang pangil. Kinakailangang mamatay ang anak ni Magnus, bago tuluyang pumula ang buwan!”  galit niyang pahayag.  Hindi makakapayag si Agorn na isilang ang pulang pangil. Gagawin niya ang lahat, kung kinakailangan niyang makipagpatayan kina Magnus. Kinakailangan nilang matunton kung nasaan ang pamilya ni Magnus. Baliwala ang pagiging hari niya ng matagal na panahon, kung mawawala rin ito sa kanya at hindi sa anak niya mapupunta ang tronong iniingatan niya. Ang tronong kinuha niya upang maging makapangyarihan sa buong Lunaria.  “Huwag kang mag-alala, ama. Gagawin ko ang lahat, matunto ko lamang kung nasaan sila,” pahayag ni Wesley sa kanyang ama. Alam ni Wesley kung gaano kahalaga sa kanyang ama ang trono nito. Kaya hindi siya makakapayag na muling tumuntong sa Lunaria sina Magnus.  Nagdesisyon na si Wesley na bumalik sa hanggahan ng Lunaria at Tranavana. Malakas ang kanyang kuto na naroon ang kanilang hinahanap.  Habang naglalakad si Wesley patungo sa kanyang mga alagad, nang makasalubong niya si Alendra, ang tanging puting lobo na nagkagusto sa kanya. Simula nang pumunta siya sa mundo ng mga tao ayb ngayon lamang nakitang muli ang dilag. At hindi maitatanggi na may kagandahan itong taglay.  “Alendra,” tawag niya sa pangalan ng dalaga.  Lumapit ito sa kanya. ‘‘May kailangan ka ba sa akin?” tanong ni Alendra.  Ngumiti si Wesley kasabay nang paghapit niya sa beywang ng dalaga at walang sabi-sabing sinunggaban niya ito ng halik. Naging mapusok si Wesley sa ginagawa niyang paghalik kay Alendra. Naramdaman ni Wesley ang pagpulupot ng mga braso nito sa kanyang batok. Kaya agad niyang kinalong ito at isinandal sa isang malaking puno.  “Ooh. . .” ungol ni Alendra nang tuluyan niyang angkinin ito.   Hindi makapaniwala si Alendra na ina-angkin siya ngayon ni Wesley, ang itim na lobo na matagal na niyang iniibig.  Nakahanda siyang magdalang-lobo, kapag nagbunga ang kanilang pagniniig. Napapikit si Alendra nang maramdaman niya ang mapangahas na pag-angkin sa kanya ni Wesley. ‘Oooh. . .” muling ungol niya nang binilisan ni Wesley ang pagtulos sa kanyang loob.  Matagal silang nagniniig nang may mga salitang lumabas sa labi ni Wesley.  ‘‘Mahal na mahal kita, Lia,” mga katagang binitiwan ni Wesley kasabay nang pagkakawala niya ng likido sa loob ng p********e ni Alendra.  Tumulo ang mga luha ni Alendra. Dahil iba pala ang laman ng puso at isipan ngayon ni Wesley, kahit siya ang kaniig.  Pagkatapos magniig nina Wesley at Alendra ay nagsalita si Wesley. “Simula ngayon, wala ng ibang lobo ang gagalaw sa ‘yo. Dahil ako na ang nagma-may ari sa ‘yo,” pahayag ni Wesley na tinanguan lamang ni Alendra.  Ganoon silang mga lobo, walang ligaw-ligaw o panunuyo sa isang babae. Kapag nagustuhan Kang angkinin ng lalaking lobo ay hindi ka makakatanggi, dahil simula nang maging hari si Agorn ay binago niya ang patakaran sa Lunaria. Lahat ng lalaking lobo ay may karapatan na angkinin ang babaeng lobo na gusto nila. At hindi ka p’wedeng tumanngi, dahil obligasyon mong paligayahin ang isang lalaking lobo. Makakatanggi lamang siya kung ginawa na siyang pag-aari ng mag-ama. Katulad ngayon, pag-aari na siya ni Wesley, kaya wala nang makakalapit sa kanya. Simula ngayon kahit saan magpunta si Wesley ay kasama niya si Alendra, ang babaeng lobo na napili niya upang maging alipin.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD