ANG LIHIM NA PAGBUBUNTIS NI LIA
Katulad nang sinabi ni Pinunong Leandro, walang nakaalam sa pagbubuntis ni Lia. Kung sa mundo ng mga tao ay siyam na buwan na dinadala ang bata sa sinapupunan. Dito sa Wolverland ay animnapu’t tatlong araw ang hihintayin upang isilang ang isang lobo.
Nakatayo si Lia sa malapit sa may bintana ng maramdaman niyang may lumapit sa kanya.
‘‘Mahal ko, anong ginagawa mo diyan,’’ tanong ni Vlladimir kay Lia nang makita niyang nakatingin ito sa labas ng bintana.
Masayang nilingon ni Lia si Vladimir. ‘‘ Natutuwa lamang akong tumingin sa labas. Kaso sa sobrang kapal ng abo-abo, hindi ko makita ang buong kagandahan ng Wolverland.” Ngumiti si Lia. “Hanggang ngayo’y hindi pa rin ako makapaniwala na hindi ako normal na tao. Dahil isa rin pala akong imortal, katulad mo,’’ pahayag ni Lia.
Tumango si Vladimir. “Kaya siguro nang una pa lamang kitang nakita. . . tumibok na ang puso ko sa ‘yo. Dahil tayo pala talaga ang nakatakda para sa isa’t isa,” wika ni Vladimir at niyakap niya ang kanyang asawa.
Habang nakayakap si Lia sa kanyang kasintahan ay napaluha siya. Dahil malayo sa pinangarap niyang buhay ang buhay niya ngayon. Nangarap din siyang maikasal sa simbahan katulad ng iban kababaihang kakilala niya. At Malabo nang mangyari ‘yon, dahil isang vampira si Vladimir at siya naman ay lobo.
Naghiwalay sila sa pagkakayakap nang maramdaman ni Lia na gumalaw ang kanyang ipinagbubuntis.
“Mahal ko, gumalaw siya,” masayang saad ni Lia, habang hawak-hawak niya ang kanyang maumbok na tiyan.
Ngumiti si Vladimir, pagkatapos ay lumuhod at inilapit niya ang kanyang tainga sa sinapupunan ni Lia, upang pakinggan ang pagsipa ng kanilang pinakahihintay na supling.
Tumingin si Vladimir sa kanyang kasintahan na malapit na niyang maging ganap na asawa. “Mahal ko, gumalaw siyang muli,” masaya niyang sambit. Humarap si Vladimir sa tapat ng sinapupunan ni Lia. “Anak, ilang araw na lamang ay masisilayan na kita. At ikaw ay tatawaging Edward,” pahayag niya na narinig ni Lia.
“Bakit Edward?” tanong ni Lia.
Tumayo si Vladimir at tinitigan si Lia sa mga mata nito.
Huminga muna nang malalim si Vladimir bago sagutin ang katanungan ni Lia. “Gusto Kong Edward ang pangalan niya. Dahil ito ang pangalan ng namayapa kong kapatid,” malungkot na saad ni Vladimir.
“Kapatid? May kapatid ka?” paniniguro ni Lia.
“Oo, may kapatid ako. Namatay lamang siya mga bata pa kami,’ pagtatapat ni Vladimir.
May naramdaman namang lungkot sa puso niya si Lia, para sa kanyang pinakamamahal na kasintahan. Dahil sa ipinagtapat nito.
“Anong nangyari sa kanya, mahal ko?” muling tanong ni Lia kay Vladimir.
Ngumiti nang pilit si Vladimir. ‘‘Magkasama kaming dalawa sa gitna ng kakahuyan noon ng Lunaria, nang salakayin kami ng mga itim na lobo. Sa takot naming dalawa’y pareho kaming tumakbo hanggang sa magkahiwalay kaming dalawa.” Tumingin sa labas ng bintana si Vladimir at muling nagsalita. “Ang akala ko ay ligtas na siya, ngunit kitang-kita ko nang naabutan siya ng mga itim na lobo at walang awa nilang linapa ang aking kapatid. Babalikan ko sana siya upang iligtas ngunit nang makita nila ako’y, muli nila akong hinabol. Ang akala ko noo’y katapusan ko na rin, dahil nadapa ako at sinunggaban na ako ng isang itim na lobo. Mabuti na lamang at dumating si Wesley, iniligtas niya ako. At simula noon ay naging magkaibigan na kaming dalawa,” mahabang salaysay ni Vladimir.
Niyakap ni Lia si Vladimir, dahil basa niya sa mga mata nito ang lungkot.
“Mahal ko, huwag ka nang malungkot. Andito ako para sa ‘yo at ang magiging anak natin na si Edward.” Hinaplos ni Lia ang likod ni Vladimir. “Ipinapangako ko, hindi kita iiwan. At paglilingkuran kita habambuhay.” pangako niya kay Vladimir.
Kumalas si Vladimir sa pagkakayakap kay Lia at hinahakan niya ang mga pisngi nito. “Mahal na mahal kita, Lia, at sana ay pumayag ka sa ritwal ng kasal naming mga bampira,” pahayag ni Vladimir.
Ang ritwal ng kasal sa kanilang mga bampira ay pag-iisahin ang kanilang mga dugo. Sa pamamagitan nang paghiwa sa kanilang mga pulsuhan at pagdidikitin o paglalapatin nila ang kanilang mga pulsuhan, upang magsanib ang kanilang dugo, upang sila ay maging isa.
Ngumiti si Lia. “May dahilan ba, para tumanggi ako? Mahal na mahal kita Vladimir, kaya magpapakasal ako sa ‘yo.” Sabay halik niya sa labi ni Vladimir.
Naghahalikan sina Lia at Vladimir nang biglang pumasok sa kanilang silid sina Helena at Haring Magnus, kasama ang mga magulang ni Vladimir na sina Leandro at Anastacia. At kasunod din nilang pumasok si Pagudpot.
Naghiwalay ang mga labi nina Lia at Vladimir nang may narinig silang tikhim.
“Ehem…”
“Ehem…” Sabay na tikhim nina Haring Magnus at Pinunong Leandro.
Si Haring Magnus ang unang nagsalita. “Pasensya na sa abala, mga anak,” hingi niya ng paumanhin.
“Tay, bakit po?” tanong ni Lia sa ama.
Ngumiti si Haring Magnus. “Gusto lang namin kayong makausap,” pahayag niya.
“Ano pong dapat nating pag-usapan?” taking tanong ni Vladimir sa ama ng kanyang kasintahan.
Si Leandro ang sumagot. “Dahil malapit na ang pagsilang ng inyong supling. Kinakailangan nating ng mas pinaigting na pag-iingat. Dahil hindi umaalis sa bulwagan ng Tranavana ang mga itim na lobo, “ paliwanag niya.
“Ganoon po ba? Pero bakit hindi pa natin sila harapin? Upang matapos na ang lahat,” wika ni Vladimir.
Si Pagudpot ang sumagot. “Ang pulang pangil lamang ang makakapagbalik ng kapayaan dito sa Wolverland. Kinakailangang maging malakas agad si Lia, pagkatapos niyang manganak.’’ Paliwanag ni Paudpot.
‘‘Makakaasa po kayo,’’ tanging nasabi ni Vladimir.
SA KAHARIAN NG LUNARIA
“Malapit nang magsanib ang araw at buwan. Ngunt Malaya pa rin ang pamilya ni Magnus!’ sigaw ni Agorn sa kanyang mga nasasakupan. Tumingin siya kay Wesley na halatang katatapos lamang makipagniig kay Alendra. “Wesley, wala ka na bang ibang gagawin kung ‘di ang magpakasarap?!” galit na tanong ni Agorn sa kanyang anak.
Ngumisi si Wesley. “Ama, ngayon lamamg ako bumalik dito. At bakit ang buhay ko ang tinitingnan mo?” pabalang na sagot ni Wesley sa ama. Ang pinaka-ayaw ni Wesley sa ama’y ang pagiging pakialam nito sa kanyang gawain.
“Kung hindi mo kaya ang ipinapagawa ko sa ‘yo… Sa iba ko na ito iuutos!” galit na pahayag ni Agorn at ipinatawag niya si Azul Ventura, ang magiting niyang tauhan na pumatay sa anak ni Leandro Clemente.
Si Azul ang pinakaiinisan ni Wesley sa lahat ng tauhan ng kanyang ama. Dahil lahat ng kababaihang lobo dito sa Lunaria ay pinag-iinitan ni Azul.
“Hasila, haring Agorn, ipinatwag n’yo raw ako,” bungad ni Azul nang dumating siya sa kaharian ng Alcona.
Ngumiti si Agorn at nagkislap ang mga mata, dahil dumating ang magiting niyang mandirigma.
“Hasila, Azul. May nais akong ipagawa sa ‘yo,’’ panimula ni Agorn.
“Anong nais ninyong ipagawa sa akin?” mabilis na taniong ni Azul sa hari ng Lunaria.
Nagkislap ang mga mata ni Agorn. “Gusto kong patayin mo ang pamilya Aldana at ang lahat ng bampira. Upang masakop natin ang Tranavana,” makapangyarihang utos ni Agorn kay Azul.
Mabilis na tumango si Azul. ‘Makakaasa po kayo. Pero ano ang kapalit ng aking gagawin?” tanong ni Azul.
“Kahit ano ang ‘yong naisi’y… ibibigay ko. Gawin mo lamang ang aking ipinag-uutos,” mabilis na tugon ni Agorn.