CHAPTER 3 (ANG PAGSILANG SA PRINSESA NG LUNARIA)

1230 Words
ANG PAGSILANG KAY PRINSESA LIA Mabilis na narating nina Haring Magnus at Pagudpot ang tagong kuweba. Samantalang si Helena ay nagising nang ilapag siya sa isang malaking bato ni Haring Magnus. Nagtaka naman si Helena nang mapansin niyang, wala sila sa Alcona. "Irog kong hari, nasaan tayo?" tanong ni Helena kay Haring Magnus ng makasigurado siyang, wala sila sa Alcona. Nagkatinginan naman sina Haring Magnus at Pagudpot, dahilan upang muling magtanong si Helena. "Irog kong hari, tinatanong kita. Bakit hindi ka makasagot?" Huminga muna nang malalim si Haring Magnus bago niya sagutin ang kaniyang kabiyak. "Irog kong mahal, pumunta tayo dito sa may lagusan. Upang dito mo isilang ang ating supling. At pagkatapos, ay pupunta na tayo sa 'yong mundo," pagtatapat ni Haring Magnus kay Helena na ikinagulat naman niya. "Bakit tayo pupunta? Sa mundo ko? May nangyari bang hindi ko alam?" sunod-sunod na tanong ni Helena sa kanyang asawa. Hinawakan ni Haring Magnus ang mga kamay ni Helena. "Makinig ka sa akin. Gagawin kong lahat. Pangalagaan lamang kayong mag-ina. At hindi ako papayag, na may mangyaring hindi maganda. Sa ating supling. Kaya kinakailangan nating pumunta ng mundo mo. Upang mapangalagaan ang kaligtasan ng sarili kong dugo't laman," mahabang paliwanag ni Haring Magnus. Biglang naglandas ang mga luha ni Helena. Dahil sa labis na kaligayahang nararamdaman. Alam niyang hindi siya nagkamali na mahalin ang isang imortal katulad ni Magnus. "Ngunit? Bakit kailangan nating lisanin ang Alco—" Hindi na naituloy ni Helena ang kanyang sasabihin nang bigla siyang makaramdam ng pananakit ng tiyan. "Ouch," malakas na sigaw ni Helena. "Irog kong mahal, anong nangyayari sa 'yo?" may pag-alalang tanong ni Haring Magnus kay Helena. Tumingin si Helena kay Haring Magnus. "Isisilang ko na 'ata ang ating anak," pilit na sabi ni Helena. "Haring Magnus, dumating na ang takdang oras. Isisilang na ni Reyna Helena ang inyong supling," saad ni Pagudpot. Kumislap ang mga mata ni Haring Magnus. "Irog kong mahal, panahon na. Upang isilang ang ating supling," masayang wika ni Haring Magnus. Tinulungan niyang humiga si Helena at ibinuka niya ang dalawang hita nito. Upang ihanda sa paglabas ang munting supling nila. Nahihirapan man ay sinunod ni Helena si Haring Magnus. Pinaghiwalay niya ang kaniyang hita. At nagbuwelo siya sa paghinga upang magpakawala nang malakas na iri, nang maramdaman niya ang pagsabog ng kaniyang panubigan. Ngunit biglang nilagyan nang pasak ni Haring Magnus ang kaniyang bibig. Upang hindi siya lumikha nang malakas na ingay. "Sige, irog kong mahal, magpakawala ka ng malakas na ungol," utos ni Haring Magnus kay Helena kasabay ng pagpasok niya, sa kaniyang mga kamay sa p********e ni Helena. "Aaahhhhh," pag-iri ni Helena. Ngumiti si Haring Magnus. "Konti pa, hawak ko na ang ulo niya," muling utos ni Haring Magnus kay Helena. Habang pinapaanak ni Haring Magnus si Helena, ay kumuha naman ng dahon si Pagudpot upang ibalot sa munting supling nina Helena at Haring Magnus. Muling nagbuwelo si Helena upang mag-ipon ng hangin sa kaniyang dibdib. At pagkatapos ay muling nagpakawala ng isang malakas na iri. "Aaahhhhhh." Kasunod ay ang pag-iyak ng munting paslit. Nagkislap ang mga mata ni Haring Magnus, kasabay ng mga matatamis na ngiti na kaniyang mga labi. Dahil walang pagsidlan ng kaligayahan ang nararamdaman niya sa kaniyang puso. Nang makita niya ang kaniyang munting supling. Tumingin si Haring Magnus kay Helena. "Irog kong mahal, babae ang 'yong iniluwal," masayang wika niya sa kaniyang kabiyak. Ngumiti si Helena. "Ang 'yong munting prinsesa," masayang sambit ni Helena. Tumango si Haring Magnus. "Salamat aking kabiyak. Dahil binigyan mo ako ng napakagandang supling. At siya ang prinsesa ng Lunaria. Siya ay kikilalanin ng lahat bilang si Prinsesa Lia," makapangyarihang salita ni Haring Magnus. Habang masayang kalong-kalong ni Haring Magnus si Lia, ay biglang sumulpot si Pagudpot. Dala-dala ang mga dahon na ibabalot kay Lia. "Haring Magnus, kinakailangan na nating lisanin ang lugar na ito. Nakita ko ang pangkat nina Romulus at Alamid. At narinig kong pinababantayan ni Agorn ang lagusan. Upang hindi ka makapunta sa mundo ng mga taong— dala ang mahiwagang bato," pagbabalita ni Pagudpot. Tumango si Haring Magnus. "Kailangan na nating magmadali. Narito si Lia. Ikaw ang magdala sa kanya. Dahil kailangan kong dalhin si Helena," malagaong na salita ni Haring Magnus. Mabilis na binalot ni Pagudpot si Lia. Samantalang mabilis na pinasan ni Haring Magnus si Helena. Mabilis nilang narating ang lagusan ng Wolverland. Itinapat ni Haring Magnus, ang mahiwagang bato. Na siyang susi ng mga Lobo patungo sa mundo ng mga tao. Biglang nagliwanag ang malaking bato. At kinakailangan nilang pumasok sa loob ng liwanag. Upang makatawid papunta sa mundo ng mga tao. Pagkapasok nila sa liwanag ay bigla itong naglaho. Kasabay nang pagkawala nila sa Wolverland. SITIO IPILAN- TAYABAS, QUEZON PROVINCE January 8, 1984 Kasabay ng kabilugan ng buwan ang siyang pagdating naman nina Haring Magnus sa mundo ng mga tao. Kung sa Wolverland si Haring Magnus ay may isang daan taon nang nabubuhay. Dito sa mundo ng mga tao, siya ay trenta 'y kwatro na ang edad. Samantalang si Pagudpot ay nagkatawang tao at binunot niya ang kaniyang mahiwang balahibo. Upang mawala ang kaniyang pakpak. Pasan-pasan ni Haring Magnus si Helena, samantalang si Pagudpot naman ang may pasan kay Prinsesa Lia, habang binabaybay nila ang malaking kalye ng Sitio Ipilan. Habang naglalakad sila sa Sitio Ipilan. Kung saan nagdalaga si Helena at nanirahan si Magnus noon, ay may nakasalubong silang mortal. "Magnus," tawag sa kaniyang pangalan. Tumingin ito sa pasan niyang si Helena. "Ikaw nga," paniniguro ng isang ginang na dati nang nakasama ni Magnus sa mundo ng mga tao. Napalunok ito at naawa sa kaniyang nakitang duguan na si Helena. "Baka kailangang dalhin sa hospital si Helena. Dahil ang dami na niyang dugo," lakas loob na sabi ng ginang, walang iba kung 'di si Aling Nadia, ang katiwala ng Pamilya Braganza. Ang pamilyang dating pinagsilbihan ni Helena, bilang isang katulong. Ngunit pinili niyang lisanin ang lugar na 'yon, dahil muntik na siyang pagtangkaan ni Diego. Ang nag-iisang anak ng mag-asawang Braganza, at tagapagmana ng Villa Braganza, isang malaking lupain ng pinakamayamang angkan ng buong bayan ng Tayabas. "Salamat po, ngunit wala akong sapat na halaga. Upang ipagamot ang aking asawa," pagtatapat ni Magnus. Ngumiti si Aling Nadia. "Ako na ang bahala. Upang makaganti naman ako sa pagliligtas mo sa akin noon," masayang sabi ni Aling Nadia. Wala nang nagawa si Magnus nang tumawag na ng tricykel si Aling Nadia. Kung 'di ang pumayag na dalhin si Helena sa hospital dahil marami na itong dugong nawala. Hindi nagtagal ay narating na nila ang hospital, mabilis na inasikaso ng mga doktor at nurse si Helena, pati na rin si ang kanilang supling na si Lia, nang makita ng mga doktor na tanging dahon lang ng saging ang nakabalot sa sanggol. May iniabot ang nurse kay Magnus na papel upang pirmahan, ngunit hindi niya alam ang gagawin, dahil hindi siya maalam magbasa at sumulat. "Magnus, may problema ba?" tanong ni Aling Nadia kay Magnus nang titigan niya ang papel. Ngumiti nang pilit si Magnus at tumango. "Aling Nadia, hindi ko po alam ang gagawin ko sa bagay na ito," pagtatapat niya sa matanda habang hawak-hawak ang papel. Ngumiti si Aling Nadia at kinuha ang papel sa kaniya. "Ako nang bahala dito. Ang importante ay malulunasan na nila ang asawa mo," pahayag ni Aling Nadia at nagtungo na siya sa admitting section upang ikuha ng silid ang mag-ina ni Haring Magnus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD