CHAPTER 5 (UNANG t***k)

1337 Words
ANG UNANG TIBOK "Salamat, Vladimir sa paghatid. At maraming salamat muli, sa pagliligtas mo sa akin kanina sa kamay ni Greg," sabi ni Lia kay Vladimir nang makarating sila sa munting tirahan nina Lia. Isang ngiti ang pinakawalan ni Vladimir at nagsalita. "Walang anuman, Lia, at kahit sino namang lalaki ang makakita sa 'yo. Panigurado ako ililigtas ka rin." Tumango si Lia. "Pasok ka muna sa loob. Para makapagmeryenda," paanyaya ni Lia na hindi tinanggihan ni Vladimir. Dahil gusto rin ng binata na makilala pa ang dalaga. "Salamat sa pag-anyaya," ani ni Vladimir, habang nakatitig sa magandang at maamong mukha ni Lia. Ngayon lamang nakaramdam si Vladimir ng mabilis na pagtibok sa kanyang puso. Kaya sigurado siyang umiibig siya sa dalaga ngayon pa lamang. At ganoon din naman ang nararamdaman ni Lia para kay Vladimir. Ngayon lang siya humanga sa isang binata at sa isang ekstranghero pa para sa kanya, dahil hindi niya alam kung tagasaan si Vladimir. "Ano nga pa lang gusto mong inumin?" tanong ni Lia kay Vladimir na nakatitig pa rin sa kanya. "Tubig na lang," mabilis na tugon ni Vladimir kay Lia. Tumango si Lia at mabilis na kumuha ng tubig mula sa kanilang tapayan. Simple lamang ang buhay nina Lia, ang kanyang ama na magsasaka ay hindi talag nagsasadya ng mga makabagong kagamitan, dahil ayaw ng kanyang ama na makasanayan ni Lia ang buhay na malayo sa Wolverland. Hanggang ngayon ay walang alam si Lia sa tunay niyang pagkatao. Ngunit sa darating na kabilugan ng buwan ay matutuklasan na niyang isa siyang taong-lobo. "Tubig mo nga pala, Vladimir," pukaw ni Lia sa binata at ini-abot niya ang baso na may lamang sariwang tubig galing balon. Ngumiti si Vladimir at mabilis na tinanggap ang isang basong tubig. Ngunit kapwa sila natigilan nang aksidenteng magdikit ang kanilang mga kamay, dahil sa kuryenteng dumaloy sa kanilang mga katawan. Kapwa sila nagtitigan habang ang kanilang mga kamay ay pareho pa ring nakahawak sa braso. Unang nakabawi si Lia at agad na inalis ang kanyang kamay mula sa hawak niyang baso. "Baka nauuhaw ka na," maya-maya'y sabi niya sa binata. Tumango at ngumiti si Vladimir. "Sa—salamat, Lia," nauutal niyang tugon at pagkatapos ay walang patid na ininom ang tubig. Pagkatapos inumin ni Vladimir ang tubig ay muli silang nabalot ng katahimikan. Kapwa sila nakikiramdam sa gustong sabihin ng bawat isa. Hanggang ang kanilang mga mata'y muling nagtagpo at tila magnet na unti-unting naglalapit ang kanilang mga mukha. Napapikit si Lia nang maglapat ang kanilang mga labi at isang mainit na halik ang kanilang pinagsaluhan. Nasa ganoon silang eksena nang may narinig silang kaluskos mula sa labas ng kanilang tahanan. Kaya agad na naghiwalay ang kanilang mga labi at lumabas sila upang tingnan kung ano ang ingay na kanilang narinig, at nagkataong nakita nila si Alguz na abalang tinatakpan ang butas ng kanilang tirahan. Kung hindi nagkakamali si Lia ito ay tapat ng kanilang palikuran. Nagdesisyon na silang pareho na bumalik sa loob at parehong kapwa walang kibo dahil sa nangyari sa kanilang dalawa kani-kanina lang. "Lia, tungkol sa kanina," basag ni Vladimir sa kanilang katahimikan. Ngumiti si Lia. "Huwag na nating pag-usapan 'yon," mabilis na tugon ni Lia. Maya-maya'y dumating na si Magnus at Helena mula sa kanilang taniman. "Anak, andiyan ka na pala," bungad ni Magnus nang makita ang anak. Napatingin siya sa lalaking kasama ng kanyang anak, at dahil malakas ang pang-amoy ni Magnus ay alam niyang hindi mortal ang kasama ng anak. Biglang naalala ni Magnus ang propesiya, kaya gagawin niya ang lahat mailayo lamang ang anak sa lalaking kasama nito. Magsasalita na sana si Magnus nang biglang magsalita si Helena. "Lia, anak, may bisita ka pala," ani ni Helena habang nakatitig kay Vladimir. "Opo! Nay, Tay, siya po si Vladimir. Iniligtas niy po ako kanina mula kay Greg, nang pagtangkaan akong halayin ni Greg," pagtatapat ni Lia sa kanyang mga magulang. Tumingin si Lia kay Vladimir. "Mga magulang ko nga pala, Vladimir," pagpapakilala niya kay Vladimir sa kanyang ama at ina. "Anak, may nagtangka sa 'yo?!" paniniguro ni Magnus sa kanyang narinig. Mabilis na tumango si Lia. "Opo, Tay, mabuti na nga lamang po...at dumating si Vladimir. Kaya hindi natuloy ang masamang balak sa akin nina Greg," seryosong saad ni Lia. Nang dahil sa nalaman ni Magnus, ay nagbago ang kanyang plano na ilayo si Lia mula kay Vladimir. Dahil malaki ang utang na loob niya sa binata, nang dahil sa pagliligtas nito sa kanyang anak. "Maraming salamat, Vladimir, at 'yong iniligtas ang aking anak," pasasalamat ni Magnus sa binata. "Walang anuman po," mabilis na tugon ni Vladimir. Ngumiti si Magnus kay Vladimir at nakipagkamay siya sa binata. Hindi nga siya nagkakamali sa kanyang hinala. Ramdam niya ang dugong bampira ni Vladimir. Tumingin si Magnus kay Helena. "Irog ko, ang mabuti pa'y maghanda ka na ng ating makakain," utos niya sa kanyang asawa. Tumingin siya kay Magnus. "Ang mabuti pa'y dito ka na maghapunan," panyaya ni Magnus kay Vladimir. "Opo," mabilis na tugon ni Vladimir. Gustuhin man niyang tumanggi sa imbitasyon ng ama ni Lia, ay hindi niya magawa. Dahil para sa kanya ay isang karangalan ang pa-anya-yahan ka ng ama nang nakilala niyang dilag. Pagkalipas ng ilang oras ay masayang naghahapunan ang pamilya ni Magnus, kasama ang bisita ng kanilang anak na si Lia. "Vladimir, bakit ang konti pa nang nababawas sa pagkain mo? Hindi mo ba nagustuhan ang luto namin ni nanay?" puna ni Lia nang mapansin niyang tanging tubig at kaunting karne ng manok ang ginalaw ni Vladimir. "Hindi pa kasi—"? "Kasi ano?" pagputol ni Lia sa sasabihin ni Vladimir. "Hindi pa kasi ako nagugutom." pagdadahilan ni Vladimir. Ngunit ang totoo ay tanging sariwang karne at dugo lamang ang nakasanayan niyang kainin sa mundo ng mga mortal. "Gano'n ba? Sige, h'wag mo na lamang pilitin ang sarili mo," pahayag ni Lia na mababakas ang lungkot sa boses nito, at nagpatuloy na sila sa pagkain. Lumipas ang sandali ay natapos na silang maghapunan. Samantalang sina Magnus at Alguz ay lumabas ng tirahan upang pag-usapan ang mangyayari sa hinaharap. Si Helena naman ay nagligpit ng kanilang pinagkainan at nagtungo na sa kanilang kusina upang mag-impis ng kanyang pinaglutuan. Naiwan ang dalawa sa munting sala na. Kapwa tahimik silang dalawa nang magkasabay silang magsalita. "Vladimir." "Lia." Ngumiti si Vladimir at muling nagsalita. "Sige, mauna ka na." Napakagat-labi naman si Lia ay nakalimutan na ang gustong sabihin. " Nawala na sa isip ko," pagtatapat ni Lia. Si Vladimir naman ay naisipan nang umuwi dahil baka hinahanap na siya ni Wesley. "Lia, magpapaalam na muna ako. Kinakailangan ko nang umuwi," pagpapaalam niya sa dalaga. Mabilis na tumango si Lia bilang pagsang-ayon at tumayo na siya upang ihatid si Vladimir sa pintuan. Samantalang si Vladimir ay may gustong ipahayag kay Lia, dahil kahit kakikilala pa lamang niya sa dalaga ay may nararamdaman na siya para rito. Bago tuluyang lumabas ng tahanan nina Lia si Vladimir, ay kapwa sila nagpapakiramdaman sa gustong sabihin ng bawat isa. Hanggang aksidenteng ang kanilang mga mukha ay naglapat nang pareho nilang tinangkang magsalita. Napapikit si Lia nang muli siyang gawaran ng halik ni Vladimir. Ramdam niya ang init ng halik nito na bumuhay sa kakaibang kuryente sa kanyang katawan. Kasabay nang paghahalikan ng dalawa ay siyang pagpula ng langit at ang mga ibon ay nagsiliparan sa himpapawid na tila may gustong ipahiwatig. Nang dahil sa ingay ng nga ibon ay naghiwalay ang kanilang mga labi, dahil nagtataka sila kung bakit biglang nabulabog ang mga hayop sa paligid. Nagpaalam na si Vladimir nang tumahimik na sa paligid at nawala ang pagpula ng langit. "Salamat, paalis na ako. Magkita na lamang tayo bukas," muling pagpapaalam ni Vladimir kay Lia at tuluyan na nitong nilisan ang tahanan ng mga Aldana. Si Lia naman ay naiwan na nakatulala at hindi makapaniwala sa sariling mabilis siyang nagpaubaya ng halik sa isang bagong kakilala. Aminado siya sa sarili na ngayon lamang siya nakaramdam ng ganito para sa isang lalaki, at sigurado siya na umiibig siya kay Vladimir. Ang lalaking nagpatibok sa kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD