ANG PAGLAKI NG PULANG PANGIL
Mabilis lumipas ang araw at ngayon ay naglalakad na si Edward. Malapit na rin siyang sanayin ni Vladimir para ihanda sa pakikipaglaban sa mga itim na lobo. Kung titingnan mo ay parang walang pinagkaiba si Edward, sa mga ibang batang bampira. Ngunit ang kanyang pangil ang higit na kinatatakutan ng lahat, dahil nanalaytay dito ang pangil ng isang lobo at bampira, na siyang kinatatakutan ng lahat.
“Ama, Ina, bakit bawal po akong lumabas?” tanong ni Edward sa kanyang mga magulang.
Nagtinginan sina Vladimir at Lia, dahil simula nang isilang si Edward ay hindi nila ito inilalabas sa Attic, dahil pinaka-iniingatan nilang may makaalam na si Edward ang pulang pangil, na alam nilang hinahanap ng mga itim na lobo.
Huminga muna nang malalim si Vladimir, bajo sagutin ang anak. “Edward, darating din ang panahon na lalabas ka ng attic na ito. Dahil sa ‘yo nakasalalay ang katahimikan at kapayapaan ng buong Wolverland,” paliwanag ni Vladimir na alam niyang hindi pa mauunawaan ng anak.
Lumungkot ang mukha ni Edward. ‘‘Dahil isa po ba ba akong lobo at bampira ?” tanong ni Edward na ikinagulat ni Vladimir at Lia.
Niyakap ni Lia ang anak. ‘‘Edward, makinig ka sa akin. Hindi ka pangkaraniwang bata, katulad ng iba. Dahil may nakasalalay sa mga kamay mo. Ikaw ang pulang pangil na tagapaglitas ng sangkatauhan. Sa paglaki mo ay mauunawaan mo rin ang sinasabi naming ng ama mo,” paliwanag ni Lia sa anak.
Si Lia ang nalulungkot para sa anak, dahil kinakailangan na itago ito at hindi makihalubilo sa lahat. Dahil sinisigurado lamang namin ang kaligtasan ni Edward, mula sa mga itim na lobo.
“Pero. . . ina, gusto kong maranasan ang ginagawa ng ibang batang bampira. Nakakapaglaro sila sa labas ng palasyo,” malungkot na sambit ni Edward.
Nagkatinginan sina Vladimir at Lia, dahil kapwa sila naaawa sa kanilang anak. Ni hindi na nila alam kung paano papaliwanagan ang anak.
Hinawakan ni Vladimir si Edward sa mga balikat nito. “Edward, anak, huwag ka ng malungkot. Dahil darating din ang araw na makakalabas ka sa attic na ito. Sa ngayon, mag-isa ka lamang dito at walang kalaro. Pero darating ang araw, na magkakaroon ka rin ng kapatid, na siyang magiging kalaro mo dito,” seryosong sabi ni Vladimir na narinig naman ni Lia.
Magsasalita sana si Lia nang biglang magsalita si Edward. “Ama, paano naman ako magkakaroon ng kapatid” malungkot na tanong ni Edward sa kanyang ama.
Ngumiti si Vladimir at tumingin kay Lia. “Basta, kami lang ng ina mo ang nakakaalam,” sabi niya sa anak habang ang mga mata ay kay Lia nakatingin.
Napailing si Lia dahil sa mga sinasabi ni Vladimir sa kanilang anak. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa sa mga pinagsasabi nito o mainis. Dahil ang kanilang anak ay matanong sa lahat ng bagay.
“Anak,” tawag ni Lia sa anak.
Tumingin si Edward sa kanyang inang si Lia. ‘‘Bakit po ina?’’ tanong niya.
Ngumiti si Lia. ‘‘Ang mabuti pa’y matulog ka na nang mabilis kang lumaki,’’ sabi ni Lia at binuksan niya ang ataul kung saan matutulog si Edward nang matagal. At sa muling paggising nito ay isa na siyang ganap na binata na may kakayahang ipagtanggol ang kanyang sarili sa mga magtatangka sa kanyang buhay.
Mabilis na sumunod si Edward sa sinabi ng kanyang ina. Dahil gusto na rin niyang lumaki at makalabas ng attic. Bago humiga si Edward sa ataul na kanyang tulugan ay humalik muna siya sa kanyang mga magulang, at pagkatapos ay humiga na siya.
“Anak, maligayang paghimlay,” sabi ni Vladimir sa anak at pagkatapos ay hinaplos niya ang noo ng kanyang anak, pababa sa mga mat anito. Hanggang sa tuluyan na itong nakatulog.
Nang mahimbing nang natutulog si Edward ay isinarado na ni Vladimir ang nasabing ataul ni Edward. Pagkatapos ay niyakap niya si Lia nang mahigpit.
“Mahal ko, kinakailangan na nating bigyan ng munting kapatid si Edward,” sabi ni Vladimir habang ang mga kamay ay naglalakbay sa katawan ni Lia.
Ngumiti si Lia. “Gusto mo lamang makaisa. Kaya pati sa anak mo, kung ano-ano ang sinasabi mo,” pilyang sabi ni Lia.
Napailing si Vladimir dahil sa sinabi ni Lia. Kaya lang naman niya nasabi ang mga bagay na ‘yon sa kanilang anak na si Edward, dahil hindi niya alam kung an opa ang ipapaliwanag niya dito.
‘‘Sinabi ko lamang ‘yon, para hindi na siya magtanong,” paliwanag ni Vladimir sa kanyang pinakamamahal na asawa.
Tumango si Lia bilang tugon kay Vladimir.
Habang magkayakap ang mag-asawa ay nagkatitigan sila.
“Mahal na mahal kita, Lia, nagpapasalamat ako at nakilala kita,” seryosong pahayag ni Vladimir sa asawa.
“Mahal na mahal din kita, Vladimir. At nagpapasalamat din ako, dahil dumating ka sa buhay ko.” Ngumiti si Lia. ‘‘Ikaw lamang ang lalaking nagpatibok ng puso ko. At pinag-alayan ng aking sarili,” pagtatapat ni Lia.
Tumango si Vladimir at hinawakan niya ang baba ni Lia. “Alam ko naman ‘yon. Dahil malinis ka nang makuha ko,’’ sabi ni Vladimir at siniil na niya nang halik ang asawa.
Ramdam na ramdam ni Lia ang pagmamahal ni Vladimir sa mga halik nito sa kanya. Tinugon niya nang may pagmamahal ang mga halik ni Vladimir at ikinawit niya ang kanyang braso sa batok ni Vladimir.
Matagal silang naghahalikan nang ang mga kamay ni Vladimir ay nagsimula nang maglakbay sa katawan ni Lia, na nagpainit sa nararamdaman ni Lia. Naglakbay ang mga labi ni Vladimir sa leeg ni Lia kasabay nang paghaplos niya sa maselang bahagi ng katawan ni Lia.
Napakapit nang mahigpit si Lia sa batok ni Vladimir nang bumaba ang labi nito sa kanyang malulusog na dibdib kasabay nang pagpasok ng daliri nito sa loob ng kanyang hiyas.
‘‘Oooh,’’ ungol na pinakawalan ni Lia nang maramdaman niya ang paggalaw ng daliri ni Vladimir sa kanyang kaloob-looban.
Hindi nagtagal ay nagsawa na si Vladimir sa kanyang ginagawa kaya inihiga niya si Lia sa ibabaw ng ataul ni Edward, pagkatapos ay nagp’westo na siya sa ibabaw ni Lia at nagsimula nang pasukin ang p********e nito. Ramdam niya ang pagbaon ng kuko nito sa kanyang batok nang ibaon niya ng sagad ang kanyang sandata sa loob nito.
‘‘Oooh,’’ muling ungol ni Lia nang magsimula na siyang tumulos.
Habang tumutulos si Vladimir ay walang laman ang kanyang isip, kung ‘di ang muling bigyan ng anak si Lia, kaya pagkataps nito ay sisiguraduhin niyang mabubuntis si Lia.
Para kay Lia, ay walang pagsidlan ang kanyang kaligayahang nararamdaman ngayon, dahil pinaparamdam sa kanya ni Vladimir ang pagmamahal nito para sa kanya. Sa tuwing nagniniig sila ay hindi siya tumtanggi sa asawa, dahil gusto niyang suklian ang kanyang asawa ang pagmamahal nito.
‘‘Oooh. . .’’
‘‘Ooo. . .’’ sabay nilang ungol nang marating nila ang sukdulan.
Isang mainit na gabi na naman ang pinagsaluhan nina Vladimir at Lia.
SA KAHARIAN NG CALDONIA
Sa kaharian naman ng Caldonia, kung saan mas pinili ni Wesley na manirahan kaisa sa kaharian ng Alcona, ay lumalaki na rin ang mga supling nina Wesley at Alendra, na pinangalanan nilang Khalil at Belle.
Si Belle ang anak na babae ni Wesley, na habang lumalaki ay makikita mo na ang kagandahang taglay nito. At maraming kabataang itim na lobo ang humahanga dito. Ngunit walang makapangahas na lapitan ito, dahil sa takot kay Wesley. Samantalang si Khalil ay lumalaki na kamukha ni Wesley at katulad niya ay kinatatakutan ito ng mga kabataang lobo, dahil sa katapangan nito.
Samantalang walang kaalam-alam si Wesley na pinagmamatiyagan sila ni Azul at Nakita nito ang paglaki ni Belle. Kaya labis itong humahanga sa kaniyang anak na si Belle at pinagnanasaan na makuha.
Habang nakakubli si Azul sa malaking puno at tahimik na tinatanaw si Belle ay nakaramdam siya ng labis na pangungulila para sa sarili. Gustong-gusto na niyang makuha si Belle dahil nasa hustong gulang na ito.
“Akin ka lang, Belle, walang ibang makakakuha sa ‘yo. Kung ‘di ako lang,” bulong ni Azul sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang paliligo ni Belle sa ilog kasama ang mga magulang at kapatid.
Masayang naliligo ang buong pamilya ni Wesley nang may maramdaman si Wesley na parang may nagmamasid sa kanila.
“Belle, lumapit ka sa akin,’’ tawag ni Wesley sa anak.
Lumapit si Belle kay Wesley. ‘‘Ama, bakit po?’’ tanong niya sa kanyang ama.
“Dito ka lamang sa kalapit namin. Masama ang pakiramdam ko.’’ Inilibot ni Wesley ang kanyang mga mata. ‘‘Malakas ang kutob ko, may nagmamasid sa atin,’’ paliwanag ni Wesley.
Nakaramdam ng takot ang mag-inang alendra at Belle.
“Wesley, ang Mabuti pa siguro ay umuwi na tayo,” sabi ni Alendra.
Tumango si Wesley bilang pagsang-ayon, dahil iba talaga ang pakiramdam niya sa paligid.
SA KAHARIAN NG TRANAVANA
Dumating na ang pinakahinihintay ng lahat, ang muling paggising ni Edward.
Binuksan ni Vladimir ang ataul kung saan mahimbing na natulog si Edward. Ngumiti si Vladimir nang makita ang anak na isa nang ganap na binata.
“Maligayang paggising, anak,” masayang sambit ni Vladimir nang iminulat ni Edward ang kanyang mga mata.
“Ama,” bati ni Edward kay Vladimir at tumayo na siya mula sa kanyang pagkakahimlay.
Labis ang kaligayahan nina Leandro at Haring Magnus nang makitang ganap ng binate si Edward.
“Dumating na ang takdang panahon,” makapangyarihang pahayag ni Haring Magnus.
Ngayong Malaki na si Edward ay ipapakilala na siya ni Leandro sa lahat ng nasasakupan niya.
“Ipatawag ang lahat. Magkakaroon tayo ng pagtitipon,” sabi ni Leandro habang nakatitig kay Edward.
Masayang lumapit si Lia sa kanyang mag-ama at niyakap ang anak. ‘‘Edward, maligayang paggising,’’ pagbati niya.
Kumalas mula sa pagkakayakap sa ina si Edward at tiningnan ito. ‘‘Ina, p’wede na ba akong lumabas dito sa attic?” tanong ni Edward.
Masayang tumango si Lia. “Oo, anak, dahil isa ka nang ganap na binata,” mabilis na tugon ni Lia sa anak.
“Anak, ipapakilala ka na rin sa lahat ng mga naninirahan dito sa Tranavana,” singit naman ni Vladimir at niyakap ang anak.
Habang magkayakap ang mag-ama ay ngumiti si Lia, dahil walang pinagkaiba ng hitsura ang kanyang mag-ama. Parehong-pareho ang mukha ng mga ito pati hubo ng katawan.
Nang maghiwalay ng pagkakayakap sina Vladimir at Edward ay nahagilap niya ang maumbok na tiyan ng kanyang ina.
“Ina, magkakaroon na ba ako ng kapatid?” tanong niya nang maalala niya ang sinabi sa kanya ng kanyang ama, bago siya mahimlay sa pagtulog.
Ngumiti si Lia. “Oo, anak, magkakaroon ka na ng kapatid,” mabils na tugon ni Lia sa kanyang anak.
Si Lia ay nabuntis nang matulog si Edward, at sa darating na kabilugan ay isisilang na ni Lia ang pangalawang supling nila ni Vladimir.