CHAPTER 14 (ANG MULING PAGKIKITA)

1300 Words
ANG MULING PAGKIKITA NINA HARING MAGNUS AT LUCAS Pagkatapos lisanin ni Lucas ang Lunaria, na tanging ang anak niyang si Alendra ang nakakaalam sa kanyang pag-alis ay nakarating na rin siya ng Tranavana. Alam niyang possible siyang mapahamak sa kanyang gagawin na pagpasok sa teritoryo ng mga bampira, na naging mortal nang kaaway ng mga lobo, dahil sa pagpaslang ni Azul sa anak ni Leandro, ang pinuno ng mga bampira. Buong tapang na pinasok ni Lucas ang malaking gate na pinaka-hangganan ng Lunaria at Tranavana. Habang naglalakad si Lucas ay biglang lumabas ang maraming paniki at sinugod siya. Hanggang ang isang paniki ay nagbago ng anyo at naging tao. “Anong ginagawa mo dito sa Tranavana?” tanong ni Zeus ang magiting na mandirigma ni Leandro. “Ipagpaumanhin ninyo ang mapangahas kong pagpasok sa inyong teritoryo. Nagbabakasakali lamang ako na matagpuan dito si Haring Magnus.” pagtatapat ni Lucas. Naalalang bigla ni Zeus ang mga kasama ni Vladimir nang dumating ito. Malamang isa sa kanila ang tinutukoy ng lobong kaharap niya ngayon. Tumango si Zeus. ‘‘Nagsasabi ka ba ng totoo?” paniniguro niya sa mapangahas na lobong pumasok sa teritoryo ng Tranavana. “Oo, nagsasabi ako ng totoo. Hinahanap ko rin siya, upang ipagbigay alam ang kaguluhan sa Lunaria,” mabilis na tugon ni Lucas kay Zeus. Tinitinigan ni Zeus ang mga mata ni Lucas at binasa niya sa mga mata nito, kung nagsasabi ba ng totoo o hindi. At dahil nakita niya ang katapatan sa mga mata nito ay siya na mismo ang nagdala kay Lucas, kung nasaan si Haring Magnus. ** ** Habang tahimik na nag-uusap sina Leandro at Haring Magnus, ay dumating si Zeus na may kasama. Labis ang pagkagulat ni Haring Magnus nang makilala niya, kung sino ang kasama ni Zeus. Hindi siya p’wedeng magkamali. Kahit matagal siyang Nawala sa Wolverland ay hindi niya makakalimutan ang tapat na kanang kamay ng kanyang ama na si Haring Rakesh. “Zeus, sino ‘yang kasama mo?” pormal na tanong ni Leandro nang tuluyang makalapit sa kanila sina Zeus at Lucas. Tumungo si Zeus bilang paggalang sa kanyang pinuno. Pagkatapos ay tumingin siya dito upang sagutin ang tanong sa kanya. “Pinunong Leandro, nakita ko ang lobong ito na pumasok sa ating teritoryo. Nang dakipin ko siya’y sinabi niya sa akin na hinahanap niya ang kanilang Haring Magnus. Kaya dinala ko siya rito, dahil baka isa sa mga kasama ni Vladimir ay ang tinutukoy niya,” mahabang paliwanag ni Zeus.  Magsasalita pa sana si Leandro nang magsalita si Haring Magnus. “Leandro, kilala ko siya. Siya ang kanang kamay ng aking namayapang ama,” pagtatapat ni Haring Magnus. Mabilis na tumango si Leandro kay Haring Magnus at muling tumingin kay Lucas. “Bakit mo hinahanap si Haring Magnus?” diretsong tanong ni Leandro. Tumungo si Lucas bilang paggalang. ‘‘Hasila, Pinunong Leandro, Haring Magnus,” pagbati ni Lucas. “Ipagpaumanhin ninyo ang pagiging mapangahas kong pumasok sa inyong teritoryo. Ginawa ko lamang ‘yon, dahil nagbabakasakali akong makita si Haring Magnus,” diretsong sagot ni Lucas. “Bakit mo siya hinahanap? Anong kailangan mo sa kanya?” muling tanong ni Pinunong Leandro. Huminga muna nang malalim si Lucas, bajo sagutin ang mga tanong sa kanya ni Leandro. “Hinahanap ko siya, upang ipagbigay alam sa kanya na kinakailangan siya ng kanyang nasasakupan. Dahil simula ng si Haring Agorn, ang mamuno sa Alcona at buong Lunaria, ay naging magulo dto. Nawala ang kapayaan sa Alcona at ginawa nilang alipina ang lahat ng kababaihan ng mga putting lobo,” pagtatapat ni Lucas na gumambala sa kaisipan ni Haring Magnus, dahil hindi niya ianaasahan na malaki na pala ang pinagbago ng Lunaria. Natahimik si Leandro sa kanyang narinig. Hindi niya sukat akalain na totoo pala ang kanyang naririnig tungkol sa kasamaan ni Agorn. Samantalang si Haring Magnus ay biglang nakaramdam ng awa para sa kanyang mga nasasakupan. Hindi siya makapaniwala na magagawa ito ni Agorn sa mga kababaihan ng mg puting lobo. Nagtagis ang mga panga ni Haring Magnus, kasabay ng pagkuyom ng kanyang kamao. ‘‘Babawiin ko ang Alcona! At ibabalik ko ang kapayapaan ng buong Lunaria!” makapangyarihang pahayag ni Haring Magnus. Pagkatapos magsalita ni Haring Magnus ay biglang nagsalita si Pagudpot. “Haring Magnus, magagawa mo lamang ‘yan, pagdating ng takdang panahon. Ang pulang pangil ang sinasabi sa propesiya na maghahari sa buong Wolverland at magbabalik ng katiwasayan at kapayapaan.” Pumikit si Pagudpot. “Ngunit nakikita ko, na may isinilang na puting lobo na may dugong itim na lobo ang bibihag sa puso ng pulang pangil. At ang kambal nito ang magiging hadlang sa hangarin ng pulang pangil,” mahabang litanya ni Pagudpot, siya ang mata ng Wolverland na may kakayahang makita ang magaganap sa hinaharap. Nang dahil sa sinabi ni Pagudpot ay nagkaroon nang pagkadismaya si Haring Magnus na mabawi ang Alcona mula kay Agorn. Ngunit hindi ito magiging hadlang upang bawiin niya, ang kanyang trono. “Pagudpot, sino ang kambal?” seryosong tanong ni Haring Magnus. Umiling si Pagudpot. “Hindi pa malinaw sa aking balintataw,” mabilis na tugon ni Pagudpot, ngunit ang totoo ay nakita niya na ito ay supling nina Wesley at ALendra, ang anak ni Lucas. Pinili niyang ilihim ang kanyang Nakita, upang hindi paghinalaan o pag-isipan si Lucas. Dahil nakikita naman niya kay Lucas na tapat itong kapanalig ni Haring Magnus. ** ** Habang abala sina Leandro at Haring Magnus sa kanilang pagpaplano ay abala naman sina Lia at Vladimir sa pag-aalaga sa kanilang munting supling. Habang tumatagal ay nasasanay na rin si Lia sa buhay niya sa Wolverland, na malayo sa buhay niyang kinagisnan sa mundo ng mga tao. Nasasanay na rin siya sa pagiging taong lobo niya. Ngumiti si Lia habang pinagmamasdan ang kanilang anak ni Vladimir. Dahil habang lumilipas ang araw ay nakikitaan na niya ito ng malaking pagbabago. Mabilis din ang paglaki nito sa bawat araw na dumadaan, at ngayon nga ay unti-unti nang gumagapang si Edward. Napakalaki talaga nang pinagkaiba ng mundong kinamulatan niya, kaisa dito sa Wolverland, kung saan siya nararapat. Lumapit si Vladimir kay Lia na hindi nito namamalayan. Niyakap ni Vladimir si Lia. “Mahal ko, mukang ang saya-saya mo,” bulong niya kay Lia, habang ang mga kamay niya ay naglalakbay sa ibaba ng tiyan nito, na halos ikapanigas ni Lia, dahil sa kuryenteng dulot nito sa kanyang katawan. Hinawakan ni Lia ang pisngi ni Vladimir. “Masaya lamang ako. Kasi ang bilis-bilis lumaki ni Edward,’’ paliwanag niya. Ngumiti si Vladimir. ‘‘Dahil magkaiba ang bilang ng araw dito at sa mundo ng mga tao. Ang isang araw dito ay isang bwan para sa mga tao,” paliwanag ni Vladimir at nagsimula na siyang halikan ang balikat ni Lia. Napapikit si Lia at napahawak nang mahigpit kay Vladimir nang maramdaman niya ang pagbaba ng kamay ni Vladimir sa pag-itan ng kanyang mga hita.  “Vladimir, baka magising si Edward,” pilit na sambit ni Lia nang maramdaman niya ang kamay ni Vladimir na unti-unting pumapasok sa kanyang kweba. “Hindi siya magigising,” bulong ni Vladimir kay Lia at siniil na niya ito nang halik, upang hindi lumikha ng ingay nang dahil sa ginagawa niyang paglalaro sa p********e nito. Samantalang wala nang nagawa si Lia kung ‘di ang magpaubaya sa asawa. Humarap siya kay Vladimir at pasaklang na kumalong dito, upang maging malaya na ang sandata nito na pasukin ang p********e niya. Isinadal ni Vladimir si Lia sa pader at tuluyang inangkin ito. Naging parte na yata ng kanyang araw ang makipagniig sa kanyang asawa. Dahil sino ba naman ang hindi makakatiis sa katulad niyang maganda at may napakagandang katawan. Lumipas ang sandal ay narrating na rin nila ang sukdulan. At sisiguraduhin niyang muling magbubunga ang kanilang pagniniig.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD