CHAPTER 13 (ANG PAGTINGIN NI WESLEY KAY ALENDRA)

1610 Words
ANG PAGSILANG SA ANAK NI WESLEY Walang kamalay-malay ang mga lobo sa nangyayari sa Tranavana. Ang pagliwanag ng pulang buwan ay palatandaan na isinilang na ang pulang pangil. Wala rin silang kamalay-malay na naikasal na ang tunay na prinsesa ng mga lobo sa isang bampira. ‘‘Howl. . .’’ alulong  ni Agorn na narinig ng lahat.  Tiningnan lahat ni Agorn ang kanyang mga nasasakupan, ngunit napansin niyang wala dito si Lucas, ang dating kanang kamay ni Haring Rakesh. Masama ang kanyang kutob, sa hindi nito pagsipot sa pagpapatawag niya ngayon.  Tumingin nang madilim si Agorn sa anak ni Lucas na si Alendra, ang napiling asawahin ng kanyang anak na si Wesley.  “Nasaan ang iyong ama?!” galit at makapangyarihang tanong ni Agorn.  Napalunok si Alendra at nakaramdam ng takot sa kanyang dibdib nang dahil sa matatalim na titig na ipinupukol sa kanya ni Agorn.  Umiling si Alendra. “Haring Agorn, hindi ko po alam, kung nasaan si ama,” pagtatapat ni Alendra na hindi pinaniwalaan ni Agorn.  “Hasyala!” mura ni Agorn na ang ibig sabihin ay sinungaling.  “Nagsasabi po ako ng totoo,” muling pahayag ni Alendra.  Nagtagis ang mga panga ni Agorn. “Dakpin ang babaeng ‘yan! At dalhin siya sa Lacoon!” makapangyaring utos ni Agorn. Ngumisi si Azul, ang kanang kamay ni Agorn. “Masusunod, Haring Magnus,” pagsunod niya sa ipinag-uutos ni Agorn at mabilis niyang nilapitan si Alendra, ang babaeng puting lobo na matagal na niyang gustong makaniig. Ngunit hindi niya magawa, dahil palaging kasama nito ang kanyang ama, at ngayon naman ay inasawa na siya ni Wesley. Lumapit si Azul kay Alendra at hinawakan ito sa mga braso nang mahigpit. “Maawa ka po sa akin, Haring Agorn, wala po talaga akong alam, kung nasaan ang aking ama,” pagmamakaawa ni Alendra kay Agorn na hindi nito pinansin. Ngumisi si Azul. “Sumama kan a lamang sa akin nang hindi ka masaktan,’’ bulong ni Azul at tangkang hahawakan ang maselang bahagi ng katawan nito nang may humila kay Alendra, mula sa pagkakahawak niya. At nakita niya ang galit na galit na si Wesley. “Subukan mong pagnasaan ang asawa ko! Kung gusto mong makaharap agad ang Bathalang Umra!” galit at makapangyarihang pahayag ni Wesley. Ngumisi si Azul. “Sinusunod ko lamang ang ipinag-uutos ng ‘yong ama. Ang hari ng mga lobo,” mabilis na tugon ni Azul kay Wesley at hinawakan niyang muli sa braso si Alendra. “Bitawan mo ang asawa ko!” angil ni Wesley at isang malakas na suntok ang ibinigay niya kay Azul. Tumingin siya sa kanyang ama. “Pagsabihan mo ang ‘yong tagsunod! Kung ayaw mong ako mismo ang kumuha ng trono mo!” angil ni Wesley sa sariling ama. Nagulat naman si Agorn sa inasal ng sariling anak. Hindi niya akalain na kakalabanin siya nito nang dahil sa isang babae.  Hinawakan ni Wesley sa mga kamay si Alendra at nilisan na nila ang kaharian ng ama. Dahil hindi siya makakapayag na may manakit sa babaeng mahal niya. Malinaw na kay Wesley ang nararamdaman niya para kay Alendra. Hindi pa lamang niya nasasabi kay Alendra, dahil gusto muna niyang makapaghiganti kina Vladimir at Lia. Naglalakad sina Wesley patungong kweba ng Caldonia nang magsalita si Alendra. “Wesley, salamat, at iniligtas mo ako kay Azul.” Tumigil sa paglalakad si Wesley at humarap siya kay Alendra. “Ito ang tandaan mo. Hangga’t nabubuhay ako, walang kung sino man ang makakapanakit sa ‘yo at makakahawak sa ‘yo.” Sabay yakap niya kay Alendra. Hindi pa niya kayang ipagtapat ang kanyang nararamdaman para kay Alendra, dahil masyado pang maagap upang aminin niya ang tunay niyang nararamdaman para dito. Samantalang hindi makapaniwala si Alendra sa mga binitiwang salita ni Wesley sa kanya. sa tuwing tinitigan niya ang mga mata ni Wesley, ay parang may gustong ipahiwatig sa kanya. Ngunit ayaw niyang umasa, na iniibig din siya ni Wesley. Dahil alam niyang may nagugustuhan itong babae  na nagngangalang Lia. Minsan na niyang narinig ang tungkol dito, nang sabihin ni Wesley sa kanyang ama ang tungkol sa dalaga. Kaya ganoon na lamang ang lungkot niya ngayon, dahil alam niyang, bilang isang alipin lamang ang tingin  sa kanya ni Wesley. Kaya nang malaman niyang nagbunga ang kanilang pagniniig, ay lubos ang kaligayahang kanyang naramdaman, dahil may isang buhay ang nabubuhay na ngayon sa kanyang sinapupunan. Aminado si Alendra na mga bata pa lamang sila ay may pagtingin na siya Wesley. Kaya nang bigla siyang hilahin nito, upang angkinin ay hindi na siya tumutol, kahit pa minsan na siyang naging alipin ng ama ni Wesley. Pumayag siyang maging alipin noon ni Agorn, upang iligtas ang kanyang ama sa parusang kamatayan, dahil sa ginawa nitong paghahanap sa tunay na hari ng Lunaria. Ngumiti si Alendra at tinitigan si Wesley. ‘‘Masaya ako. . . dahil ako ang napili mong maging alipin.” At yumakap siya kay Wesley. Tumulo ang mga luha niya nang haplusin ni Wesley ang kanyang likod, dahil naramdaman niya ang pagmamahal ni Wesley sa kanya. Hindi siya maaring magkamali sa ipinaparamdam ng mga haplos nito sa kanya. Maya-maya ay nagkalas sila sa kanilang pagkakayakap at nagpatuloy na sila sa kanilang paglalakbay, patungong Caldonia. Matapos ang mahabang paglalakad ay nakarating na rin sila ng Caldonia. Halos lahat nang naninirahan dito ay mga itim na lobo, dahil dito talaga naninirahan ang mga itim na lobong, katulad ni Wesley.  “Prinsipe Wesley, maligayang pagbabalik, dito sa Caldonia, ‘’ bati ng isang itim na lobo na sumalubong sa dalawa ni Alendra. Tumango si Wesley. “Maraming salamat. Gusto ko sanang ipakilala sa inyong lahat ang. . .” hindi agad naituloy ni Wesley ang kanyang sasabihin. Dahil nag-iisip pa siya kung paano ipapakilala si Alendra. Huminga muna nang malalim si Wesley at muling nagsalita. “Gusto kong ipakilala sa inyong lahat ang aking kabiyak, si Alendra. Kaya, walang kung sino man sa inyo ang magtatangkang hawakan siya,” makapangyarihang sabi ni Wesley. Tumango aang mag lobong nakarinig sa kanya. At nagdesisyon na si Wesley na pumasok sa dati niyang silid sa dito sa kaharian ng Caldonia. Tahimik na umupo si Alendra sa munting upuan habang haplos-haplos niya ang kanyang maumbok na tiyan. Malapit na siyang magsilang sa kanilang supling ni Wesley. Sa darating na kabilugan ng buwan ang nakatakdang paglabas ng kanyang anak, mula sa kanyang sinapupunan. Nagulat si Alendra nang biglang gumalaw ang kanilang supling sa kanyang sinapupunan. Ngumti siya at tumingin sa lalaking mahal niya. ‘‘Wesley, gumalaw siya,” masayang pagbabalita niya kay Wesley. Mabilis na lumapit si Wesley kay Alendra at pinakinggan ang tiyan nito. Labis na nagagalak si Wesley nang marinig niya ang pagsipa ng kanyang anak, sa loob ng sinapupunan ni Alendra. Hinaplos ni Wesley ang maumbok na tiyan ni Alendra at kinausap ito. “Anak, hihintayin ko ang ‘yong paglabas,” masayang wika ni Vladimir habang hinahaplos ang tiyan ni Alendra. Maya-maya ay tumayo si Wesley at niyakap niya si Alendra mula sa likuran nito.  “May naisip ka na bang itatawag sa ating anak?” tanong ni Wesley. Mabilis na tumango si Alendra. “Oo, may naisip na ako, kung maging lalaki siya, tatawagin  siyang Khalil. At kung maging babae, siya ay tatawagin itong Belle,” diretsong tugon ni Alendra. Ngumiti si Wesley, dahil nagustuhan niya ang mga pangalang sinabi ni Alendra.  “Napakagandang pangalan,” wika ni Wesley habang hinahaplos niya ang maumbok na tiyan ni Alendra. ANG PAGSAPIT NANG KABILUGAN NG BUWAN Mabilis lumipas ang mga araw, at ngayon na ang pinakahinihintay nina Wesley at Alendra. Ang oras nang pagsilang ni Alendra sa kanilang supling. “Nakahanda ka na ba?” tanong ni Wesley kay Alendra. Ngumiti at tumango si Alendra. “Oo, nakahanda na ako,” mabilis niyang tugon  kay Vladimir, at pagkatapos ay humiga na siya sa kanilang higaan. Nang nakahiga na si Alendra sa kama ay mabilis na pum’westo si Wesley sa ibabaw ni Alendra, upang angkinin. Pinaniniwalaan nilang mga lobo, na mas mapapadali ang pag-anak, kapag ito ay inangkin muna bago magsilang. Pinaghiwalay ni Alendra ang kanyang mga hita, upang malayang makapasok ang sandata ni Wesley sa kanya. Napapikit si Alendra nang maramdaman niya ang pagpasok at pagbaon ng sandata ni Wesley. Pagkatapos ay nagsimula nang gumalaw sa ibabaw niya si Wesley.  “Oooh. . .”  “Oooh. . .” mga ungol na lumabas sa kanya nang mabilis nang tumutulos si Wesley sa ibabaw niya. Habang tumutulos si Wesley ay hindi niya napigilan ang sariling magsalita. “Mahal kita, Alendra,” mga katagang lumabas sa labi ni Wesley na nagpaluha kay Alendra. “Mahal din kita, Wesley,” mabilis na tugon ni Alendra at yumakap siya nang mahigpit kay Wesley, kasabay nang paghilab ng kanyang tiyan. “Howl!” “Howl!” sunod-sunod na alulong ni Alendra, dahilan upang biglang hugutin ni Wesley ang kanyang sandata, mula sa loob ng p********e. At kasunod nito ay ang pagputok nang panubigan ni Alendra. “Howl!” muling alulong ni Alendra kasabay nang paglabas ng kanilang supling ni Wesley. Kalalabas pa lamang ng kanilang supling nang maramdaman ni Alendra na muling humilab ang kanyang tiyan, kasunod ay paglabas ng pangalawang supling nila ni Wesley. Mabilis na lumapit si Wesley kay Alendra at niyakap ito. ‘‘Dalawa ang isinilang mo,’’ masayang sabi ni Wesley. Tumango si Alendra at dinampot niya ang kanilang anak na isang babae at isang lalaki. Hindi makapaniwala na dalawa ang isinilang niya. Nalandas naman ang kanyang mga luha nang maalala ang sariling ama, na ngayon ay naglalakbay patungong Tranavana. Kung saan ay hahanapin nito si haring Magnus.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD