CHAPTER 12 (ANG RITWAL)

1941 Words
ANG PAG-IISANG DIBDIB NINA LIA AT VLADIMR Naisilang na ni Lia ang kanilang supling ni Vladimir, at ito ay isang malusog at napakag’wapong sanggol. “Ngayong nakapagsilang na si Lia, sa kanilang anak ni Vladimir. Siguro ay dapat na silang maikasal sa ritwal ng mga vampira,” mungkahi ni Leandro habang masayang pinagmamasdan ang kanyang apo.  ‘‘Sumasang-ayon ako sa ‘yo, Leandro, at kailangan din nilang maikasal sa pamamagitan ng ritwal ng mga lobo,’’ pagsang-ayon ni Haring Magnus na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala na apo niya ang pulang pangil na sinasabi ng propesiya na lulupig sa kasamaan ng mga lobo. Kung noong una ay tutol siya sa pulang pangil, p’wes ngayon ay hindi na, dahil nalaman niya ang kasamaan na ginawa ni Agorn sa Lunaria at kung paano nito inalipin ang mga kababaihan ng mga puting lobo. Nalaman din niya ang kasamaan ng mga itim na lobo sa mga vampira. Kung hindi pa sa kanya sinabi ni Leandro ang nangyari sa isa pang anak nito ay hindi siya papaya na ipakasal ang anak kay Vladimir. Ngunit napagtantanto niya na kinakailangan nang magsanib p’wersa ng mga puting lobo at bampira, upang harapin si Agorn na walang ginawa kung ‘di kasamaan.  Tumango si Leandro kay Haring Magnus. “Pumapayag ako, Haring Magnus, para sa pagkakaisa ng mga puting lobo at bampira,’’ mabilis na tugon ni Leandro kay Haring Magnus. Hindi sasayangin ni Leandro ang pagkakataong ito, na maging kasangga ang mga puting lobo, dahil gusto niyang ipaghiganti ang kanyang anak na si Edward, na walang awang nilapa at pinaslang ng mga itim na lobo. At simula ng mangyari ‘yon sa kanuyang anak, ay ipinagbawal na niya sa nasasakupan niya ang lumabas ng Tranavana. Upang hindi na maulit ang malagim na sinapit ng kanyang anak, sa kamay ng mga itim na lobo. Kaya ngayong dumating na ang pulang pangil na pinapaniwalaan nilang mga bampira na sugo ng kanilang panginoon, upang maging tagapagligtas ng Wolverland at buong sangkatauhan. Masayang-masaya naman si Lia, dahil pagkatapos niyang magsilang ay ikakasal naman siya sa pinakamamahal niyang lalaki, walang iba kung ‘di si Vladimir, ang lalaking nagpatibok sa kanyang puso at pinag-alayan ng sarili. Ganoon din ang nararamdaman ni Vladimir, walang pagsidlang kaligayahan ang kanyang nararamdaman sa kanyang puso, dahil nakumpleto na ang kanyang p*********i. Sa dinami-raming babae ang nagkagusto sa kanya, tanging si Lia lamang ang nagpatibok sa kanyang puso at babaeng inangkin namay kasamang pagmamahal.  ‘‘Lia, Vladimir, ano nga pala ang ipapangalan ninyo sa inyong anak?” tanong ni Haring Magnus sa mag-asawa.  Ngumiti si Lia. “Edward po, Tay, isinunod po namin sa pangalan ng nawalang kapatid ni Vladimir,’’ mabilis na tugon ni Lia sa ama na hindi nakaligtas sa pandinig ni Leandro.  Labis ang kaligayahang nararamdaman sa puso ni Leandro nang marinig ang sinabi ni Lia. Muling mabubuhay ang pangalan ng kanyang namayapang anak sa kanyang apo.  “Edward, maligayang pagdating,” wika ni Leandro at kinalong niya ang kanyang apo. Itinaas niya ang kanyang apo. “Si Edward ang ating tagapagligtas,” pahayag ni Leandro at lumuhod naman sinaHaring Magnus bilang paggalang sa sinugo ng kanilang ala upang maging tagpagligtas ng mga puting lobo.  Habang hawak-hawak ni Leandro si Edward ay nagliwanag ang buong katawan nito, na ang ibig sabihin ay binasbasan na ito ng kanilang panginoon at ala ng mga lobo. Nagkatinginan sina Lia at Vladimir, hindi sila makapaniwala na ang anak nila ang magiging pulang pangil. Kung noong una ay inakala ni Vladimir na mortal si Lia ay nakahanda siyang itakwil ang pagiging bampira n’ya para kay Lia. Kaya nang malaman niyang isa itong taong lobo ay labis siyang nagalak. Dahil hindi na niya kinakailang itakwil ang pagiging bampira niya. At hindi rin siya makapaniwala na sila pala ang sinasabi sa propesiya. Samantalang si Lia ay hindi makapaniwala na sa isang bampira siya umibig. Ngayon na lamang niya napagtanto, kung bakit nagawang pumasok ni Vladimir sa kanyang silid noon, na hindi niya namamalayan, dahil may kakayahan si Vladimir na magpalit ng anyo, bilang isang paniki. Maya-maya ay iniwan muna sila ng kani-kanilang magulang. Ngumiti si Vladimir at niyakap niya si Lia. ‘‘Mahal ko, salamat at dumating ka sa buhay ko,’’ masayang pahayag ni Vladimir, habang nakayakap kay Lia. ‘‘Ako ang kailangang magpasalamat sa ‘yo. Dahil ilang beses mo na akong iniligtas sa mga taong gustong magtangka sa akin,’’ tugon ni Lia kay Vladimir.  Yumakap si Lia nang mahigpit kay Vladimir, nang maalala niya ang ginawa sa kanya ni Wesley. Hindi siya makapaniwala na pati si Wesley ay pagtatangkaan siya. Natakot na siya kay Wesley nang tangkain nito sa ilog na pasukin ang p********e niya. Mabuti na lamang at nakinig agad sa kanya si Vladimir noon, nang ayain na niya itong umuwi. Kaya naman nang sunduin siya ni Wesley sa pinapasukan niya, ay nakaramdam na siya ng takot. At hindi nga siya nagkamali ng hinala, tinangka siyang pagsamantalahan ni Wesley, na naging dahilan upang malaman niya ang katotohanan, tungkol sa pagkatao niya. ‘‘Lia, hangga’t nabubuhay ako, ipagtatanggol kita. Nakahanda akong makipagpatayan, sa kung sino man ang gustong magtangka sa ‘yo,” pahayag ni Vladimir.  Alam ni Vladimir, na kahit magkasama na silang dalawa ni Lia ay gagawin pa rin ni Wesley ang balak nito. Ganoon niya kakilala ang kaibigan, na kapag may ginusto ay hindi ito natigil hangga’t hindi niya nakukuha. Ngunit hindi niya hahayan na may mangyaring masama kay Lia. “Salamat, mahal ko,” matipid na tugon ni Lia. Hinaplos ni Vladimir ang malambot at mapupulang labi ni Lia. ‘‘Mahal na mahal kita, Lia,” pahayag ni Vladimir. “Mahal na mahal din kita, Vladimir,” tugon ni Lia at pagkatapos ay siniil siya ng halik ni Vladimir sa kanyang labi. Tinugon ni Lia nang may pagmamahal ang mga halik ni Vladimir. Naghiwalay ang kanilang mga labi nang marinig nila ang iyak ng kanilang anak na si Edward. Naramdaman ni Lia na biglang tumulo ang gatas mula sa kanyang dibdib, dahilan upang malaman niya nagugutom na ang kanilang anak. Mabilis niyang kinuha ang anak at pinadede niya ito mula sa kanyang dibdib. Habang pinagmamasdan ni Vladimir ang kanyang mag-ina, ay nagsalita siya. “Mahal ko, napakagandang bata ng anak natin,” puri ni niya sa kanilang anak. Ngumiti si Lia. ‘‘Nagmana sa ‘yo ang anak natin,” mabilis na tugon ni Lia kay Vladimir at nagpatuloy na siya sa pagpapadede sa anak. Hindi nagtagal ay nakatulog na rin si Edward. Dahan-dahan itong inihiga ni Li asa kanilang higaan at pagkatapos ay muling nilapitan si Vladimir. “Mahal ko,” pagkuha niya sa atensyon ni Vladimir, dahil abala itong nagmamasid sa buong paligid. “Mahal ko,” sambit naman ni Vladimir nang lumapit sa kanya si Lia.  Ngumiti si Lia.  ‘‘Nakatulog na si Edward,’’ wika niya at humilig siya sa balikat ni Vladimir.  Hinaplos ni Vladimir ang mga balikat ni Lia. “Bakit hindi kana lamang nagpahinga sa katabi ni Edward?’’ tanong niya.  Narinig niya ang paghinga ni Lia bago magsalita. ‘‘Gusto kong katabi kita,” paglalambing ni Lia sa kanya.  Tumango si Vladimir at mabilis na kinalong si Lia, upang dalhin sa kanilang higaan.  Habang kalong-kalong siya ni Vladimir ay humilig siya sa matitipunong balikat ni Vladimir. Dahil naalala niya ang mainit na gabi na kanilang pinagsaluhan. Buong pagbubuntis niya ay hindi sila nagtalik ni Vladimir. Kaya ganoon na lamang ang pagkasabik niya kay Vladimir. Kung sa normal na tao ay buwan ang bibilangin pagkapos manganak, bago muling makipagtalik. Sa kanilang mga lobo ay araw lamang ang bibilangin, upang muling makapagtalik. Ngunit para kay Lia, si Vladimir ang kailangan niya, upang tuluyang manumbalik ang kanyang lakas.  Dahan-dahang inihiga ni Vladimir si Lia sa higaan. Nagulat siya nang biglang ipulupot nito ang ang mga braso sa kanyang balikat.  “Mahal ko, kailangan kita,” daing nito at pinaghahalikan siya sa kanyang leeg, dahilan upang magising ang init ng kanyang katawan.  Napailing si Vladimir, dahil kakapanganak pa lamang ni Lia. Kaya kinakailangan pa nito ang magpahinga.  “Mahal ko, kailangan mo pang magpalakas,” bulong niya kay Lia.  Umiling si Lia. “Ikaw ang kailangan ko, mahal ko. Nasasabik na ako sa ‘yo,” pagtatapat ni Lia at nagpatuloy ito sa ginagawang paghalik kay Vladimir.  Napapikit si Vladimir nang bumaba ang mga labi ni Lia patungo sa kanyang dibdib, dahilan upang maglakbay na rin ang kanyang mga kamay sa makinis at magandang hubog ng katawan nito. Hanggang sa tuluyan niyang angkinin ang p********e nito. “Howl,” alulong ni Lia nang maramdaman niya ang sakit at hapdi nang pag-angkin sa kanya ni Vladimir. Kaya siguro ganito ang nararamdaman niya, marahil ay katatapos lamang niyang manganak. Napakapit si Lia sa mga balikat ni Vladimir nang binilisan nito ang pagtulos sa kanyang loob.  Habang tumutulos si Vladimir sa loob ng p********e ni Lia, ay nasasanay na naman ang katawan ni Lia. Kung kanina ay nakaramdam siya ng sakit at hapdi, ngayon ay labis na kaligayahan na ang kanyang nararamdaman.  “Oooh,” pag-ungol ni Lia nang isang malalim at malakas na pagtulos ang ginawa ni Vladimir. At kasabay nito ay ang pagpapakawala ni Vladimir ng likido mula sa kanya.  Hindi makapaniwala si Vladimir na si Lia mismo ang mag-aakit sa kanyang magtalik, gayong ilang araw na rin siyang nagtitiis, dahil buntis pa ito.  Dahan-dahan niyang hinugot ang kanyang sandatan sa loob nito, at niyakap niya si Lia, na halatang naibsan na rin ang pagkasabik nito. Ipinikit na nila ang kanilang mga mata upang magpahinga. ** ** Lumipas ang ilang araw ay sisimulan na rin ang ritwal ng kasal nina Vladimir at Lia. “Bago kayo tuluyang mag-isang dibdib ay kinakailangan ninyong dumaan sa ritwal sa pamamagitan ng inyong mga dugo. Kinakailangan na magsanib ang inyong mga dugo, upang kayo ay maging isa,” pahayag ni Leandro habang nakaharap sila sa rebulto o imahe nang sinasamba ng mga bampira. Itinaas ni Leandro ang hawak niyang punyal, na gagamitin sa paghiwa sa may pulsuhan ng dalawa, upang kumuha ng dugo sa dalawa at paghahaluin ito at iinumin ng dalawa, habang ang kanilang mga kamay na may sugat ay pagdidikitin. Upang ang kanilang mga dugo ay magsanib. “Mahal na Panginoong Dracu, basbasan mo po ang punyal na ito bilang sagisag ng pag-iisang dibdib nina Vladimir at Lia,” pagdadasal ni Leandro na naging dahilan upang ang mga paniki sa paligid ay magsiliparan at mag-ingay.  “Ek…ek…ek…” malalakas na huni ng mga paniki. Pagkatapos na madasalan ang punyal na gagamitin kina Vladimir at Lia, ay inilahad na nila ang kanilang mga pulsuhan. Napangiwi silang dalawa nang gitlingan na ang kanilang mga pulsuhan. Pagkatapos ang kanilang dugo ay pinagsama sa isang kopita. Nang maghalo na ang kanilang mga dugo ay muling nagsalita si Leandro. “Pagharapin ninyo ang inyong mga kamay at pagdikitin ang inyong mga sugat,” utos ni Leandro na sinunod nina Vladimir at Lia. “Ngayon naman ay inumin ninyo ang dugong nagmula sa inyo,” nulling pahayag ni Leandro. Habang si Vladimir at diretsong ininom ang kanilang dugo. Si Lia naman ay pikit-matang ininom ang kanilang dugo at naramdaman niya ang pagdaloy ng dugo sa kanyang katawa. Nagkislap ang mga mata ni Lia, palatandaan na ang dugo ni Vladimir ay dumaloy n asa kanyang katawan. Ngumiti si Leandro. “Ngayong nanalaytay na sa inyong mga katawan ang dugo ng bawat-isa, kayo ay pinagtitibay ko na bilang isang mag-asawa,’’ pahayag ni Leandro na pinalakpakan ng lahat.                            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD