MEGUMI felt like a child again. Nakaupo siya sa open hallway na nakaharap sa man-made lake at hilera ng cherry blossoms sa garden nila. Ang huling pagkakataon na nagawa niya iyon ay noong thirteenth birthday niya. Bago sabihin ng mga magulang niya ang katotohanan sa pagkatao niya. Labingtatlong taon na pala ang nakakaraan. Labingtatlong taon mula nang magbago ang normal niyang buhay. "Hi! Pwedeng mang-abala?" sabi ni Paolo. "Hindi ka naman nakakaabala," aniya. Magtatanghalian na noon. Hinihintay lang niya ang tawag sa kanila para mananghalian. "This place is really nice. Napakatahimik." "This is our ancestral house. Built during Tokogawa era around eighteen hundreds. Na-maintain ng pamilya namin. Noong sa Tokyo kami nakatira, dito kami nagbabakasyon. Ngayong semi-retired na si Papa sa

