"WHAT is your job?" tanong ng ama niyang si Kakashi kay Paolo habang nagtsa-tsaa sila. Habang tanghalian ay puro siya ang nangungumusta sa mga ito. Laging ang Mama niyang si Reiko ang sumasagot. Laging walang kibo ang Papa niya. Akala nga niya ay hindi na ito magsasalita. "My family owns a company in the Philippines," sagot ni Paolo. "We manufacture electrical devices, electronic components, telecommunications-related components, and business machine parts and accessories." Banggit nito sa isang kompanya na bahagi lang ng group of companies nito, ang Eduque Industries. "Where did you meet my daughter?" "In an auction, Sir." Tumango si Kakashi at bahagyang ngumiti. Bigla siyang kinabahan sa hindi niya malamang dahilan. Madalang ngumiti ang tatay niya at kadalasan ay negatibo ang ibinaba

