Hindi makapag-relax si Megumi habang naghihintay sa loob ng private office ni Paolo. May breakfast meeting daw ito kaya mag-relax daw muna siya sabi ng sekretarya nito. Hindi niya magawang mag-relax hangga't di niya ito nakakausap. Alas siyete pa lang nang umaga ay sinundo na siya ng chopper ng mga Eduque sa Albay. Paglapag sa helipad ng Eduque Enterprise ay idineretso agad siya sa private office ni Paolo. Lalong tumindi ang inis niya dahil kalahating oras na siyang naghihintay pero wala pa rin ito. Malapit-lapit na siyang mag-walkout nang bumukas ang pinto at pumasok si Paolo. "Thank you for waiting, Megumi." Tumayo siya at walang kangiti-ngiti itong hinarap. "What the hell did you tell my father? Why did he keep on blabbering about our wedding?" "Hiningi ko ang bendisyon ng mga magul

