HUMUGOT ng malalim na hininga si Megumi nang bumaba sa salvage ship pagdaong sa base nila. Maganda ang resulta ng dive nila sa araw na iyon dahil marami silang nasisid na gold at silver Spanish coins pati na rin ibang mamahaling alahas. Pero hindi niya maramdaman ang excitement na nararamdaman niya dati tuwing makakakita siya ng mahahalagang artifacts. Mahigit isang linggo na siyang nakabalik ng Pilipinas. Hindi na siya nagtagal sa Japan sa kabila ng pakiusap ng inang si Reiko dahil sa malamig na trato sa kanya ng amang si Kakashi. Kailangan na niyang tanggapin, maaring itinakwil na siya nito bilang anak dahil wala na siyang natatanggap na tawag mula dito. Kailangan niyang tanggapin. Choice niya iyon kaya dapat niyang pangtawanan. Kinokolekta niya ang mga diving gears niya nang mapatingi

