Hindi maiwasang sulyapan ni Megumi si Paolo habang nagmamaneho ito. Tahimik ito mula nang umalis sila sa party. Siguro dahil iniisip nito si Stacie. Baka nagsisisi na ito sa pag-o-offer sa kanya ng kasal ngayong alam na nitong gusto rin ito ni Stacie. Makikipaghiwalay na ba ito sa kanya at babalik sa babaeng matagal na nitong gusto? Mag-iisa na naman ba siya? "Megumi, what's wrong?" nag-aalala nitong tanong nang mahuli siyang nakatingin dito. "May gusto ka bang sabihin?" Yumuko siya para hindi nito makita ang pangamba sa mga mata niya. "Wala." Napapitlag siya nang hawakan nito ang kamay niya. Nang tumingin siya dito ay nakangiti na ito. "Come on. Spill it. Nag-aalala ka ba sa reaksyon ng mga tao nang malaman nilang ikaw na ang pakakasalan ko?" "Not really," pabulong niyang sagot. "Hind

