DALAWANG oras nang naghihintay sa may dalampasigan si Megumi sa pagdating ni Paolo. Sinabi nito sa kanya na dadalawin siya nito. Pero hanggang ngayon ay hindi pa niya natatanaw ang chopper nito. Samantalang dati ay maaga itong dumadating. "Meg, mag-agahan ka muna," sabi ni Phoenix nang lapitan siya. Araw iyon ng pahinga nila kaya walang nagda-dive sa wrecksite. "Kanina ka pa nalalamigan dito pero walang laman ang sikmura mo kahit kape." Niyakap niya ang sarili para maprotektahan ang sarili sa malamig na hangin. "Worried lang ako kay Paolo. He should be here by now." "Hindi ba may pinuntahan siyang party kagabi? Baka tinanghali siya ng gising. O kaya nagkaroon ng may ni-repair sa helicopter kaya hindi agad siya nakarating. Masyado mong tinatakot ang sarili mo." "Kanina, tinawagan ko pa

