"Megumi, dinalaw ba ako ni Stacie kaninang natutulog ako?" tanong ni Paolo habang inaayos niya ang kumot nito. Nang nagkamalay ulit ito ay siya na lang ang nagbabantay dito. Kinailangang bumalik ni Felipe sa mansion ng mga Eduque. Magpapadala daw ito ng katulong na makakasama niya sa pagbabantay kay Paolo. "O-Oo," napipilitan niyang sagot. Kung may isang paksa siyang ayaw nang pag-usapan, iyon ay tungkol kay Stacie. Sumasama lang ang loob niya. "Ihahatid ko lang siya sa bahay nila. Lasing na lasing na kasi siya. Pero hindi ako uminom. Dahil dapat pupuntahan kita Albay, hindi ba? Ayokong ma-late sa usapan natin. Kaso naaksidente kami. Pero hindi namin kasalanan." "Hindi mo kasalanan ang nangyari." "Hindi ka nagagalit dahil magkasama kami?" tanong nito. Umiling siya. "You just did the r

