"ANONG sinasabi mo na hindi tayo ang nanalo sa bidding ng Transcorp?" tanong ni Gianpaolo sa nanginginig na boses. Naging napakaliit ng silid na iyon sa kanila ng tauhan niyang si Mauricio na nag-represent sa kanya sa isang malaking bidding. Hindi iyon ang inaasahan niyang makukuhang balita para sa araw na iyon. Napayuko si Mauricio. "I'm sorry, Sir." "I don't need your sorry. What I need is a damn good explanation! Anong problema? We had everything set up. Naplano natin nang maayos ang lahat. Na kahit mas mataas ang presyo natin, maipapanalo pa rin natin ang bidding. Pagkatapos, isang baguhang kompanya lang ang tatalo sa atin," ngitngit niya. They had been playing in the field for years. Lahat ng bidding na pasukan nila, lagi silang nananalo. Hindi siya makapaniwala na tatalunin sila n

