Sari-saring emosyon ang naglaro sa mukha ni Paolo habang nakatitig kay Megumi. Sa huli ay bigla itong humagalpak nang tawa. "You really amaze me, Megumi. Kaya ka nag-walkout sa auction kagabi dahil sa kuwintas. Galit ka sa akin dahil ako ang nanalo sa bidding." "You were so insensitive," aniya nang kumawala ang pagiging mahinahon. "You didn't even consider that I also want that necklace." "It was a bidding. Sabi ng auction master, huwag kong pansinin ang ibang tao at I-bid ko ang bagay na gusto ko. You told me that I should bid whatever I fancy. Nagkataon lang na nagustuhan ko ang Jewel of the Dragon's Neck. I have the money so I bid for it. Is that a crime? Ni hindi ko nga alam nagbi-bid ka rin." Bahagya siyang napahiya sa sinabi nito. Pakiramdam kasi niya ay pinersonal siya nito at hi

