MEGUMI'S eyes focused on Gianpaolo's masculine form when she entered the room. Nakatalikod ito sa kanya habang nakaharap sa glass window ng opisina nito. "I hope you'll get home soon, honey," malambing nitong sabi. Hindi na kailangan pang sabihin na girlfriend nito ang kausap. Tumalikod siya. Ayaw niyang makinig sa pinag-uusapan nito at ng girlfriend nito. Pero dahil naroon din siya sa kuwarto ay hindi niya iyon maiwasang marinig. "Why don't you cut your vacation and let's get married? Ano ang gusto mo? A church wedding or a garden wedding?" Nang humalakhak si Paolo ay hindi niya maiwasang mainis sa girlfriend nito. Dahil sa kapritso nito kaya maraming buhay ang nanganganib. "I'll call you later," sa wakas ay paalam ni Paolo at humarap sa kanya. "Good morning, Mr. Eduque," pormal niyang

