"Iie!" malakas na tutol ni Megumi. Tinabig niya ang kamay nito ni Paolo na nakahawak sa baywang niya. Nang makawala siya ay mabilis niyang hinablot ang isang kamay nito at pinilipit sa likuran nito. Saka niya ito idinukdok sa gilid ng mesa. "Ibig ba nitong sabihin, ayaw mo sa proposal ko?" nakangisi nitong tanong nang lingunin siya. Nag-init ang ulo niya nang sa halip na magmakaawa itong pakawalan niya ay parang iniinis pa siya nito. Lalo niyang pinilipit ang braso nito. Seryoso siya na ipakita dito na kaya niyang baliin ang braso nito. Noong bata pa siya ay nag-train na siya ng judo, karate at kendo. Kaya niyang magpatumba kahit malalaking lalaki. "Dapat ba akong matuwa sa iyo? Hindi ako mababang klase ng babae. Pinipilit kong makipag-deal nang malinis sa iyo. Dahil akala ko, matino ka

