Naghalo ang emosyon sa mga mata ni Gianpaolo. Hindi alam kung maa-amuse o maiinis kay Megumi. "Kung may mangyayari man sa atin ngayon, tinitiyak ko sa iyo na hindi iyon rape." "Wala naman akong kasalanan sa iyo. Kung galit ka sa girlfriend mo, huwag mo akong idamay." Ayaw niyang ma-r**e. Kahit na ito pa ang pinakaguwapong lalaki sa mundo, hindi siya susuko nang walang laban. "Akala ko ba gusto mong makuha ang Jewel of the Dragon's Neck. Ginagawan na nga kita ng pabor. At walang kinalaman si Stacie dito!" Nang bumadha ang takot sa mata niya ay napamura ito. Bahagya nang naglaho ang galit sa mga mata nito ngunit may natitira pa ring bahid ng pagnanasa. Hindi pa ito tuluyang nagku-cool down dahil nararamdaman pa rin niya ang pag-igting ng mga muscles sa katawan nito. "Okay, I'll give you

