ITINAAS ni Megumi ang bow at inasinta ang target board. Nang I-release niya ang bow string ay humaginit ang pana ngunit hindi naman tumama sa mismong bull's eye. Siya lang ang mag-isang nag-eensayo sa archery field na iyon dahil maaga pa. Napakiusapan lang ang tagapamahala ng Archery school na kakilala ni Ace na payagan siyang mag-practice nang maaga. Outdoor target archery ang paglalabanan nila ni Paolo. Nagulat siya nang makarinig ng palakpak. Nang lumingon siya ay palapit na sa kanya si Phoenix. "You are great, Meg! Hindi ko alam na may lahi ka palang Indian pana," pabiro nitong sabi sa kanya. "What are you doing here?" tanong niya at ibinaba ang archery gears. Ilang araw na siyang nag-eensayo dahil sa isang linggo na sila maghaharap ni Paolo. "Gusto ko lang I-check kung okay ka. Sab

