MAAGA pa lang ay nasa archery field na si Megumi na pagdarausan ng laban nila ni Paolo. Ikinokondisyon niya ang sarili sa magiging laban nila. Maganda ang gising niya sa araw na iyon kaya tiyak niyang mananalo siya. Sinulyapan niya ng sport's watch. Mag-aalas nuwebe na nang umaga. Dumating na ang mga judges sa laban nila gayundin ang scorer referee. Subalit pa rin si Paolo. "Baka naman nabahag ang buntot at sumusuko na sa laban," nangingiti niyang sabi. "Alam siguro niya na wala siyang panama sa akin." Maganda ang pagkakangiti niya habang inilalagay ang protective gear sa daliri na panghila ng bowstring at protective shield na inilalagay sa braso niya para sa pagpilantik ng bowstring nang makita niya ang pagdating ni Paolo. Nakasukbit quiver ng arrow nito sa balikat habang bitbit naman n

