Nakangiting pinagmasdan ni Megumi ang Mt. Fuji. Pauwi na siya sa Fujigoko region sakay ng bullet train. Kahit na sanay na siya sa Pilipinas, iba pa rin ang Japan. Kapag summer, nagkukulay rosas ang paligid dahil sa cherry blossoms. Iyon ang isang tanawin na hindi niya ipagpapalit sa iba. "Ano koto mo, namida niyukabu waga miniwa. Shinanu kesshite mo nanimi kawasu," usal niya habang pinagmamasdan ang pinakamataas na bundok sa Japan. "Are you saying something?" nakakunot ang noong tanong ni Paolo nang alisin nito ang tingin sa binabasang Japanese guide book at tingnan siya. Nagulat siya dahil narinig siya nito. "Nan demo nai." Umiling siya. "Nothing." Naniniwala na siya na seryoso itong makuha ang Jewel of the Dragon's Neck dahil sumama pa ito sa Japan. Hindi niya alam kung pwede ang pla

