Paglabas niya ay nakaantabay na agad ang lalaki sa kanya. Marahil ay kinausap na ito ng doktora na alalayan siya papunta sa auction hall. "What are you doing in an auction alone?" tanong nito habang naglalakad sila sa hallway. Nakahawak ito sa siko niya habang pinipilit niyang lumakad nang tuwid. "Probably like anybody else's business. To bid," kaswal niyang sagot. "Don't you have a man to buy what you want for you?" "I don't need a man. I can buy what I want." "Whew! And I thought Japanese women are submissive." "I am not pure Japanese," usal niya. "I have a Filipino blood." Gumuhit ang magandang ngiti sa labi nito. "The stubborn, independent type of women. You don't look like one." Nagkibit-balikat lang siya. Many thought that she was fragile because she looked like a breakable J

