"SHIMATTA!" Sa kauna-unahang pagkakataon ay napamura si Megumi. This was the worst night of her life. Everything was perfect for the auction. She looked elegant in her black spaghetti strap velvet gown. Simple lang ang make up niya na nagpatingkad sa makinis niyang balat at nakalugay ang lagpas-balikat niyang buhok. Maayos na ang lahat maliban sa black stiletto high heeled shoes na suot niya. Kaya naman usad-pagong siya papunta sa auction hall dahil hindi siya makapaglakad nang maayos. Kung pwede lang na magyapak siya ay ginawa na niya.
Luminga siya sa paligid at sumandal sa marmol na pader upang magkunwaring may hinihintay. Pawang mayayaman at may sinasabi sa lipunan ang dadalo sa subastahan. Isa pa iyon sa problema niya. Hindi siya sanay na magdidikit maraming tao at puro mayayaman. Kahit noong nasa Japan pa siya, ayaw niyang sasama sa mga business party para sa negosyo ng Papa niya. Mas gusto niyang mapag-isa. She felt claustrophobic when people are around.
Na-late siya nang dating dahil galing pa siya sa Albay. Hindi kasi niya basta-basta maiwan ang operasyon nila. Kaya naman nauna nang pumunta sa venue ng auction sina Phoenix at Ace. Ayaw naman niyang abalahin ang mga ito dahil tinitiyak ng mga ito na magiging maayos ang auction.
"Doushita, Megumi?" tanong niya sa sarili. Hindi siya dapat magpatalo sa high heeled shoes. Huminga siya nang malalim at nagsimula ulit na maglakad. Ngunit talagang hindi nakikisama ang paa niya. Nakakaisang hakbang pa lang siya nang muntik na namang magkabisala ang paa niya.
Mabilis siyang napahawak sa pader. "Calm down, Megumi. Daijoubu no," pagpapakalma niya sa sarili. Magiging maayos din ang lahat.
"Excuse me, Miss. Are you okay?" tanong ng boses ng isang lalaki.
"Hai," usal niya at napalingon dito.
Natulala siya nang makasalubong niya ang kulay kapeng mata ng mga lalaki. They were almost translucent under the light. Nagkaroon pa siya ng pagkakataon na pag-aralan ang anyo nito. He was tall with broad shoulders. He wore his black suit with masculine care. Hindi ito ang klase ng lalaki na nagbababad lang sa opisina. Maganda rin ang tindig nito. Parang isang royalty.
Aside from his worried light brown eyes, he had a perfect nose. Aristocratic is the right description. Light tan ang kulay ng balat nito. At ang labi nito ay laging may nakahandang ngiti. Well, those lips are not only suitable for smiling. They look more suitable for kissing. A kiss that would create a thousand fireworks.
"Do you want me to bring you to the clinic?" nag-aalalang tanong nito. Nang nanatili pa rin siyang nakatulala dito ay kumunot ang noo nito. "Do you understand what I am saying?"
Parang nahihipnotismo siyang tumango. "I-I am okay now, really," aniya nang makabawi. Tinangka niyang maglakad palayo dito ngunit naging mabuway na naman ang lakad niya. Naapektuhan yata ng sapatos pati ang utak niya.
Mabilis siya nitong inalalayan. "You are not okay," mariing sabi nito. "You really should see a doctor. Can you walk?"
"I can't."
"I'll carry you," anito at binuhat siya.
Nakadama siya ng panic nang malalaki ang hakbang nitong tinahak ang daan papunta sa clinic. "Torihanasite! Byouki dewa nai yo!"
Kumunot ang noo nito. "I didn't catch that."
"Put me down! I am not sick," aniya sa Ingles. Dahil sa pagkatuliro niya ay nakakapag-Japanese siya.
"You said you can't walk," tuwid ang tinging sabi nito. Ni hindi pinapansin ang mga protesta niya.
"Chigai masu!" aniya at umiling.
"Hold that Japanese. I can't understand you."
"I said that's not it. I am not sick. Put me down!" halos histerikal niyang sabi. "It is almost time for the auction. I don't want to be late."
"Easy, easy," usal nito at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. "It won't start just yet. You are in the Philippines after all. Are you with someone?"
Sasabihin sana niyang may kasama siya ngunit pinili na lang niyang umiling. She surrendered to her fate and stopped resisting. Wala rin namang balak ang guwapong lalaki na pakawalan siya.
"What is the problem, Sir?" tanong ng nurse pagpasok nila sa clinic.
"She is sick," sabi ng lalaki.
"I am not," kontra naman niya.
"Who are you fooling? You can't even walk straight."
"Okay, I'll check on her," anang doktora at inutusan ang lalaki na ilapag siya sa hospital bed na naroon.
Sinimulan siyang I-examine ng doktora. Nakatutok ang stethoscope sa dibdib niya at inutusan siya nitong huminga. "Doc, I am okay. I really am. I can't walk properly because I am not used to wearing high heeled shoes."
"Oh," she said in amusement. "Your boyfriend said that you are sick. He looked so worried."
"A misunderstanding. And he is not my boyfriend," pagtatama niya. Subalit hindi siya makatingin nang direkta sa doktora. Malamang ay iniisip din ng ibang tao na nobyo niya ang lalaki dahil karga-karga siya nito.
"A Good Samaritan?" parang nanunukso pang sabi ng doktora. "Okay I'll ask him to escort you. Is that okay with you?"
Tumango siya. "Hai," payag niya at yumukod. "Arigatou-gozaimasu."
Hello, everyone! This is a VIP story. You can read the first five chapters for free but you have to use coins to read the other chapters until the end.
There are two ways to get coins:
1. Free coins - Go to Earn Rewards and do the tasks to get coins.
Go to Youtube and search Dreame Free coins if you want to watch the tutorial on how to get free coins.
2. Buy coins - go to Store and buy coins via load (Smart or Globe billing), Paypal, Gcash, credit card. This varies on the phone model and country.
Thank you and happy reading!