Chapter 4

878 Words
Umaangil ang gulong ng Jaguar ni Paolo nang itigil niya iyon sa harap ng magarang ancestral mansion ng mga Eduque sa Dasmariñas Village. Inis niyang hinampas ang manibela sa sobrang inis kay Stacie. She made a fool out of him. Pero mas naiinis siya sa sarili dahil hinayaan niya itong na pagmukhain siyang tanga. Lumabas na agad siya ng sasakyan bitbit ang coat. "Damn!" bulalas niya at pabalabag na isinara ang pinto ng kotse. "Good morning, Señorito," nakayukod na bati ng dalawang kawaksi. Ngunit hindi niya nagawang sagutin ang bati ng mga ito. Ni hindi niya pinansin ang nakalahad na palad ng isa sa mga ito para kunin ang coat niya sa kanya. Tumuloy siya sa bar at dinampot ang flask ng bourbon. Nagulat pa siya nang may maglapag sa harap niya ng baso na may ice cube. "Welcome back, Señorito," bati ng head butler na si Felipe sa kanya. Nagulat siya sa biglang pagsulpot nito. "How the hell did you get here?" "Hindi ninyo ako napansin, Señorito. Pero kanina pa ako nandito bago pa man kayo pumasok. Alam ko kasi na sa bar agad kayo tutuloy. Trouble?" tanong nito. Tahimik lang niyang isinalin ang alak sa baso. Matagal nang naninilbihan sa pamilya nila si Felipe sampu ng pamilya nito. Mula sa lolo nito hanggang dito ay naging mayordomo ng mga Eduque. "Stacie ditched me!" usal niya nang hindi makatiis sa nagtatanong nitong tingin. Hindi lang basta mayordomo o tagasilbi ang tingin niya dito. He was also his confidante and his adviser. Ito na kasi ang nag-alaga sa kanya mula pagkabata niya. Lalo na't busy ang mga magulang niya sa negosyo habang lumalaki siya. Nag-iisang anak siya nina Eleanor at Francisco Eduque na nasa resthouse nila sa Greece at nagbabakasyon. Mula nang tumuntong siya ng dalawampu't siyam na taon, apat na taon na ang nakakaraan ay sa kanya na ipinamahala ang Eduque Group of Companies hanggang tuluyang mag-retire na ang Papa niya. "Bakit hindi natuloy ang pagpunta ninyo sa Anilao, Señorito?" "She is riding that f*****g plane to Italy right now. Akala ko nagugustuhan na niya ako kaya siya pumayag na sumama sa aking magbakasyon ngayong weekend. But she made me look like a stupid dog waiting at her condo. Ni hindi man lang niya ako inabisuhan agad," sentimyento niya. Pero ano ba ang aasahan niya sa isang babaeng tulad ni Stacie? She was used to making people putty in her hands. Palibhasa ay galing ito sa mayaman at maimpluwensiyang pamilya ng mga Lozano. Her father was the owner of Lozano Enterprise. Isa ring kongresista ang ina nito. Her family's position in the business and political world was very strategic. Aside from the fact that she was so damn attractive. Kaya naman hindi niya ito basta-basta mapakawalan kahit pa nga binalewala nito pagiging Eduque niya. "More wine, Sir?" alok nito at sinalinan ang baso niya. "Pero hindi naman niya sinabi na tigilan na ninyo ang panliligaw ninyo sa kanya, hindi ba?" "Oh, she gave me a month to prove how much I love her," pakonswelo niya sa sarili. Sa isang katulad niya, maswerte na siyang umabot ng tatlong buwan sa panliligaw dito. Di tulad ng iba na hindi na sinisikatan ng araw sa panliligaw. "I have to give her something that nobody else has. At kung maibibigay ko iyon sa kanya, saka lang ako makakapasa. Pero hindi ko alam kung ano iyon." "They own an island in the Caribbean, a yacht, a private helicopter and a private jet. They have a cottage in Copper Mountain Ski Resort. And her parents gave her a diamond collection when she turned eighteen." "Damn it!" bulalas niya at hinampas ang counter ng bar. "But I like her." Ngayon ay alam na niya kung bakit kailangang mangako ng buwan at bituin ng mga nanliligaw noong araw para lang mapasagot ang isang babae. Ngayon lang siya nanligaw ng babae. At mas nagiging mahirap sa kanya ang bawat ipinagagawa nito. "Gagawin ba ninyo ang lahat para sa kanya?" "Siyempre. But I don't know what will please her." "In a minute," sabi nito at nagtungo sa library. He stared at the amber liquid while waiting for him. Baka sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay kailanganin niyang sumuko. Pero hindi pa siya naging talunan kahit kailan. At hindi siya papayag na maging talunan dahil lang sa isang babae. Magiging malaking kahihiyan iyon sa kanya. Hindi niya pwedeng sirain ang pagkakakilala sa kanya ng marami. What Gianpalo wants, he takes. "Baka makatulong ito sa inyo, Señorito," sabi nito at inilapag sa harap niya ang isang cream na envelope. Nakakunot-noo niyang binuksan ang sobre. "An invitation for the Sto. Cristo auction?" usal niya at nagtatanong itong tiningnan. "Dumating iyan noong isang buwan para sa Mama ninyo. The auction will feature artifacts from a sunken Spanish Galleon Sto. Cristo. Maybe you can find something that will interest Miss Stacie." Sa kauna-unahang pagkakataon ay gumuhit ang ngiti sa labi niya. "Sto. Cristo treasures," usal niya. Ang alam niya, pinakamahal na artifacts ngayon ang galing sa mga Spanish galleon na lumubog. "Felipe, kumuha ka ng baso mo." "Gusto ninyong damayan ko kayo sa pagdadalamhati ninyo, Señorito?" "No. I want to celebrate. Malapit ko nang maging girlfriend si Stacie." Dahil pagkatapos ng Sto. Cristo auction, tiyak niyang mapapasagot na niya ito. e
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD