"I AM leaving for Italy today, Paolo. I am actually at the airport," malambing na sabi ni Stacie. "Hindi ako makakapunta sa trip natin sa Anilao. I am sorry, baby."
Subalit kahit gaano pa kalambing ang pagkakasabi nito, nagpanting pa rin ang tainga niya. Excited siya sa trip nila sa Anilao. Ilang linggo na siyang nakiusap dito na sumama sa kanya at masayang-masaya siya nang pagbigyan nito. Akala niya ay magkakaroon siya ng pag-asa para mapasagot ito. Pero heto at pinagmumukha siya nitong tanga sa condo nito kung saan niya ito dapat susunduin.
"Why the hell are you flying to Italy?" tanong niya sa kontroladong tono.
Kahit na gusto na niyang pagsisipain ang pinto ng condo nito. Kanina pa siya mukhang tanga sa kahihintay dito sa harap ng condo nito. Pudpod na ang kamay niya kado-doorbell ay walang nagbubukas sa kanya ng pinto. Iyon pala ay wala na ito at paalis na ng bansa.
"Oh, remember Mimi, my friend during high school? She invited me to visit her. We haven't seen each other for years. She's a popular model now."
"How about our trip?" Ano ba ang importante sa Mimi na iyon? Ang pagkakatanda pa nga niya, hindi nito gusto si Mimi noong high school ayon na rin sa kwento nito dahil middle class lang ang pamilyang pinagmulan ng babae. Pagkatapos ngayon ay nagawa siya nitong iwanan para kay Mimi.
"Obviously, it is cancelled, Paolo," malambing nitong sabi na parang hindi siya nito pinagmukhang tanga. "But I promise that I will see you once I am home."
"When will you be back to Manila?"
"Uhmmm..." anitong parang nag-iisip pa. "I am not sure. After a month, maybe. Are you mad at me?"
Bumuntong hininga siya. "I am trying not to."
Wala pang babae na naglaro sa kanya. And obviously, that was what Stacie was doing. She knew that he liked her so much and she knew that he was wrapped around her little finger. At wala siyang magawa.
He is Gianpaolo Eduque. Miyembro siya ng kilalang angkan ng mga Eduque. Isa sa angkan na matagal nang may pangalan sa lipunan mula pa noong panahon ng mga Kastila. He was the heir to the Eduque Group of Companies. Women were after her. He was a reformed playboy because of Stacie. And he was starting to hate it. He manipulated women. Not the other way around.
Mahinang humalakhak si Stacie. "That's what I like about you. Hindi mo itinatago kung ano ang totoo mong nararamdaman. But do you really love me?" puno ng pagdududa nitong tanong.
"Do you want me to follow you to Italy just to prove it?" Gagawin talaga niya iyon. Hindi siya makakatagal nang isang buwan nang hindi ito nakikita.
"I know that you can even buy Italy for me if I ask you to. But that isn't what I want. If you really like me, you have to find a very suitable gift for me. Something unique. Something nobody else has yet. And if I like it, I will be your girlfriend. I will even marry you. You have a month to find me a gift. Ciao, Paolo!"