Dose 4
Naiwan ang makapal na scratch ng blade sa pulso kung saan ko iniukit ang pangalan niya.
Asia.
Lumipas na ang isang taon ng paghihintay at paghahanap ko sa kanya.
Naiwan ako sa pag-asang mahahanap o di kaya magpakita siya sakin isang araw.
Hanggang sa kasalukuyan wala akong mahanap na sagot sa biglang pagkawala niya at ng pamilya niya.
Her sweet sixteen was the last moment we shared. Where we spill our promises. Where we give up each other and become one.
Ayaw ma proseso ng isip ko na baka kaya niya ibingay agad-agad ang sarili ng walang pagdadalawang isip dahil alam niyang huling araw na iyon na makikita ko siya.
She gives me hung up!
I long for her intensely at wala akong ibang gustong mangyari kundi makita siya. It is between finding her or to just leave and rest forever.
Gusto ko nang mamatay ng tuluyan kong napagtanto na talagang iniwan na niya ako.
Ang hindi ko matanggap, yong hindi siya nagpaalam ng maayos. Kayang kaya ko siyang hintayin at intindihin kahit na sa malayo siya.
Second year college na ako, malaking pasalamat ni Mama na kahit wala na ako sa sarili ay pinagpapatuloy ko pa rin ang pag aaral ko.
Natauhan na ako sa ginawa kong pagsira sa sarili ko. . . Muntik na kasing mawala ang unang pinaka importanteng babae sa buhay ko, ng sinaktan ko ang sarili ko.
Si Mama.
Inatake siya ng high blood ng makita ako sa bakulod na walang malay at naliligo ang braso sa sariling dugo. Pareho kaming na emergency room.
Hindi ko alam bakit hindi pa ako na matay non e nag fifty fifty na ako.
Si Asia lang ang naging laman ng isip ko mula pa man. . . May gusto mang pumasok sa buhay ko ay hindi ko hinahayaan.
"Dennis!"
Biglang lumitaw ang babaeng may maiksing buhok at kulay itim na lipstick. Bibit nito ang gitara niyang kulay itim rin.
"Salome."
"Alam ko na dito talaga kita mahahanap, hindi ba pinagbawalan ka na ni Tita na h'wag pumunta ng bakulod!"
Matigas ang pananalita nito, tubong Capiz kasi.
"Wala naman akong gagawin, e."
Inilibot ko ang mga mata sa buong lugar. . . Pakiramdam ko nandito pa rin siya.
"Baka mamaya pangalan ko naman ang isulat mo sa pulso mo."
Hindi ko na pinatulan ang mga biro ni Salome, alam ko simula pa man ng maging kaklase ko siya ay may kakaiba na siyang gusto sa akin.
Ngunit, hindi siya kayang tanggapin ng systema ko.
Wala naman itong paulit ulit na turan kundi, Asia.
Asia, Asia, Asia. Niluluwa na siya ng galit ko pero wala. Siya pa rin.
"Dennis. . . Alam ko mahal mo pa rin siya, pero nandito lang ako, ha? Hindi kita iiwan."
Sa likod ng magaspang na pananalita at kilos ni Salome ay nakikita ko pa rin kung gaano siya kabuting tao.
She was been there during my downfalls. She wept my tears that Asia's cause. Siya ang nag aayos ng sarili ko na hindi ko na kayang ayusin.
Pakiramdam ko ginawa ni Salome sa akin ang ginagawa ko dati kay Asia.
She's helping me in Acads. Nakakahiya pero sa tuwing na sho-short ang allowance ko ay to the rescue siya.
Pero hindi ibig sabihin no'n mahal ko na siya.
Hindi siya mahirap mahalin. . . Nahirapan lang ako magmahal ng panibago dahil hindi pa ako tapos sa una kong minahal.
She was suffering from my pain. Siya ang nasusugatan sa pilit niyang pagbuo sakin.
Nevertheless. . . She stayed. And she kept on staying.
"Salamat, Salome."
"Ikaw pa, malakas ka sakin."
Bahagya kaming natigilan sa pagkulimlim ng langit. Tanaw pa rin mula sa bakulod ang nagliliwanagang bayan sa Iloilo.
"Dennis, I am more than willing to help you. This summer, hanapin pa rin natin siya."
Napapangiti ako sa paraan ng pagmamahal niya sakin, kahit alam niyang masasaktan siya kapag nahanap ko si Asia, willing pa rin siya na hanapin namin ito.
"Salamat, Salome."
Tuloy ang ginagawa kong paghahanap. Narating ko na pati ang dating Principal sa school kung saan nag tuturo ang Mama niya. Ngunit nag resign na daw ang Mama ni Asia, a year early before they gone.
Planado ang pag alis nila at mas pinili niyang h'wag ipalaam sa akin.
Ganoon ba ka lalim ang rason mo Asia, para iwan mo na lang ako basta-basta?
Naglaro pa ang mga tanong sa isip ko, araw-araw pa rin akong nagagawi sa labas ng bahay nila. . .
February 9, 1997 natigil ako sa labas ng gate nila ng may makitang papel na nakaipit sa gate. Hinila ko ito at binuklat.
Bill iyon ng Ilico, halos malula ang mga mata ko sa laki ng bill na nakapangalan pa kay Italia Lope Plaridel, sa Mama niya.
Paano sila nag ka bill ng halos six thausand, e wala namang gumagamit ng kuryente sa loob. Lates bill iyon, para sa buwan ng January.
Hula ko ay nag kamali lang ang Ilico sa nalagay, isang taon nang walang tao sa bahay nila Asia. Paanong magkakabill.
Nandito rin ako araw-araw at wala akong nakikita ni ilaw sa loob.
Kinuha ko ang bill na iyon at itinago, baka isang araw bumalik sila mapakita ko 'yon.
February 10, alas singko ng umaga inaya ako ni Salome na mag jogging papuntang bakulod.
Pero alas kwatro pa lang ay tumulak na ako para doon maghintay kay Salome sa labas ng bahay nila Asia.
Halos sampung minuto pa lang akong nakaupo sa may gate nila ng may kalampag akong narinig sa loob ng bahay. Napatayo ako at sinilip ang loob ng bahay, wala namang ilaw, o kahit na anong senyales na may tao sa loob.
Ngunit nanlaki ang mga mata ko ng may tumalon mula sa bintana.
Pusa. . . Puting mabalahibong pusa.
Kilala ko ang pusa na iyon.
Si Erapsus!
Alagang pusa ni Asia at ako mismo ang nagpapangalan.
Ngunit ang malaking katanungan, bakit nandito pa ang pusa?
Hinintay kong makalapit ito sa akin at dinampot. Maykabigatan ito at katambokan.
Hindi halatang stray cat na siya. Mabango din ito, at tila amoy bagong shampoo pa.
Possible kayang bumalik si Asia sa bahay nila ng hindi ko nalalaman?
Gayon pa man sinama ko na rin si Erapsus sa pag jojogging namin ni Salome pa akyat ng bakulod.
Puro reklamo naman ang huli dahil di naman daw ako nag jojogging.
Dahil kay Erapsus nagkaroon ako ng pag-asa na baka malapit ko ng mahanap si Asia.
Hindi matitiis ni Asia na mawalay ang mga alaga nito sa kanya. Lalo na si Erapsus.
Sa pagdaan pa ng mga araw, mas lalo kong dinalasan ang pag gagawi sa bahay nila.
Lunes, Febrero disenuebe. Isa na namang panibagong bill ang na abutan kong nakaipit sa gate nila.
Bill ng tubig.
Papaano nangyari na magkakaroon ng malaking bill ng tubig ang bahay nila, na halos mag dadalawang taon nang walang nakatira.
Katulad ng ng naunang bill ay kinuha ko ito at tinago.
Impossible ang mga bill ng kuryente at tubig, baka may roong nagaganap na illegal jamper at kinabit sa kontador nila.
Mas lalo akong nabuhayan ng loob ng isang araw na napagawi ako sa bahay nila ay may naabutan akong line man ng kuryente.
"Manong, ano po ginagawa niyo?"
"Puputulan namin ng kuryente ang bahay na ito, isang buwan ng hindi nakakapagbayad e."
Isang buwan?
"Po? Hindi po ba matagal ng walang nakatira diyan?"
"Wala naman akong alam diyan, hijo. Ang alam ko may nagbabayad ng bill nila diyan, at ngayong buwan lang napalya ng pagbayad."
Lihim na umuuwi ang pamilya nila sa bahay na iyan at walang balak si Asia na magpakita sa akin.
Ano pa ba ang rason ko para hanapin ang taong ayaw naman talaga na siguro ako makita.
Pagkauwi ko ng bahay na abutan ko si Salome, nag kukuwentuhan sila ni Mama. Masiyado ng napalapit si Salome kay Mama, ni minsan din mula ng may ginawa akong katarantaduhan sa bakulod ay hindi na nagagawa pang banggitin ni Mama ang pangalan ni Asia.
Alam kong malalim din ang hinanakit niya rito, muntik na siyang mawalan ng anak dahil kay Asia.
"Galing po ako sa bayan." Pagdadahilan ko na lang.
"Iwan ko na kayong dalawa at maghahanda ako ng hapunan, dito maghahapunan si Salome."
Marahang ipinatong ni Salome ang kamay niya sa mga kamay ko. Nagtaka ako sa kilos niya, seryoso rin ang mga mata nito.
"Dennis, I wont give a false hope."
"Bakit?"
"Si Kuya ko may barkada sa Antique at nakuwento niya ang pagkawala ng pamilya ng mga Plaridel."
Naghintay ako sa sasabihin ni Salome, ang lakas ng t***k ng puso ko.
"Dennis, nakita ng barkada ni Kuya si ang Kapatid ni Asia sa Antique. Dennis, nasa Antique sila."
Karatig lungsod lang ng Iloilo ang Antique, kung pwedeng susuyurin ko ang buong Antique makita lang siya, gagawin ko!
Handa akong makinig sa lahat ng rason niya. Tatanggapin ko lahat, basta maibalik ko lang siya.
"Ito ang address."
Hindi ko napigilang ang sarili kundi yakapin si Salome. Hindi ko alam kung paano ko siya pasasalamatan sa lahat-lahat ng tulong niya.
Sana. . . Sana magkita na kami ni Asia.
Mahal na mahal ko pa rin siya.
"Kapag nagkita na kayo, h'wag mo akong kakalimutan a. . . Magkaibigan pa rin tayo." Bakas ang pamamasa ng mga mata ni Salome.
Hindi ko mapangalanan ang pagmamahal na meron siya para sa akin. Ngunit iisa lang ang alam ko, dalisay ito at napakatotoo.
Malapit na kitang makita Asia.
Dose 4: Malapit na kitang matagpuan Asia