DOSE 3
Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na muna kami nagkita ni Asia. Abala kami sa paghahanda para sa graduation namin sa lunes ding 'yon. Hindi siya pumapasok, at normal na sa'kin yon, kaya hindi na ako masiyado nag aalala.
Sinabay ko na ang clearance niya sa clearance ko, binayaran ko na rin ang mga fee na hindi niya nabayaran.
Excited na ako na makasama siya sa isang litrato na nakasuot ng toga.
Pagbubutihan ko sa college, dahil pangako ko sa kanya na kapag tapos kami sa college ay magpapakasal kami agad, at kukumpletuhin ang Asian country na ipapangalan sa mga anak namin.
Our love is so perfect despite of the challenges.
Bumili ako ng mga candies at chocolate para gawing garland lace para sa kanya. Nagtabi din ako pera para kumain kami sa susunod na araw after graduation.
At dumating ang araw ng graduation, pormado na ako kasama si Mama at Papa papuntang school.
Hinintay ko si Asia, dahil may honor ako sa unahan ako pinaupo, panay lingon ko sa lilod kung dumating na siya, pero nag martsya at nasabitan na ako ng medal lahat lahat ay wala pa rin siya.
Katulad ng mga nangyari dati ay hindi nakarating si Asia.
Nagtaka ako kasi ito ang pinakahihintay namin pareho, ang umakyat sa stage.
Hindi muna ako dumiritso sa bahay after graduation, dahil may simpleng handaan kami. Nakapagtapos ako bilang third honorable mention, at ni celebrate yon ng parents ko, pero kailangan ko pa puntahan si Asia.
Pagdating ko 'don walang tao, wala si Tita at wala si Euro.
Halos di ko malaman kung ano gagawin ko, nakasabit lang ang toga ko sa braso. Sandaling sumandal ako sa gate nila para maghintay. Halos isang oras, dalawa, at halos tatlong oras na pero wala pa rin sila.
Sumibol na ang takot sa buong sistema ko. . . Pakiramdam ko ay nalaman na nila na may nangyari saamin ni Asia nong nakaraang gabi, at inilayo na siya sakin.
Iniisip ko pa lang pero halos hindi na ako makahinga.
Nasaan ka na Asia.
Lumipas ang magdamag, pero hindi sila dumating.
"Asia!" Hindi ko mapigilan ang sarili na yugyugin ang gate nila.
Kumawala ang mga luha sa aking mga mata.
Nagtanong tanong ako sa mga kapit bahay nila pero walang makapag sabi kung sana sila pumunta.
Lumipas ang isang linggo, pabalik balik ako sa bahay nila. Pero wala pa ring tao, kinausap ko rin mga kaibigan niya kung may nabanggit siya, pero wala. Hindi ko na alam ang gagawin ko para mahanap siya, pero hindi pa rin ako sumuko. Bahala na kung makita ng Papa o Mama niya ang mga sulat ko, nag iiwan ako ng mga letters at inihahagis sa gate nila.
Minsan ay nagtatagal ako ng limang oras sa labas mg bahay nila, umaasa na uuwi sila. At gusto ko ako agad ang unang makita niya.
Napalitan na ng pag aalala lahat ng tampo ko sa kanya sa hindi pa attend ng graduation.
Kung may telepono or cellphone lang sana kami, mabilis ko siya mahahagilap.
Masiyadong mabilis ang panahon at lumipas ang isang buwan na hindi ko na nakita si Asia matapos ang birthday niya. Pero hindi pa rin ako sumusuko, malapit na ang pasukan, kaya after ilakad ang enrollment at mga requirements namin pareho ay dumadaan ako para silipin ang bahay nila. As usual, nabibigo lang ako.
Dumating na ang araw ng pasukan, kahit gusto ko man na opisyal na mapa enroll siya sa BSBA ay hindi ko na nagawa kasi personal dapat ang entrance exam at may imterview pa.
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, kahit anong paraan ang gawin ko tuluyan na siyang nahinto sa pag aaral. Nawawala--- o hindi na talaga siya nagpakita.
Hirap na hirap ako dahil sa biglaang pagkawala niya na parang bula. Sa maikling panahon pa lang, first semester sa kurso kong Hotel Management ay nagkaroon na ako ng mgakaibigan, pero ni minsan hindi ko siya nakalimutan.
Dumadaan ako sa bahay nila araw-araw.
Ayaw kong isipin kung ano ang nangyari, at ayaw ko rin isipin na baka iyon na ang huli naming pagkikita.
Anim na buwan na ang lumipas. . .
Wala akong bukang bibig kundi Asia. Wala akong magawa kundi hintayin lang siya. Hindi ko magawang kumain nga tama, pakiramdam ko na ubos na lahat ng lakas ko, at ang tanging dahilan na lang para patuloy pa akong huminga, ay ang makita siya.
"Anak, kumain ka naman ng maayos." Sabi ni Mama.
"Hindi ko na nagugustuhan ang itsura mo! Daig mo pa ang nag aadik diyan sa kanto! Aba, natutulog ka pa ba?"
"Ayos lang po ako, Ma."
"Nak, tanggapin na lang natin."
Ngunit hindi ako nakinig kay Mama. Wala na akong matinong kain, tulog, o pahinga. First semester pa lang pero ang mga grades ko pabitaw na.
Walang gabi na hindi ko siya iniiyakan, mas pipiliin ko na pala absent siya, at least nakikita ko siya diyan sa kanila.
Parang paulit-ulit na torture ang nangyari saamin.
Hindi ko matanggap!
Sa kabila ng paghahanap ko sa kanya, natuto akong uminom at magbisyo. Parang hindi ko nakilala ang sarili ko, ginawa ko lahat para kahit papaano ay makatulog ako sa kabila ng pangungulila ko sa kanya.
Minsan gusto ko nang magalit sa kanya, sinusumbatan na siya ng isip ko na napaka paasa niya!
Mahal na mahal ko siya.
Ang hindi ko matanggap na sa kabila ng lahat nagawa niya akong iwan ng walang pasabi.
Pero mas nangingibabaw ang nararamdaman ko para sa kanya, hinahanap at hinihintay ko pa rin siya. Umaasa ako na dudungaw siya sa bintana ng classroom at yayakapin ako bigla.
Ang bakla ko pakinggan, pero talagang bakla ako kay Asia. My future is already aligned with her.
Tuwing hapon ay dumadaan ako sa kanila, na lanta na sa loob ang mga alaga niyang halaman.
Anim ba buwan na ang lumipas pero buo pa rin ang pag-asa ko. . . Ngunit pabitaw na ako sa sarili ko.
Hapon ng Nobyembre desi-sais, nag dala ako ng red horse at mga chicherya sa bakulod ng eco park. Madalas din ako sa bakulod, nagbabakasakaling puntahan niya ang tambayan namin.
Naupo akong mag isa sa bakulod, punong puno ng mga alalaala ang lugar na ito. . . Our first kiss. First hug. First time. Dito siya naging akin. Dito rin namin binigay ang mga sarili. Dito sa bakulod na 'to kami nagsumpaan.
That mem'ries brought no smile nor joy, but a mesirable tragedy in my heart.
"Asia! Na saan ka na?!"
Natataas baba ang mga balikat ko sa mga pinakawalang hikbi.
"Bumalik ka na sa'kin. . . Parang awa mo na."
Those are my trying moment. . . Between to live my miserable life of waiting for Asia, or to leave because waiting for nothing sucks me.
Binasag ko ang bote ng alak at walang pagdadalawang isip na isinulat sa pulupulsuhan ko ang pangalan niya. . . Asia.
Automatic na dumaloy ang malapit at masaganang dugo sa aking pulso.
I never loss Asia. . . She's always within me forever.
DOSE 3: I never loss Asia, what I lost is my self.