Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang sinabi ni Selea kanina, iyon ang dahilan kaya nagising ako sa katotohanan. Nagsisisi na ako kung bakit nakalimutan kong nandiyan pa sila nang mawala si Amara. Hindi ko maiwasang malungkot nang sabihin niyang gusto niya na lang tapusin iyong amin. I don't want to have a broken family kaya this time ako naman iyong lalaban para sa kanila. Kaya ganoon na lang iyong lungkot ko nang mawala si Amara kasi alam ko na ako iyong isang rason kaya nagawa iyon ni Mackent. Nakakulonh na ito, sinigurado namin na magba-bayad siya sa mga ginawa niya sa amin. Nasa apartment ako ngayon ni Selea, ako iyong nagluto ng dinner namin mamaya. Maaga akong umalis sa trabaho para makabawi man lang sa kanila kahit papaano. Dinalhan ko rin ng mga bagong laruan

