Bukas na ang kasal naming ni Kiel. Binuksan ko iyong maliit na box na puno ng mga letters ko na para kay Kiel noon, sobrang luma na noon hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang mga iyon. Napapikit ako habang inaalala kung paano ako naging loyal noon kay Kiel kahit na alam kong sobrang imposible. Naalala ko iyong bestfriend ko noong high school, parang datil ang kinukuwento ko lahat ng rant ko sa kan’ya tungkol kay Kiel. Paano ako umiyak noong nalaman kong may kasintahan na ito at paano ko iniwasan ang mga manliligaw ko para sa kan’ya. It was just a simple puppy love, akala ko hanggang doon na lang iyon. Hanggang tingin mula sa malayo pero hindi pala. Ang daming nangyari na pareho kaming napagtibay ni Kiel, mas lumakas at nag-matured kami dahil sa mga napagdaanan namin. Iyon

