After 11 years… Intramurals sa paaralan naming ngayon, nagulat na lang ako nang may mga SSG na humila sa akin sabay tinalian ang kamay ko. “Sinong may pakana nito?” tanong ko sa kanila sabay napailing. “Baka mga barkada mo,” natatawa na lang nilang sagot. “Sky! Ikaw na naman salarin nito ‘no?” tanong ko rito nang makasalubong ko ito, wala kasi silang mga trip kaya ako ang naisipan nilang pagtripan. Tatlong beses na akong pabalik-balik sa blind date room ngayong araw at sila ang may kasalanan noon. “This time matutuwa ka an kaya enjoy,” sagot nito sabay tumawa. Wala akong choice kung ‘di harapin na lang ang babaeng napili nila. Bago pa man pumasok sa loob ng silid tinakpan na nila ang mata ko sabay inalalayang makaupo, hindi ko alam pero bigla akong kinabahan nang maglapat ang mga pal

